*Kent's POV*
"Kent,alam mo ba kung ano at sino ang pinag-uusapan ngayon ng mga tao?!" Medyo di ko ma-explain ang mood ni Manager habang tinatanong n'ya ako.
"Don't know. Bakit, sino po ba Manager?" Parang wala lang na tanong ko sa kanya.
Para naman akong tinamaan ng patalim nung tinignan n'ya ako. Lumakad s'ya sa desk n'ya at may kinuhang newspaper.
"Look! This is what the news is all about." Sabay abot n'ya sa akin nung newspaper. Binasa ko naman agad kung ano ang nakasulat sa article at nakita ko rin ang picture na may kasama ako.
"Hindi lang sa newspapers nagkalat yan kundi pati na rin sa social media. What are you doing Kent!"
I know na nagtitimpi lang si Manager.'Coz I know na hindi n'ya talaga gusto na napapasok ako sa mga ganito. Ayaw n'ya na masira ang career ko at mas lalong ayaw n'yang masaktan ako.
"Wala akong ginagawang masama, Manager. Can't I go out with someone now?" Kalmadong sabi ko sa kanya.
Bakit nila ginagawan ng issue ang isang simpleng bagay. For Pete's sake, going out with someone is just normal. Nadamay pa tuloy s'ya.
"It's not that Kent. Alam mo naman na sa mundong ginagalawan mo ay hindi madali ang mga bagay bagay. You see that?"
Turo n'ya sa newspaper na hawak hawak ko."Maraming pwedeng mabuo na issue ang press ng dahil lang sa picture, lalo na kung ang isang tulad mo ang nasa picture na yan."
Napahilot s'ya sa sintido n'ya at umupo sa sofa. Biglang nalang lumambot ang expression ng mukha ni Manager.
"Now, would you like to tell me the whole story?" May bahid na ng panunukso ang ngiti n'ya ngayon.
Napangisi tuloy ako at umupo na rin sa katapat na sofa.
Ganito kami ni Manager. Everytime na nahaharap ako sa mga issues ay sasabihin n'ya sa akin na ganito talaga sa showbiz at pagkatapos ay tatanongin n'ya ako at sasabihin ko sa kanya kung ano talaga ang totoo. Yun ang paraan na ginagawa n'ya at dahil dun kaya mas lalo naming natutulungan ang isa't-isa.
________________________
*Dianna's POV*Pagkatapos ng trabaho namin ay kina-usap ko si Shai at sinabi ko sa kanya na kung pwede ba s'yang dun na muna sa apartment ko matulog kasi gusto kong makabonding s'ya at para na rin mas may time akong kilalanin pa s'ya. Hindi naman s'ya tumanggi kaya sinabi ko na hihintayin ko nalang s'ya para sabay na kami.
Nung natapos na s'ya ay dire-diretso na kami papuntang apartment pero napansin kong parang nababahala s'ya kaya tinanong ko kung may problema ba.
" Ate, kasi ano--wala pala akong dalang damit."Nahihiyang sabi n'ya.
"Ok lang yan Shai, wag mo na yang alalahanin ako na ang bahala." Paninigurado ko sa kanya.
"Thank you ate."
"Walang anuman Shai. Oh!Nandito na pala tayo."
Umakyat kami hanggang sa marating na namin ang apartment ko.
"Wow! Ikaw lang po bang mag-isa rito?"Sabi agad ni Shai ng makapasok na kami.
" Oo, ako lang Shai. Ikaw sino ang kasama mo sa bahay?"Tanong ko habang naglalakad papuntang kusina para maghanda ng makakain namin.
"Wala po. Nangungupahan lang kasi ako ate, tapos ang pamilya ko naman ay nasa probinsya. Kaya nga ako nagsisikap. Nag-aaral pa ako kaya ngayong bakasyon pa ay nagtatrabaho muna ako para pagpasokan na ay hindi na masyadong mahirapan sila mama sa perang gagamitin ko. Tulungan ko na po kayo ate." Sabay abot n'ya ng mga kutsara't pinggan.
"Thanks Shai. Ibig sabihin mag-isa ka lang din?"
"Opo. Malungkot nga nung una pero medyo nasanay na rin naman ako."
Umupo na kami para kumain pero patuloy pa rin ang kwentohan namin.
"Ikaw Ate Dianne, bakit mag-isa ka lang, nasaan po ang pamilya mo? Ang mga magulang mo?"
Napahinto ako sa pagsubo dahil sa tanong n'ya.
'Aaminin ko ba sa kanya?'
Napailing ako.
'Maaga pa. Siguro saka ko nalang sasabihin kong ok na.'
"Nagtatrabaho kasi sila Shai tapos unica hija ako.I-I mean, mag-isang anak lang ako."
Napa-inom tuloy agad ako ng tubig sa sinabi ko."Ahh.Kaya pala."
At hindi naman na s'ya nagsalita pagkatapos nun kaya ako nalang ulit ang nagtanong sa kanya."So, nagbabayad ka kada buwan sa tinitirahan mo? Hindi ba magastos yun?" Sabi ko habang pinagpapatuloy ang pagkain.
"Magastos nga po e pero wala naman akong ibang matitirhan tsaka maliit lang naman po yung inu-ukupa ko kaya medyo nakakatipid din kahit papano."
Natouch naman tuloy ako sa sinabi n'ya.
"I see. Pero alam mo Shai may naisip ako."
Napatigil s'ya sa pagkain tapos tumingin sa akin.
"Ano po yun?"
"Bakit di ka nalang tumira kasamo ko. Total ako lang din namang mag-isa tapos para na rin makatipid ka. Hindi mo na kailangang problemahin ang renta, tubig, kuryente at pagkain. Ano sa tingin mo?" Napapalakpak pa ako pagkatapos kong sabihin yun.
"Talaga po?" Halos di s'ya makapaniwala sa sinabi ko.
" Pero nakakahiya naman po ate."
"Para ka namang iba sa'kin Shai. Ate mo nga ako diba? Kaya wag ka ng mahiya at mas maganda kong makalipat ka na kaagad dito para magkasama na tayo."
Ngumiti agad ako sa kanya at para namang iiyak na s'ya any moment nung tignan ko. Tumayo ako at lumapit sa kanya sabay pahid ng luha n'ya na kumawala na talaga.
"Thank you ate. Salamat talaga--sobra-"
Tumayo s'ya at niyakap ako."You're always welcome Shai."
Pagkatapos naming kumain ay si Shai na ang nagrepresentang maghuhas, sinabi ko namang ok lang pero pinilit n'ya akong s'ya nalang daw kaya pinagbigyan ko na. Pagkatapos ay pinakita ko sa kanya yung magiging kwarto n'ya. Dahil medyo malaki nga tong space na narentahan ko kaya dalawa ang kwarto.
Di ko maipaliwag ang tuwang nararamdaman ko na nakikita ko kung gaano kasaya si Shai, maybe dahil na rin kasi sa napalapit na ako sa kanya.
"Thank you po talaga."
Nginitian ko nalang s'ya bilang sagot. Kanina n'ya pa ako pinapasalamatan so alam ko talagang thankful s'ya.
Pagkatapos namin dun sa kwarto n'ya ay pumunta naman kami dun sa kwarto ko at binigyan ko na rin s'ya ng damit nung nasa loob na kami. Nanuod kami ng movies habang nagku-kwentohan hanggang sa di ko na namalayang nakatulog na pala s'ya. Pinatay ko na muna ang tv at saka ko s'ya ginising para makapunta na s'ya dun sa kwarto n'ya. Masaya ako ngayon na kahit sa simpleng bagay na nagawa ko ay may napasaya ako.
Humiga na ako sa kama ko at bigla kong naisip si mom at dad.
Namimiss ko na sila pero kailangan kong panindigan ang desisyon kong maranasan ang buhay ng isang normal na citizen.
Inaantok na ako.
----ringggggg-----
Pero bigla nalang tumunog yung cellphone ko kaya sinagot ko muna.
"H-hello?" Inaantok na sagot ko sa kabilang linya.
" Hey."
___________________________________
A/N
Thanks for reading.=)~LAM.=)
BINABASA MO ANG
The Secret Heiress
Teen FictionDahil sa kagustuhan n'yang maranasan ang isang simpleng pamummuhay kaya itinago n'ya ang kanyang tunay na katauhan. Sa panangin ng mga bagong tao na kanyang nakakasalamuha ay isa nalang s'yang normal at ordinaryong babae. Pero paano kaya 'pag nalam...