*3rd Person's POV*
"Sir,everything is set."
Sabi ng isang lalaking nasa early 40's,sa lalaking nakasuot ng suit."Well done."
Sabi ng isang baritong boses bago s'ya nilampasan._________
*Dianna's POV*
Kinabukasan ay medyo gumaan gaan na ang pakiramdam ko.Naligo at nagbihis muna ako bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Akmang bubuksan ko na sana ang pinto nang mahagip ng mga mata ko ang cellphone na nasa harapan ng salamin.Kinuha ko na muna ito at may napansin akong isang message mula sa unknown number.
~Unknown~
Wait for me there,Dianna.
___
Bigla akong nakaramdam ng kaba nang mabasa ko ang totoong pangalan ko.
'Sino naman kaya ang nagtext sa'kin nito?At paano n'ya nakuha ang number ko?'
Winaksi ko nalang muna kong sino man ang taong nagtext sa'kin at ibinulsa ang cellphone ko.Lumabas na ako at naabotan ko sila Shai na nag-aalmusal.Nagpalinga-linga ako kasi may hinahanap ang mga mata ko pero di ko makita.
"May hinahanap po kayo,ate?"
Napatingin ako kay Shai at umiling.'Siguro magkasama na naman sila.'
Umupo na ako at nakisalo sa kanilang dalawa ni Jameson.
Habang tahimik akong kumakain ay may narinig akong mga yapak na papunta rito."'Zup,Good Morning Kuya."
Tumingala ako at nakitang si Ken pala ang kausap ni Jameson.
"Morning."
Bati n'ya saming lahat.Bumati rin si Shai sa kanya habang akong naman ay ngumiti lang ng bahagya.Nabigla ako nang sa tabi ko s'ya umupo pero hindi ko ito pinahalata sa kanila,lalong lalo na sa kanya.'Hindi pala sila magkasama.'Nagpatuloy na kami sa pagkain at kagaya kanina ay tahimik lang ako.
"Good Morning!"
Nagulat kami sa babaeng bigla nalang sumingaw."Sofia."
Pagsaway ni Ken sa kanya."Bakit kuya?Binabati ko lang naman kayo.Masama ba yun?"
Parang nagtatampo pang sabi n'ya.Pinipilit kong intindihin ang sitwasyon n'ya pero parang s'ya pa ang gumagawa ng paraan para inisin ako or should I say,para inisin kami ni Shai.
"Hindi naman masama ang pagbati pero wag kang sumingaw kasi nasa hapag kainan ka."
Kalmadong sabi ni Ken sa kanya."Okay."
Nagpout pa s'ya pagkasabi n'ya.Ayokong sirain ang mood ko ng ganito kaaga kaya tinapos ko na ang pagkain ko at nagpaalam na dun na muna ako sa labas at magpapahangin.Sakto naman na may nakita akong duyan kaya lumapit ako dun at umupo.
"Hi po."
Sabi ng isang mahinhing boses."Hello.Ikaw si Jane diba?"
Tumango naman s'ya."Ang ganda ganda n'yo po.Siguro marami ang nagkakagusto sa'yo."
Napangiti ako sa sinabi n'ya.
"Ikaw rin naman Jane.Actually,pareha kayo ni Sofia na maganda."
Bigla na namang sumagi sa isip ko si Sofia.Ano na kaya ang ginagawa nila ngayon?
"Sorry po."
Napa 'huh?' ako sa sinabi n'ya.Bakit s'ya nagso-sorry?
"Sorry kasi nawawalan kayo ng oras ni Kuya Ken dahil sa kanya."
Aw.Napakamaalalahanin naman ng batang 'to.
Di ko tuloy maiwasang pamulahan lalo na ng binanggit n'ya si Ken."Natatakot lang po siguro si Ate Sofia sa kung ano ang pwedeng mangyari."
"Anong ibig mong sabihin Jane?"
Ano namang kinatatakotan ni Sofia.
"Kasi po minsan ng nasaktan si Ate at si Kuya Ken ang isa sa mga taong ayaw na ayaw naming makaranas nun kaya po siguro gumagawa ng paraan si Ate Sofia para di kayo makapagsolo."
Mahal na mahal talaga nila si Ken,noh?Yung totoong kapatid kaya ni Ken,ganito rin kaya sa kanya?
"Pero hindi naman kami ni Ken."
Depensa ko."Hindi nga po.Kaya nga ginagawa yun ni Ate kasi may iba sa inyong dalawa.Sa tingin ko nga po mahal n'yo s'ya?"
Literal na napanganga ako dun sa sinabi n'ya.
Ako?Mahal si Ken?
"A-a--"
"H-hin--"
Di ko alam ang sasabihin at halos di ako makapagsalita kaya nagpatuloy s'ya.
"Di n'yo palang po siguro naaamin sa sarili n'yo pero nararamdaman ko.Nakita ko po kung paano kayo umiwas ng tingin sa t'wing nakikita n'yo silang dalawa ni Sofia na magkasama.Nakikita ko kung paano napapawi ang ngiti n'yo sa t'wing magkatabi sila.Hindi n'yo man po sabihin pero nahahalata namin ni Nana."
Hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi n'ya.Bigla tuloy akong napa-isip.
'Mahal ko na ba talaga si Ken?'
"Nakikita naman po naming mabait kayo kaya sana 'wag n'yong sasaktan ang Kuya Ken namin."
Tumuwid na s'ya ng tayó.
"Sige po aalis na ako,may gagawin pa po kasi ako."
Tumalikod na s'ya at nagsimulang maglakad paalis pero di pa s'ya nakakalayo nang tumigil s'ya at humarap ulit sa akin."Wag po kayong mag-aalala.Ganun din si Kuya."
At tuluyan na nga s'yang umalis.Ako naman ay naiwang nakatulala.
Natapos ang araw na yun lang ang tumatakbo sa isip ko.
"Mahal na ba talaga kita Ken?" Mahinang sambit ko sa sarili ko.
Tinanong nila ako kanina kung ano ang nangyari kasi para daw akong lutang na ewan nung pumasok ako.Sinagot ko naman na 'OK' lang ako.Nasa loob nga lang ako ng kwarto at lumalabas lang sa t'wing kakain na,kaya mas lalo silang nagtataka.
Naistorbo naman ako nang may biglang tumawag sa cellphone ko.
"Hello?"
Pero sa halip na boses ng tao ang marinig ko ay tunog ng makina ng kotse na tumatakbo.
"Hello?"
Wala talagang sumasagot kaya binaba ko na ang tawag.
Matutulong na sana ako nang bigla na namang tumunog ang cellphone ko,pero this time ay text message ang nareceive ko.
~Unknown~
I just want to hear your voice.See you soon,Dianna.
___
Kinabahan na naman ako sa nabasa ko.
'Who are you?'
____________________________________
A/N
Hi po.=)
Happy 1K reads sa atin at sana magpatuloy pa.Nagpapasalamat po ako sa lahat ng patuloy na sumusuporta at sumusubaybay sa estoryang ito.Salamat sa effort sa pag-vote at pagcomment at sa paghihintay na rin ng update.Thank you so much.😘😘😘
BINABASA MO ANG
The Secret Heiress
Teen FictionDahil sa kagustuhan n'yang maranasan ang isang simpleng pamummuhay kaya itinago n'ya ang kanyang tunay na katauhan. Sa panangin ng mga bagong tao na kanyang nakakasalamuha ay isa nalang s'yang normal at ordinaryong babae. Pero paano kaya 'pag nalam...