Chapter 22: The End?

1.3K 44 0
                                    

*Dianna's POV*

Imbes na magsaya sa mga sumunod na araw ay di ko magawa dahil sa merong bumabagabag sa isip ko,at yun ay kung sino ang nagsend ng text message sa'kin.

Madali lang sanang ipa-trace kung sino 'to kung na kina Mom ako.Kahit na nga nandito lang ako at itawag ko lang sa kanila,pero ayokong mag-alala sila kaya sa'kin nalang muna 'to.

"Ate labas ka muna."
Narinig kong tawag ni Shai sa'kin mula sa labas.

"Nand'yan na."

Lumabas ako at pinuntahan s'ya.

"Nag-aya po silang maligo,tutal naman daw hapon na at hindi na mainit."Masigasig na sabi n'ya.

Nagdadalawang isip ako kung sasama ba ako sa kanya o magpapa-iwan nalang.

"Sige na po.Ilang araw nalang at uuwi na tayo.Sulitin na po natin ang mga natitirang araw natin dito kasi baka matagal pa bago ulit ito mangyari o baka nga po di na mangyari."
Pangongonsens'ya n'ya sa'kin.

Ano pa nga ba ang magagawa ko?

"Sige,hintayin mo ako saglit."

Dali-dali kong hinanap ang bikini ko.Yun talaga ang pinili ko kasi hindi s'ya masagwa tignan.Conservative type s'ya.Tapos nagsuot ako ng shorts at see through.Nung tapos na akong magbihis ay binalikan ko na ulit si Shai.

Napangiwi ako nang makita ko ang itsura n'ya.

'Mukhang hindi yata bagay sa akin ang suot ko.'

Napako lang kasi ang tingin n'ya sa'kin.Siguro hindi talaga bagay.Kaya nung nakalapit na ako sa kanya ay tinanong ko kaagad s'ya.

"Pangit ba?"
Sabay tingin sa suot ko.

Napakurap s'ya sa tanong ko.

"Hindi lang po kayo mabait at maganda,sexy pa.Paniguradong hahanga sa inyo ang kahit sino man ang makakita.Para ka pong model,ate Dianne."

Aw.Naflattered ako sa sinabi ni Shai.Mararamdaman mo kasing parang taos puso yung pagkakasabi n'ya.

"Binibiro mo lang siguro ako Shai,noh?"

Ngumiti ako.

"Hindi po.Totoo talaga." May kasama pang pag-iling ang sagot n'ya.

Nagthank you nalang ako sa kanya bago kami tuluyang pumunta sa kanila.

Napansin ko kaagad ang pagtingin nila sa direksyon namin.Nakaramdam tuloy ako ng hiya.Ayoko na nga sanang maglakad pa pero ang sabi ni Shai ay wag daw akong mahiya.Kaya nagpatuloy na ako.

Narinig ko naman ang pagsipol ni Jameson pero parang meron s'yang nakita sa likoran ko kaya bigla s'yang nag-iwas ng tingin.Lumingon naman ako,at dun ay nakita ko si Ken na seryosong nakatingin kay Jameson.

"Hi--K-"

Di ko pa man natapos ang sasabihin ko nang lampasan n'ya lang ako.

'Anong problema n'ya?At anong meron sa kanila ni Jameson?Bakit ganun nalang s'ya kung makatingin?'

Umupo na muna ako sa tabi ni Nana Marta,nandito rin kasi sila.Si Shai nagpaalam na mauuna na raw s'yang maligo kasi namimiss n'ya na raw ang dagat.Si Ken naman,ayun magkasama na naman silang dalawa pero andun din naman si Joseph at si Jane.

Minsan talaga kahit anong pilit kong kontrolin na hindi magselos,'oo inaamin ko na,na nagseselos ako', ay di ko mapigilan.

Normal lang naman siguro ang nararamdaman ko diba?

Para madivert ang iniisip ko ay napagpasyahan ko ng sumunod na rin kay Shai.

Sumugod ako sa tubig at lumangoy.Nung una ay nasa mababaw lang ako hanggang sa unti-unti na akong lumalayo.Hindi naman ako natakot kasi marunong akong lumangoy.

Langoy lang ako ng langoy hanggang maya-maya pa ay naramdaman kong di ko maigalaw ang paa ko.Hindi ako nagpanic.Kinampay ko ang mga kamay ko sa abot ng aking makakaya pero biglang umalon kaya nakainom ako ng tubig.May narinig akong sumigaw pero di ko alam kong sino kasi lumalabo na yung paningin ko ng dahil sa tubig at di ko na rin masyadong na identify yung boses dahil sa lumulubog na ako sa dagat.

Gustong gusto kong umahon pero parang namanhid ang katawan ko at parang ang bigat bigat nito.Pumikit nalang ako at nasabi ko sa sarili ko na,hanggang dito nalang ba ako?
Kasi kong oo,idi sana'y nilubos ko na ang mga araw na kasama ko si Ken at ang mga taong mahalaga sa akin.Hindi ko nalang sana sinayangan ang mga araw sa pag-iisip sa kung sino yung tumatawag at nagte-text sa'kin na di ko kilala.

Dito pumasok sa isip ko yung,
'Live life to the fullest.'

Kasi hindi naman talaga natin alam kung hanggang saan lang tayo.Kaya dapat araw-araw ay magpasalamat tayo sa Panginoon at sa mga tao sa paligid natin,dapat nating iparamdam at sabihin sa mga mahahalagang tao sa buhay natin kung gaano natin sila kamahal.

Ngayon may na realize ako.

'Ken,mahal na nga kita.'

And everything turns black.

___________________________________

~LAM.=)

The Secret HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon