Chapter 40: Surprise!

1.3K 36 13
                                    


*Dianna's POV*

"K-Ken." Nauutal na sabi ko na napatakip sa aking bibig.
Hindi ko naiwasang mabigla sa mga nangyayari ngayon.

"Ken."Tawag ko ulit sa kanya pero this time ay pabulong na.

Hinawakan n'ya ang mukha ko gamit ang kanang kamay n'ya at hinarap ako sa kanya.Mataman n'yang akong tinitigan sa mata at ganun din naman ang ginawa ko.
Maya maya lang ay nasilayan ko na naman ang mga ngiting nakakapagpapabilis ng pintig ng puso ko.Hindi dahil sa kaba kun'di dahil sa pagmamahal ko sa kanya.

"D-Dianne."tawag ni Ken sa'kin. Pero bakit ganun?Bakit parang mas kinakabahan s'ya kesa sa'kin?
Ako nga dapat ang kabahan kasi baka kung ano na ang tingin at sinasabi ngayon ng mga tao sa'kin lalo na't si Ken ang kasama ko. Ang sikat na si KENT DAVID WRIGHT na kilala at kinahuhumalingan ng halos lahat. E ako? Isang normal na babae na hanggang ngayon ay patuloy pa rin na nagpapanggap.Isang babaeng nagtatago sa anino ng babaeng nagngangalang Dianne Stanford.

Nabalik ako sa katinuan nang magsalita ulit si Ken.

"I-I- Damn!" Nauutal na sabi n'ya.

Napatawa naman ako ng mahina sa tinuran n'ya.Ang cute cute kasi ng ekspresyon ng mukha n'ya lalo na nung sinabi n'ya yun.

"Hey,don't laugh at me."Sita n'ya sa'kin.

Pinigilan ko naman ang sarili ko at kunwari sumeryoso pero ang totoo deep inside ay napapangiti pa rin ako.
Binitawan n'ya ang mukha ko at akala ko ay napikon s'ya at tatalikuran na ako. Laking gulat ko nalang ng bigla n'yang hawakan ang kamay ko at pinagsaklop ito. At namalayan ko nalang na dahan dahan na kaming naglalakad papunta sa may stage habang nakatapat pa rin sa amin ang spotlight.

"Ken, ano ba 'to?"Lakas loob na tanong ko sa kanya sa kabila ng pagkalito ko.

"You'll know."
Yan lang ang sinabi n'ya sa'kin bago humarap sa mga tao. At ng mga oras nay ay sobrang daming mga flash ng camera.

"Hi, everyone."
Bati n'ya sa mga ito habang hawak pa rin ang kamay ko.

"I know that what my dad has said earlier was really a great news, for that is a huge success for the company and most especially for the people that it holds and I congratulate them for that."

Tumingin s'ya sa mga bisita nang pumalakpak ito sa kanya.Maya maya pa ay nagpatuloy na s'ya sa sinasabi n'ya.

"I can't see them right now. Well, maybe they just went outside to have a moment with each other."
Napatawa ang mga bisita sa sinabi n'ya.

"Anyway, speaking of 'great news', I want to take this opportunity to tell you all about another great news from me."
Sabi n'ya ng nakangiti at sa ngiti n'yang yun ay masasabi mong mukhang ang saya-saya n'ya.

Nacurious tuloy ako sa kung ano ba ang 'great news' na sasabihin n'ya.At sa tingin ko pati na rin ang mga taong nandito ay nacu-curious na rin kasi dinig na dinig ko ang bulungan ng mga bisita.

Naramdaman ko ang pagpisil ni Ken sa kamay ko na s'yang dahilan kaya napasulyap ulit ako sa mukha n'ya at nakita kong nakatingin na pala s'ya sa'kin.

"See this gorgeous lady beside me?"Pag-agaw n'ya ng atensyon ng mga bisita.

Ngayon ay nararamdaman ko ng 'all eyes are on me'. Gusto ko tuloy magtago sa likod ni Ken at sabihing,'Wag n'yo akong tignan ng ganyan.Wala akong ginagawang masama.'
Pero di ko pwedeng gawin yun.Napabuntong hininga nalang ako ng tahimik at pilit na magmukhang confident sa harap ng mga mata ng bisita.Pero binalik ko pa rin ang atensyon ko kay Ken na parang tutunawin na ako dito sa kinatatayuan ko.

The Secret HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon