*Dianna's POV*
'Good Day, ladies and gentlemen. We are now arriving in Ninoy Aquino International Airport. Thank you for flying with us. Welcome to the Philippines.'
Finally! Pagkatapos ng lahat ng nangyayari ay nakarating na rin ako sa Pilipinas. Mabuti nalang talaga at napapayag ko ang parents ko. Pero hindi yun ganun kadali kasi hindi agad pumayag si Mom. Ganito kasi ang nangyari,
~flashback~
"Is that what you really want?"
Walang mababakas na biro sa tono ng boses n'ya.
Pero hindi ako nagpatinag. I'm determined kaya sumagot ako while looking at him straight in the eye.
"Yes, Dad. That is what I want and that is my wish."
"Do you think you can do it?"
Seryoso pa rin s'ya.
"I will try my best just to be in their world, Dad. I know that it will not be easy for me, but you know our kind. We never gave up so easily, do we?" sabi ko pa sa kanya.
" Okay then, "
Tapos biglang tumayo si Dad.
"if you think that you can already do it and that's what makes you happy, so be it."
At naglakad na si Dad.
Napangiti naman ako sa narinig ko pero bigla ko itong itinago ng mapadapo ang tingin ko sa Mom ko na parang nabigla pa sa sinabi ni Dad.
"What!" Bigla s'yang napasigaw ng makarecover na s'ya.
"RICHARD!!!" At sinundan na nga n'ya si Dad.
-------
Nasa kwarto ako at nag-eempaki nang may biglang kumatok at pumasok si Mom.
Umupo s'ya sa tabi ko at tiningnan ako.
"Anak, kailangan mo ba talagang umalis?"Malungkot na tanong n'ya sa akin.
Huminto ako sa kung ano ang ginagawa ko at hinawakan ang kamay ni Mom.
"Please po, ayokong malungkot ka pero Mom, gusto ko po talagang gawin to kaya please, payagan n'yo na po ako." Pangungumbinsi ko pa sa kanya.
"Alam mo bang hanggang ngayon ay hindi ko pinapansin ang Dad mo dahil sa sinabi n'ya?"
Napatulala ako sa narinig ko.
"In-explain n'ya sa akin kung bakit s'ya pumayag at naiintindihan ko naman yun pero ang sa akin lang naman anak ay sino ang mag-aalaga sayo dun? Pwede naman tayong mag-hire ng butler mo o kaya mga guards at maids para may magbantay sayo pero dahil sa gusto mo ng normal na buhay ay hindi pwede. Nag-aalala lang naman ako sa kapakanan mo anak." -Mom
Masasabi ko talagang sobrang love ako ng parents ko. Napakaswerte ko.
"Pero anak, talaga bang yun ang magpapasaya sayo?" Biglang tanong ni Mom. Hindi naman ako nagdalawang isip at sumagot agad ako.
"Opo, at mas sasaya po ako kung susuporyahan n'yo ako."
Nagbuntong hininga si Mom at nagsalita.
"Kung yan ang magpapasaya sayo sige susuportahan ka namin ng Dad mo."
Di ako makapaniwala sa narinig ko.
"Is that true, Mom?"
Tumango si Mom at ngumiti s'ya sa akin. Dahil sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko si s'ya ng sobrang higpit.
"I love you po. Thank you so much."
~end of flashback~
At yun ang nangyari. Ang dami ngang bilin sa akin ni Mom bago ako umalis. Pero s'yempre bago ako pumunta dito sa Pilipinas ay bati na sila ni Dad.
'Ang parents ko talaga.'
~~
Nasa labas na ako ng airport. Totoo pala talaga na medyo mainit dito sa Pilipinas kaysa sa ibang bansa, pero sa tingin ko ay makaka-adjust naman ako agad.
Ngayon ano na ang gagawin ko?
Habang nag-iisip ay may bigla nalang humintong isang white limousine sa mismong harapan ko. Napatingin tuloy ang mga tao.
Nagtaka naman ako. Hindi dahil sa ngayon lang ako nakakita ng limo kun'di dahil sa hindi ko alam kung bakit ito huminto sa harap ko. Maya maya nama'y may bumaba na isang lalaki na tingin ko ay nasa mid-50's na. Lumapit s'ya sa akin at nag bow. Napatingin naman ako sa paligid ko.
'Bakit kaya sila nagbubulungan?' Tanong ko sa sarili ko.
Pero hindi ko nalang yun pinansin at sa halip ay tiningnan ko nalang ang lalaki sa harapan ko.
"Good Day, Miss Dianna, I'm Hilbert. Madame Margareth told us to fetch you and bring you to your hotel." sabi n'ya sabay bukas ng pinto.
Napaface-palm naman ako sa isip ko. Kararating ko lang at sisimulan ko na sana ang aking normal life pero heto ako ngayon.
'Si Mom talaga oh! Napaka-concern.'
Napangiti nalang ako sa naisip ko at pumasok na sa loob ng kotse.
Well, mukhang kailangan kong kausapin ulit si Mom para masimulan ko na talaga ang aking 'normal life'.
---------------------------
~LAM.=)
BINABASA MO ANG
The Secret Heiress
Teen FictionDahil sa kagustuhan n'yang maranasan ang isang simpleng pamummuhay kaya itinago n'ya ang kanyang tunay na katauhan. Sa panangin ng mga bagong tao na kanyang nakakasalamuha ay isa nalang s'yang normal at ordinaryong babae. Pero paano kaya 'pag nalam...
