*Dianna's POV*
Linggo ngayon at nagpapahinga ako kasi walang trabaho.
Anyway, nakakaisang linggo na nga pala akong nagta-trabaho sa Coffee shop. Masaya naman ako at nakakatuwa talagang kasama si Shai, kinabukasan nga nung hinatid ako ni Ken ay panay na ang kwento ni Shai tungkol dun sa sobrang crush n'ya daw na si Jameson.
Tinanong ko nga kung bakit hindi yung 'Kent' ang crush n'ya. Ang sabi n'ya naman ay yun talaga ang super crush n'ya noon tapos isang araw na realize n'ya nalang daw na napaka-impossibleng abotin nung 'Kent', para daw s'yang natauhan bigla tapos timing naman na nakita n'ya yung Jameson, sikat din naman daw yun pero mas sikat yung 'Kent'. So,baka daw dun ay may pag-asa na s'ya. Natawa na nga lang ako habang nagku-kwento si Shai tungkol sa crush n'ya.
Habang nagpapahinga ay bigla ko nalang naalala yung text message ni Ken sa'kin nung nakaraang gabi.
~Susunduin kita sa Linggo,1 p.m. Okay lang ba sayo,Dianne?"~
Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan. Anong oras na ba?
Napatingin ako sa wallclock at nakitang 11:05 na pala.
'GOSH!Hindi pa ako naliligo.'
Dali-dali naman akong tumakbo sa banyo at naligo,pagkatapos ay naghanap na ako ng susuotin ko.
11:45 a.m.
Naghanda na ako ng tanghalian ko at kumain para dire-diretso na. Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na rin yung mga ginamit ko. Sa maikling panahon na pamamalagi ko dito sa Pilipinas ay marami-rami na rin akong natutuhang mga bagay.
12:30 p.m.
Sakto may 30 minutes pa ako para magpahinga. Bababa nalang siguro ako kapag nandyan na si Ken pero habang wala pa s'ya ay manunuod nalang muna ako ng t.v.
'Anong bang magandang palabas?'
Lipat.Lipat.Lipat.Lipat.
'Wait.'
Balik.Balik.
Oh, ito nalang siguro.
Ang nasa screen kasi ay mga taong may pinagkakaguluhan tapos may bigla nalang isang lalaking sumulpot.'Ang cute oh.'
Naisip ko tuloy si Shai. Ano kaya ang mukha nung sinasabi n'yang Jameson, kasing cute at gwapo kaya nitong nasa t.v. ngayon?
May isa na namang pinagkakaguluhan ngayon nung mga tao. Mas malakas at mas naging wild yung mga reaksyon nila, todo higpit nga nung mga security.
'Sino kaya yan?'
Nakakainis naman, ang gulo gulo kasi nung mga tao kaya pati tuloy yung camera man nahihirapan sa pagkuha.
Ayan, nakunan na ng camera yung likod n'ya.
'Lalaki pala, kaya ang wild ng reaction ng mga tao. Ano kayang itsura?'
"KENT-------KENT-----"
Yung Kent pala yun. Nacucurious na talaga ako sa kanya.
'Humarap ka na.'
At sakto namang nahagip s'ya nung camera. Teka lang, bakit parang kilala ko yun. Tinitigan ko ang mukha n'ya sa screen. Lumapit pa nga ako para makasigurado.
"S'ya nga."
Nasabi ko nalang bigla._____________
*Kent's POV*
Sobrang nakakapagod talaga kahapon.
I didn't expect that there will be a lot of people whose waiting for us outside the studio.
BINABASA MO ANG
The Secret Heiress
Novela JuvenilDahil sa kagustuhan n'yang maranasan ang isang simpleng pamummuhay kaya itinago n'ya ang kanyang tunay na katauhan. Sa panangin ng mga bagong tao na kanyang nakakasalamuha ay isa nalang s'yang normal at ordinaryong babae. Pero paano kaya 'pag nalam...