Chapter 25:Last Day

1.4K 40 0
                                    

*Dianna's POV*

Ang bilis lumipas ng oras.Parang kahapon lang nung pumunta kami dito sa isla pero ngayon ay last day na namin, aalis na kasi kami bukas ng madaling araw.Kaya napagkasunduan namin na magdaos ng isang munting salo-salo mamayang gabi bago kami umalis.

"Hija,tayo na."
Sabi ni Nana Marta.

Nalaman ko kasing pupunta s'ya sa bayan para mamili ng lulutuin mamaya kaya sinabi ko sa kanya kung pwede ba akong sumama at pumayag naman s'ya.

"Sige po."

Lumabas na kami ng bahay at timing naman na nakasalubong namin sila Ken.

"Saan ka pupunta?"
Tanong n'ya sakin.

"Sasama ako kay Nana Marta sa bayan at tsaka nagpaalam na ako sa kanya at pumayag naman s'ya.Diba po,Nana Marta?"
Paninigiro ko sa kanila.

"Sama na rin tayo sa kanila Kuya, tutal di pa rin naman kami nakapunta dun, diba Shai?" Sabay kindat kay Shai.Namula l s'ya at napatango sa sinabi ni Jameson pagkatapos ay yumuko.

Napataas nalang ang sulok ng labi ko sa naging kilos n'ya.

"Oo nga naman Ken at tsaka mas masaya 'pag marami tayo." Mungkahi ko naman.

Mukhang napa-isip naman s'ya sa sinabi ko kaya mas kinumbinsi ko pa s'ya.

"Sige na naman Ken.Kung hindi kayo sasama edi kami nalang ni Shai,malay mo naman baka may makilala kami dun."
Na-excite tuloy ako sa thought na yun pero parang nagulat si Ken dun sa sinabi ko at agad na nagsalita.

"Sasama kami."

"Wow!Talaga?"

Parang kanina lang nagdadalawang isip pa s'ya pero ngayon ay sasama na sila.

"Yeah.Mabuti na rin 'to para makasigurado kami na ok kayo."
Pag-eexplain n'ya.

Ayieee...Kinilig naman daw ako dun.

Nagpatuloy na kami hanggang sa makarating na kami sa bayan.Ang daming tao dito,tapos marami ring mga sari-saring paninda.Napansin ko agad ang mga babaeng nagkakagulo sa harapan ng isang shop at pagtingin ko ay nandun ang mukha ni Ken.Napalingon ako sa kanya at mukhang di naman n'ya nakita.Naisipan kong pumunta sa stall na yun pero mamaya nalang siguro.

Nung papunta na si Nana Marta sa mga nagtitinda ng karne ay sinabi n'ya sa amin na pwede daw muna kaming maglibot libot tapos magkita-kita nalang kami dito mamaya.Nang nakaalis na si Nana ay una ng nagpaalam si Jameson na may pupuntahan din daw muna s'ya.Hanggang sa kami nalang tatlo ang magkasama.

'Paano ako makakapunta nito?'

Hindi naman pwede na isama ko si Ken dun kasi obvious naman na mga fans n'ya yung nakita ko kanina at sure ako na pagkakaguluhan s'ya pagnagkataon.At tsaka break n'ya muna ngayon mula sa mundo n'ya sa showbiz diba?

'Hay.Di ko talaga maipagkakailang sikat nga s'ya.'

Pero paano nga ba ako lulusot nito.Alam ko na.

Bumulong ako kay Shai at sinabi ko yung nakita ko.Sinabi n'ya naman na s'ya na raw ang bahala.

"Um..Ahem." Pagpaparinig n'ya kay Ken.

"Kuya,hanap lang po kami ng restroom ah."

Yan na ba yung sinasabi n'yang plano kanina?

"Sasamahan ko nalang kayo,baka maligaw pa kayo sa paghahanap." Sagot ni Ken.

'Paano mo yan lulusutan,Shai?'

Nanatili lang talaga akong nakikinig sa kanila.

"Ah--O-ok lang Kuya.Hindi po kami maliligaw,promise.Babalik din naman kami kaagad."
Nagpacute pa s'ya kay Ken.

The Secret HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon