*Dianna's POV*
Pagkagising ko ay inaasahan ko na ang pagdating ni Shai kaya pinuntahan ko ang kwarto n'ya para makita kung ok na ba. Lumabas din ako pagkatapos kong masigurado na ok na nga.
Pumunta ako sa kusina at tsaka ko naman narinig ang pagbukas ng pinto. Nagmadali ako para salubungin si Shai pero nagulat ako sa taong nakita ko, hindi ko inaasahan na s'ya ang makikita ko.
"M---mom?"
Yes. Si mommy ang nakikita ko ngayon dito sa harapan ko, nakangiti s'ya na parang maiiyak na di ko ma-explain.
"Dianna, anak." Sabay yakap ng mahigpit sa akin.
"Sorry kung naabala kita, namiss ka lang talaga ni Mommy ng sobra."
Niyakap ko naman din si Mom. Naiiyak ako pero alam ko sa sarili kong masaya ako kasi nakita ko si Mom.
"I miss you too Mom. Nasaan nga pala si Dad?"
Napabitaw agad si Mom sa yakapan namin nung tinanong ko s'ya.
"Well--" Sabay pahid ng mga luha n'ya.
"Nandun pa rin sa States ang daddy mo. I told him na bisitahin ka namin but then ang sabi n'ya ay 'wag daw muna ngayon kasi paano mo daw magagawa yung normal life na gusto mo kung palagi ka naming pinupuntahan? Pero miss na miss na kita anak, kaya pinuntahan talaga kita kahit pa hindi alam ng daddy mo."
Miss ko na rin talaga sila pero my point si Dad. Wait--
"Mom, don't tell me na alam ng mga tao dito na nandito ka. I mean, alam ba to ng media?"
My Mom and Dad are very well known kaya baka alam ng mga tao na nandito s'ya at pag nagkataon na malaman nila na kasama n'ya ako ay baka malaman nila ang totoo. Lagot ang 'normal life' ko pagnagkataon.
"Of course hindi anak."
Napahinga naman tuloy ako as a sign of relief pero dinugtungan pa ni Mom ang sinabi n'ya.
"Hindi pa."
Bigla akong nanlumo sa sinabi ni Mom at nagtaka naman ako nang napatawa s'ya.
"Why are you laughing Mom?"
Nagugulan na tanong ko sa kanya."Dahil d'yan sa expression ng mukha mo anak. Alam mo, hindi naman ako magtatagal at paglumabas man ang balitang pumunta ako dito sa Pilipinas don't worry, kasi ako ang bahala sa'yo at hinding hindi nila malalaman ang koneksyon ko sa'yo, unless kung sasabihin mo."
Napangiti ako sa sinabi ni Mom.
"Thanks Mom."
At niyakap ko ulit s'ya."Anyway, do you have plans for today anak?"
"May tra--"
Naputol yung sasabihin ko sa naisip ko. Hindi nga pala alam ni Mom ang tungkol sa trabaho ko at hindi n'ya pa pwedeng malaman. Tumingin sa akin si Mom na parang nagtatanong.
"Wala Mom. I mean, wala po akong gagawin ngayon. Why?"
Tatawagan ko nalang mamaya si Manager para malaman n'yang di ako makakapasok ngayon.
"Of course magbo-bonding tayong dalawa anak tapos let's take a picture together para pag-uwi ko sa States may pang-asar ako sa Daddy mo."
Napailing nalang ako habang nakatingin kay Mom na parang may nilulutong plano. Ang hilig n'ya talagang asarin si Dad.
"Okay Mom. Pupuntahan ko nalang kayo, saan ka ba nag s-stay ngayon?"
"Oh,no no no no. Sasama ka na sa akin ngayon anak, sulitin natin ang araw."
BINABASA MO ANG
The Secret Heiress
Fiksi RemajaDahil sa kagustuhan n'yang maranasan ang isang simpleng pamummuhay kaya itinago n'ya ang kanyang tunay na katauhan. Sa panangin ng mga bagong tao na kanyang nakakasalamuha ay isa nalang s'yang normal at ordinaryong babae. Pero paano kaya 'pag nalam...