*Dianna's POV*
Nagising ako ng dahil sa katok na naririnig ko mula sa labas ng pintoan ng kwarto. Napatingin ako sa bintana at nalaman kong gabi na pala dahil medyo madilim na sa labas. Binuksan ko ang pinto at nakita si Shai na may kagat kagat na barbeque.
"Halika na po sa labas ate."
Pagyayaya n'ya.
"Sige, susunod nalang ako Shai."
Pumayag naman s'ya at nauna na sa akin. Pumasok ulit ako sa kwarto at nag-ayos ng sarili, pagkatapos ay sumunod din ako. Napayakap ako sa sarili ko nang dumapo ang malamig na hangin sa balat ko.
'Sana pala nag-jacket ako.'
Pero nagpagpasyahan kong dumiretso nalang sa kanila sa halip na bumalik pa para kumuha ng jacket.
Napangiti naman ako sa pangyayaring naabotan ko. Si Shai at Jameson na magkatabi sa bonfire habang hawak hawak ang stick na may marsmallows. Ang mag-asawa namang si Nana Marta at Tata Selyo ay nagtutulungang ihanda yung mesa. Sina Mang Rodolfo naman at si Mang Islao ay busy na busy sa niluluto nila. Yung lalaki naman kanina na napag-alaman kong Joseph ang pangalan ay may dala-dalang tubig at kasama n'ya yung babaeng shy type na Jane pala ang pangalan na may dala namang basket. Pero biglang nawala ang ngiti ko nang makita kong magkasama na naman si Ken at yung babaeng kanina pa dikit ng dikit sa kanya na nagngangalang Sofia.
"Nand'yan ka na pala hija. Halika."
Narinig kong tawag ni Nana Marta.
Napaiwas naman agad ako ng tingin kina Ken at lumapit na sa kinaroroonan nila Nana Marta.
"Ano pong maitutulong ko?"
Ididistract ko nalang ang sarili ko para di ko sila mapansin.
"Wag na. Maupo ka na lamang d'yan Ineng at kami na ang bahala ng Nana Marta mo rito pero kung nababagot ka, pwede mo naman tulugan sila Sofia at Sir Ken."
Napaturo pa si Tata Selyo sa kina roroonan nila.
'Bahala sila dun. Ayoko namang masira ang moment nila ng dahil sa'kin.'
Napangiwi pa ako sa naisip ko.
"Ok lang po ako. Maglalakad lakad na lang po muna ako d'yan sa may dalampasigan."
"Ikaw ang bahala,Ineng. Pero wag kang masyadong lalayo at malapit na rin naman tayong maghaponan." Wika pa nito.
"Opo."
Nag-umpisa na akong maglalakad-lakad.
Ang presko lang ng hangin at tsaka ang lamig pa ng tubig na bumabasa sa mga paa ko. Mamaya-maya na ako babalik dun kasi paniguradong makikita ko na naman ang pagmo-moment nila Ken. Ang sakit sa mata.
'Sa mata nga ba?'
Bulong ng isipan ko.
Naku! Kahit ano pa man yun, bahala na sila. Pakialam ko naman.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Heto na naman ang nararamdaman kong di ko maipaliwag.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may nakita akong malaking bato na katabi ng isang puno na pwede ko munang tambayan. Umupo ako dun sa ilalim ng puno at pumikit. Damang dama ko ang katahimikan ng paligid kasabay nun ang pagdama ko sa aking dibdib. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Maya maya pa'y may naramdaman akong pumatak sa kamay ko.
Napadilat ako at napatingin sa langit pero hindi naman umuulan, ang dami pa ngang mga bituin. Napahawak ako sa mukha ko at dun ko napagtanto na hindi ulan kun'di luha ang pumatak sa kamay ko.
"Bakit ka nandito?"
Pinahid ko agad ang luha ko nang marinig ko na may nagsalita.
"Ken, ikaw pala. Anong ginagawa mo rito?"
Pagbabalik ko ng tanong sa kanya.
"I was looking for you. Sinabi kasi ni Tata Selyo na naglakad-lakad ka raw muna, tsaka tapos na rin naman akong mag-ihaw kaya hinanap kita baka kung ano pang mangyari sayo."
'Ngayon,c oncern s'ya. E paano yung Sofia n'ya?'
"Si Sofia? Iniwan mo lang dun?"
Patay malisya kong tanong.
"Nandun s'ya kina Jameson pag-aalis ko."
'Ano kayang mukha ni Shai ngayon?'
Nacurious tuloy ako bigla.
"Alam kong iba ang ugali ni Sofia kay Jane, pagpasensyahan mo na sana Dianne."
'Huh? Bakit naman sinasabi sa akin 'to ni Ken?'
Umupo s'ya sa tabi ko at nagsimulang magkwento.
"Alam mo kasi noon, hindi pa sila nakatira dito pero sina Tata Selyo na talaga ang caretaker nitong isla. Tapos nung nandun pa sila sa dati nilang tinitirhan ay may lalaki silang naging kaibigan ni Jane,classmate ni Joseph yun. Naging mas malapit si Sofia sa kanya at 'di nagtagal ay nagkagusto s'ya sa lalaking yun pero hindi n'ya naman sinabi sa lalaki, pa rin naman s'ya. Nung nagcollege na ang lalaki ay lumipat sila sa Maynila kasi may kaya rin naman ang pamilya n'ya. Di na sila nagkita ni Sofia at madalang nalang ang communication nila hanggang isang araw ay nalaman nila na umuwi yung lalaki kaya napagpas'yahan nilang pumunta ng bayan para makita nila yung lalaki."
Napahinto saglit si Ken at naghagis ng maliit na bato sa dagat. Ako naman ay seryoso lang na nakikinig sa kanya.
"Nagkita-kita nga sila. Yung panahon na yun ay may gusto pa rin si Sofia sa lalaking yun pero nasaktan s'ya nung nakitang may kasama pala yung lalaki at yun ay ang girlfriend n'ya na taga Maynila."
Naghagis ulit s'ya ng bato.
"Para ko ng nakababatang kapatid sina Sofia at Jane, kaya nalungkot din ako nung panahong nalaman ko na halos di na s'ya kumibo at kumain simula nung umuwi sila galing dun sa bayan. Sobra ring nag-alala sina Nana Marta at Tata Selyo sa panahong yun. Sinabihan ko sila na mas makabubuti siguro na dito na muna sila manirahan para naman ibang environment ang maranasan ni Sofia at para na rin maka move-on s'ya. Sa tingin ko hanggang ngayon ay may epekto pa rin sa kanya yung lalaki kaya naging ganyan ang ugali n'ya. Kaya nga minsan pinagbibigyan ko nalang pag naglalambing. Iniisip ko na nga lang na babalik din ang Sofia na nakilala ko. Yung palaban na Sofia."
Kaya pala s'ya ganun. Ngayon ay naiintindihan ko na. Minsan ay mga rason pala talaga kung bakit nagbabago ang isang tao at ang karaniwang rason ng pagbabagong 'to ay ang sakit na naranasan nila noon.
"Let's go. Siguradong hinihintay na nila tayo."
Tumayo na s'ya at inilahad ang dalawang kamay n'ya para patayuin ako at tinanggap ko naman ito.
Sabay kaming bumalik. At tama nga si Ken, kasi pagbalik namin ay nakahanda na ang lahat at kami nalang ang hinihuntay para simulan na ang pagkain. Agad ko namang nakita si Sofia na tumakbo papunta sa'min.
'Alam ko na ang gagawin n'ya.'
Kaya nauna nalang akong maglakad kay Ken. Nakita ko naman ang apologetic na ngiti nila Nana Marta at ginantihan ko nalang din ito ng ngiti.Nang kompleto na kami ay simulan na naming kumain. Katabi ko si Shai at Jameson sa pagkain, habang nasa katapat ko naman sila Ken at Sofia.
'Alam kong kailangan kong intindihin si Sofia dahil sa nangyari sa kanya pero bakit ganun pa rin ang nararamdaman ko sa t'wing nakikita ko silang magkasama? Bakit ako nasasaktan?'
'Am I JEALOUS?'
____________________________________
~LAM.=)
BINABASA MO ANG
The Secret Heiress
Ficção AdolescenteDahil sa kagustuhan n'yang maranasan ang isang simpleng pamummuhay kaya itinago n'ya ang kanyang tunay na katauhan. Sa panangin ng mga bagong tao na kanyang nakakasalamuha ay isa nalang s'yang normal at ordinaryong babae. Pero paano kaya 'pag nalam...
