*Dianna's POV*
Nang makarating na kami sa bahay ay agad kong tinungo ang kwarto.Patakbo akong sumampa tapos ay humiga sa kama.Nagtalukbong ako ng unan at dun ko ipinagpatuloy ang pag-iyak.
Narinig ko ang yapak na papunta sa akin kaya agad akong napa-upo at pinahiran ang mga luha sa mukha ko pero nanatili akong nakayuko.
"Why did you do that?"Napakaseryoso ng boses n'ya.
Parang gusto naman tumulo ulit ng mga luha ko pero pinipigilan ko talaga.
" Why did you do that,Dianne?"
This time ay mas seryoso na s'ya pero di ako nagpatinag.
Narinig ko naman ang malalim na paghinga n'ya at tinanong n'ya ulit ako.
"Bakit mo ginawa yun?"
Dahil sa tanong n'ya ay naalala ko kung ano ang nangyari dun kanina,kung paano ako tignan nung babae at kung paano ako kaawaan at pinagbulungan ng mga tao.
'What could my Dad and Mom can possibly do if they've witnessed that show.'
Bumuhos ang mga luhang pinipigilan ko at tumingala kay Ken.
"Gusto ko lang naman sanang makuha yun Ken.Masama ba?"
Parang gusto kong ibuga lahat ng nararamdaman ko.
"That's just a picture Dianne.You should have told me." Kalmado n'yang sagot.
Para namang nag-init ang dugo ko sa narinig ko mula sa kanya.'Just a picture?'
"Ano nga ulit yung sinabi mo?"
Halata na ang pag-iiba ng boses ko.
"Kung gusto mo ng picture sinabi mo nalang sana sa'kin." Para n'ya akong pinapakalma sa tono ng boses n'ya pero di ko magawa.
"You said that,that was just a picture,Ken.Just a picture?"
Naiinis ako sa sinabi n'ya.
"Pasens'ya ka na kung ganito ako makapagreact ng dahil lang sa picture ha?Hindi mo kasi naiintindihan."
Nakita ko kung paano nagbago ang reaksyon n'ya nung narinig n'ya ang sinabi ko.
"Sige nga.Ipa-intindi mo sa'kin Dianne ng maintindihan ko.Di ko kasi alam kung bakit ka nagkakaganyan ng dahil sa picture lang.Nandito naman ako.Wala lang ba ako sa'yo?" Para akong natigilan sa mga sinabi n'ya.
'Bakit mukhang nasasaktan si Ken?'
"Oo nga naman.Sino ba ako sa buhay mo,kaibigan mo lang naman ako,diba?"
Di na tumitigil sa pag-agos ang luha ko.
"It sounds so gay but I want to hear the truth coming from you.What am I to you?"Seryoso na naman ang aura n'ya.
"K-ken n-naman." Nahihirapang sabi ko.
"What?Ano ba talaga ako sayo Dianne?"
Napahinga s'ya ng malalim tsaka muling nagsalita.
"Wala lang ba talaga ako sayo?Kasi kung ako ang tatanongin mo,ang isasagot ko ay--I think I'm inlove with you."
Biglang tumigil ang pag-agos ng luha ko at literal na napanganga ang bibig ko ng dahil sa sinabi n'ya.
'Ano raw?Mukhang nabingi ako saglit.'
"A-ano yung sinabi mo Ken?A-ako?" Napaturo ako sa sarili ko.
"You heard it right,Dianne."
Yun lang ang sinabi n'ya tapos bigla nalang s'yang lumabas ng kwarto ko.
Parang di ako makapaniwala sa mga narinig ko.Ako?Mahal ng isang Kent David Wright?Akala ko one sided love lang ang storya naming dalawa,pero talaga palang may pag-asa.
Yung sakit na naramdaman ko kanina ay napalitan ng tuwa.Napapangiti nalang ako habang nakatingin sa pinto.
Para akong tanga.
______
Ngingiti-ngiti ako ng lumabas ng bahay para sa salo-salo.
"Ang ganda yata ng aura mo ngayon hija,parang kanina lang ay ang lungkot mo."Napatingin ako sa nagsalitang si Nana Marta.
"Naging maganda lang po kasi ang ihip na hangin,Nana."
"Hay,naku.Ganun ba?Sige at tataposin ko lang itong ginagawa ko."
Hindi lang si Nana Marta kundi halos silang lahat maliban kay Ken na wala pa dito, ang nagtanong sa'kin kung ba't daw ako mukhang masaya.
Handa na ang lahat ng pagkain kaya inaya na kami nina Mang Islao na kakain na raw.Lumapit naman kaming lahat pero may napansin kami.
"Nasaan si Sir Ken?" Tanong ni Mang Rodolfo sa'min.Napakibit balikat naman kami.
"Hanapin ko na po muna s'ya." Paalam ni Jameson sa amin.
Umalis na s'ya at nag-uusap-usap nalang muna kami habang hinihintay sila.
Sinabi nila na kahit sandali kang kami dito ay naging magaan ang pakiramdam nila sa amin at sana ay wag namin silang kalimutan at kung may panahon daw kami ay sana makabalik pa kami.Sinagot naman namin sila ni Shai na makakaasa sila.Medyo naging malungkot na yung usapan kaya nagbiro si Joseph,grabe naman ang naging tawanan namin.
"Did we missed something?"
Napalingon kaming lahat nang marinig namin ang boses ni Ken.
____________________________________
~LAM.=)
BINABASA MO ANG
The Secret Heiress
Teen FictionDahil sa kagustuhan n'yang maranasan ang isang simpleng pamummuhay kaya itinago n'ya ang kanyang tunay na katauhan. Sa panangin ng mga bagong tao na kanyang nakakasalamuha ay isa nalang s'yang normal at ordinaryong babae. Pero paano kaya 'pag nalam...
