*Dianna's POV*
Kung gaano ka ingay ang mga tao kanina,ay s'ya namang kabaliktaran ngayon.
Nakakabingi ang katahimikan.
Nakakabingi na gusto ko itong takasan."Come here."
Napukaw ang atensyon ko nang magsalita si Dad.
Nabaling naman ang tingin ko kay Ken,na ngayon ay seryosong-seryoso ang aura.
"Dianna, come here. "
Ulit ni Dad using his calm yet full of authority voice.Tumingin ako kay dad pagkatapos ay kay mom na may nangungusap ang mata.
Kapag ganito na kasi ang tono ng boses ni Dad ibig sabihin ay seryoso s'ya at kailangan mong sumunod sa kanya.
Napa-isip ako sandali.
Ayokong magkagulo ,kaya tama nga siguro na sumama na muna ako sa kanila.
Pahakbang na sana ako nang biglang maramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Ken sa'kin.
"Stop right there. "
May diin sa tono ng boses n'ya.Bigla akong nabuhayan sa sinabi n'ya. Pero, ano raw?
"Stay. "
Mahinang sambit n'ya pero umabot pa rin ito sa pandinig ko."Ken---"
Nasambit ko nalang bigla."Dianna---"
Hindi natuloy ni Dad ang sasabihin n'ya nang hawakan s'ya ni Mom sa braso. Nangangahulugang pinapakalma s'ya nito.
Bigla namang lumapit sa'min ang ama ni Ken, at narinig ko itong nagtanong sa kanya kung ano ang nangyayari,pero hindi s'ya sumagot. Nanatili pa rin ang seryosong aura n'ya.
Nang walang makuhang sagot mula kay Ken ay bumalik na ito sa tabi ni Dad at may sinabi rito.
"Listen young man.I will take my daughter this time. "Pinal na pahayag ni Dad.
"Clean this mess, and after that, think of your move. "
Parang may pinaparating si Dad kay Ken.
At mukhang nakuha naman yun ni Ken dahil tumango s'ya at biglang nagsalita.
"I will,Sir.I will."
Pagkatapos ay tumingin s'ya sa'kin.
Sa totoo lang?Ako ang naguguluhan sa sinasabi nila.
"I didn't expect that this would happen, but I will surely clean this mess and take her back. "
Unti-unti kong naramdaman ang pagkalas ng kamay ni Ken,hanggang sa tuluyan na s'yang bumitaw.
Parang biglang huminto ang oras.At bigla akong nalungkot sa ginawa n'ya. Hindi ko maitago ang butil ng luhang biglang kumawala.
"Anak, halika na. "
Masuyong sabi ni Mom.Pero nanatili pa rin ako sa kinatatayuan ko. Bigla akong natuod.
Naramdaman ko ang paghawak at pag-alalay sa'kin ni Mom.
"Anak,sumama ka na muna sa'min ng Daddy mo.Then,pagna-ayos na natin ang lahat ng 'to,I promise, I will bring him back to you,but I doubt that because based on what I see, I know na s'ya mismo ang gagawa ng paraan para makuha ka. "
Hindi ko narinig ang huling sinabi ni Mom. Pero, nabigyan ako ng pag-asa na magiging maayos ang lahat.Isinama na ako ni Mom at wala na akong nagawa kundi magpatianod nalang.
BINABASA MO ANG
The Secret Heiress
Novela JuvenilDahil sa kagustuhan n'yang maranasan ang isang simpleng pamummuhay kaya itinago n'ya ang kanyang tunay na katauhan. Sa panangin ng mga bagong tao na kanyang nakakasalamuha ay isa nalang s'yang normal at ordinaryong babae. Pero paano kaya 'pag nalam...