Chapter 34

1.3K 32 3
                                    

*Dianna's POV*

Pagkatapos ng gabi na yun ay balik na naman kami sa dating gawi namin pero ang kaibahan ay mas naging sweet si Ken.Nagpapada s'ya ng bulaklak sa akin sa apartment at maging sa coffee shop.May time nga na tinanong ako ni Shai kung kanino galing ang mga bulaklak at ganun nalang ang tili n'ya nang malaman n'yang galing kay Ken at grabe para s'yang mahihimatay nung nalaman n'yang kami na.

Araw-araw n'ya rin akong hinahatid-sundo.Nag-insist nga ako na ok lang kahit na di n'ya gawin yun pero ang sabi n'ya ay baka mamiss ko raw s'ya.

Humangin ng konti si Ken,diba?
Pero sa totoo lang,madali ko nalang talaga s'yang mamiss lalo na pag naiisip ko na bukas na s'ya aalis.Pero ngayon ay mas nangingibabaw ang kaba ko.Bakit?Kasi ipapakilala n'ya raw ako sa pamilya n'ya--mommy n'ya.

Binuksan ko ang cabinet at kumuha ng mga damit.Pabalik-balik ako sa salamin habang may bitbit na damit sa magkabilang kamay.

"Ano ba ang pipiliin ko?"
Bulong ko.

Napi-pressure ako.Paano ba naman kasing hindi?Ikaw kaya,malaman mong mame-meet mo ang pamilya ng boyfriend o kaya girlfriend mo,hindi ka kaya kabahan?Tapos isa lang naman ako ngayong isang normal na babae,walang companya,walang posisyon,hindi artista at higit sa lahat hindi isang tagapagmana.Haharap ako sa kanila bilang isang Dianne at hindi bilang si Dianna Stanford.

Isinuot ko na agad ang napili ko.Isa itong simple ngunit eleganteng kulay pula na dress na above the knee at tinirnohan ng kulay pula rin na heels.Nag-apply din ako ng light make-up at inayos ko ang buhok ko.Nagpabango ako at ready to go na.Hinintay ko nalang na dumating si Ken.

Maya-maya lang ay dumating na s'ya at hinalikan ako sa pisngi.

"Are you ready?"

Dahan-dahan akong tumango at ngumiti sa kanya.Alangan naman kasing sabihin ko na wag na lang kaming tumuloy dahil sa kinakabahan ako.Edi madidismaya s'ya at isa pa nakahanda na ang lahat at mas lalong nakakahiya na hindi ko siputin ang mommy n'ya.

Pinagbuksan n'ya ako ng pinto at umalis na kami.Habang nasa sasakyan ay nilalaro ko ang mga daliri ko kasi di ako mapakali.

"May problema ba?"
May bahid ng pag-aalala sa boses ni Ken.

S'yempre dahil sa ayaw ko namang magsinungaling sa kanya kaya sinagot ko s'ya.

"Medyo kinakabahan lang."

Nakita ko naman ang pagtaas ng isang sulok ng labi n'ya nung marinig n'ya ang sinabi ko.

"You don't have to."
Kalmang sabi ni Ken.

"When I told my Mom about you,she seems so happy.She even said that she wants to meet you right away."Bahagya s'yang napatawa sabay umiling.

Marahil may naalala siguro s'yang nakakatawa.Naramdaman ko ang kamay n'ya na humawak sa kamay ko.Napatingin ako sa kamay namin kasunod nun ang pagtingin ko sa kanya na nakafoucus lang sa daan.Namula akk at tumingin sa labas.

" Magiging maayos ang lahat Dianne."

Dahil sa sinabi n'ya ay parang gumaan ang pakiramdam ko.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa lugar na pupuntahan namin.Sa isang tingin mo pa lang ay malalaman mong social ang mga taong nagpupunta sa ganitong lugar.Napatingin ako sa entrance at kay Ken ulit.

Kinakabahan na naman ako at ngayon ay sobrang lamig na ng kamay ko.

"Tayo na?"

Alanganin akong nag-oo sa kanya.

Hinapit n'ya ang bewang ko at bumulong sa tenga ko.

"I love you."
Yung kaba na naramdaman ko ay biglang napalitan ng kilig.

The Secret HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon