*Dianna's POV*
"Wow!"
Yan agad ang lumabas sa bibig namin ni Shai nang makarating kami sa isla na kinatatayuan namin ngayon."Ang ganda po, noh?"
Tango lang ang naisagot ko sa sinabi n'ya.
Maganda naman talaga. Puting puti yung buhangin, sariwang ihip ng hangin, asul na karagatan at malinis na paligid. Iba din talaga ang beaches dito sa Pilipinas.
"Let's go?"
Sabi ni Ken at sumunod na kami sa kanya.Pumunta s'ya sa apartment kahapon. Nabigla nga ako, yung inis na nararamdaman ko sa kanya dahil sa hindi s'ya nagpaparamdam ay bigla nalang nawala nung nakita ko s'ya. Ewan ko nga kung anong meron sa'kin at ganun ganun na ang nararamdaman ko.
Sinabi n'ya naging busy daw talaga s'ya at nagsorry pa s'ya kaya nawala na rin pati ang pagtatampong nararamdaman ko nung di pa s'ya nagpapakita. At tinanong n'ya rin kami kahapon ni Shai kung hindi raw ba kami busy kasi may plano s'yang isama kami dito. Pumayag rin naman kami kaagad kasi chance--I-ibig kong sabihin, wala rin naman kaming gagawin kaya sumama kami para naman ma-enjoy namin ang mga araw na wala kaming trabaho.
May sumalubong sa amin na dalawang nasa mid-50's na siguro, mukhang mag-asawa sila. Tapos may dalawang lalaki na nasa mid-30's na rin. May isa pang lalaki na parang kaedad lang yata ni Ken at dalawang babae na kasing edad lang din siguro ni Shai.
"Magandang umaga po, Sir Ken." Bati nila kay Ken.
"Magandang umaga rin po sa inyo." Baling naman nila sa amin at bumati rin naman kami sa kanila.
"Wag na po kayong masyadong pormal Nana Marta, Tata Senyo. Kayo rin po Mang Rodolfo at Mang Islao, para naman kayong iba n'yan sa'kin."
"Ang bait n'yo po talaga sir." Sabi nung Mang Islao.
Napangiti lang si Ken at tumingin sa'kin, umiwas naman agad ako. Ewan ko pero parang di ko kayang salubungin ang mga titig ni Ken ngayon.
"Kuya Ken, sino po yang lalaking kasama n'yo."
Lapit nung isang babae kay Ken habang nakapulupot ang kamay n'ya sa kamay ni Ken.Lihim naman akong napa-ismid sa ginawa n'ya. Parang gusto kong tanggalin yung kamay n'ya mula sa pagkakahawak kay Ken.
"That's Jameson."
Kinuha n'ya ang kamay nung babae sabay lapit sa'min."Hi."
Cool na bati ni Jameson. Nakita ko naman na parang kinilig yung babaeng humawak kay Ken kanina habang yung iba naman kasama yung isa pang babae ay ngumiti lang. Pakiramdam ko ay shy type yung isang babae kaysa dito sa isa."Ito naman po si Shaira, kaibigan namin."
"Hello po."
Nag-bow pa ng bahagya si Shai bilang pagrespeto."At ito naman po Dianne."
Sabay hawak ni Ken sa isang balikat ko."Ayie...Girlfriend n'yo po sir?"
Napatungo naman ako dahil sa hiya at dahil na rin sa siguradong namumula na ako ngayon. Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa ni Jameson at Shai.
"Ahem. Hindi pa po."
Singit ni Jameson.Kasunod nun ay ang malutong nilang tawanan. Kung hindi pa nagreact yung babae kanina ay hindi pa sila titigil.
"Naku. Pagpasensyahan mo na kami hija. Ngayon lang kasi may dinala at ipinakilala sa'ming babae si Sir Kent kaya ganito nalang ang reaksyon namin. At kay gandang bata mo, bagay na bagay kayo." Napangiti ako ng pilit. Paano ba naman kasi, hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako lalo na sa mga panunukso nila.
"At tsaka ikaw rin hija, maganda ka rin, bagay kayo n'yang katabi mo."
Baling naman nung Nana Marta kina Shai.Napatakip tuloy ako ng bibig ko para pigilan ang tawang kumakawala mula sa'kin.
"Ahemm..."
Naagaw ang atensyon namin sa babae na ngayon ay nakakapit na naman kay Ken."Mainit na po Kuya Ken. Tayo na?"
Parang iba ang dating sa'kin nung salitang 'Tayo na?' ah. Napa-iling nalang ako sa mga naiisip ko.
"Oo nga, tara na."
Sabi naman nung Tata Senyo.Nangunguna maglakad ngayon ay yung babae na hanggang ngayon ay hindi pa rin binibitawan si Ken at kasunod naman kami. Habang naglalakad ay bigla akong tinabihan ni Jameason.
"Ok ka lang ate?"
Ewan kung seryoso ba s'ya sa tanong n'ya o sadyang trip trip lang n'ya.
"Oo naman."
Maikling sagot ko nalang."Sure ka?"
Tinignan ko s'ya ng masama kaya tumahimik na s'ya.
Di nagtagal ay nakarating kami sa isang malaking bahay. At gaya ng inaasahan ko ay maganda rin ito kagaya ng nitong isla mismo.
"Dito rin po ba kayo nakatira?"
Narinig kong tanong ni Shai sa isa sa mga kasamahan namin.
"Hindi hija pero nand'yan lang din kami sa kabilang banda."
"I see. Ok po."
Pumasok na kami at binigyan ni Ken ng kanya kanya naming kwarto.
Una n'yang hinatid si Shai kasunod naman si Jameson at panghuli ako. Binuksan n'ya ang pinto at nakita kong ang laki-laki ng kwarto.
"Ok ka na ba dito?"
Tanong ni Ken sa'kin."Oo naman. Ok na ok na ako dito, pwede nga kaming dalawa ni Shai dito."
"Ok na. Ok na naman din kay Shaira ang kwarto n'ya. Magpahinga ka na muna at kung may kailangan ka ay tawagin mo lang ako. Maghahanda na rin kami para mamaya."
'Mamaya?'
Itatanong ko sana kay Ken kung ano ang gagawin nila para mamaya pero nagpa-alam na s'ya kaya di ko na natuloy.Pumasok ako sa loob at ini-scan ang paligid. Tahimik at malayo sa ingay ng s'yudad. Lumapit ako sa bintana at nakita ang mapayapang dagat. Siguro naman mag-eenjoy kami rito ng walang media na manggugulo.
Sana maging masaya at mabuti ang kahihinatnan ng bakasyon na ito.
____________________________________
~LAM.=)
![](https://img.wattpad.com/cover/68472582-288-k575833.jpg)
BINABASA MO ANG
The Secret Heiress
Ficção AdolescenteDahil sa kagustuhan n'yang maranasan ang isang simpleng pamummuhay kaya itinago n'ya ang kanyang tunay na katauhan. Sa panangin ng mga bagong tao na kanyang nakakasalamuha ay isa nalang s'yang normal at ordinaryong babae. Pero paano kaya 'pag nalam...