*Dianna's POV*
Ilang araw na ba ang nakalipas.g
Isa?Dalawa?Tatlo?
O mas tamang itanong ang, 'Ilang linggo na ba ang nakalipas? 'Oo, umabot na ng ilang linggo, simula nung mangyari ang pagpunta namin ni Ken sa party at ang pagdala nila Mom sa'kin dito sa mansyon, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita si Ken, maski anino man lang.
'Tok-tok-tok-tok'
Napahinto ako sa pagmumuni nang nakarinig ako ng katok mula sa pinto.
Umayos ako ng pagkaka-upo dito sa kama at inayos ang itsura ko.
"Anak. "
Sumilay sa akin ang nakangiting mukha ni Mom."Bakit po? "
Tanong ko sa kanya kasabay ng pag-upo n'ya sa tabi ko."Ano kasi anak. "
Medyo nag-aalangan si Mom na sabihin sa'kin kung ano man ang sasabihin n'ya kaya nagsalita na ako."Ano po ba yun? "
Napabuntong hininga s'ya at sinimulang haplosin ang buhok ko.
"Napag-usapan kasi namin ng Dad mo na mas makabubuting bumalik na kami, dahil alam mo namang madaming dapat asikasohin. "
Napatango lang ako sa sinabi ni Mom.
Alam ko naman kasing totoo yun."Ok lang naman po sa'kin Mom. "
'Hinihintay ko pa kasi s'ya. '
Sabi ng isang bahagi ng utak ko.Napatikhim si Mom, na s'yang kumuha ng atensyon ko.
"Yun na nga anak. Uuwi kami --at uuwi kaming kasama ka. "
Pinal na pagkakasabi n'ya."Yun lang naman pala, akala ko kung----"
Napahinto ako nang narealize ko ang sinabi ni Mom.
"teka.. huh? Ano!? "
Medyo napataas ang boses ko dahil sa pagkagulat."Yes,anak. Pasensya na, pero this is the best way that we can think as of now para masiguradong okay ka. "
Determinado at seryoso ang pagkakasabi n'ya."Aalis tayo bukas ng madaling araw. "
Desidido at pinal na pahayag n'ya."Mom?!"
Napatayo ako bilang pagtutol."Hindi n'yo man lang ba ako tatanungin kung gusto ko bang sumama o hindi? "
Hindi ko napigilang itanong sa kanya.Ayokong umalis ng hindi pa nakikita at nakaka-usap si Ken. Ni hindi ko nga alam kung kumusta na s'ya at kung nasaan s'ya ngayon. Kaya mas ayokong umalis nalang ng basta-basta.
"Hindi po ako sasama. "
Tangging sabi ko."Dianna."Napatayo na rin si Mom,and this time ay seryoso s'ya.
She's calling me by my first name.
"It's your sake that I'm thinking of,Dianna.You're going to come back to States with us---and that's final. "
And with that,tumalikod na s'ya at lumabas sa kwarto ko.Nanghihina akong napa-upo sa kama. Napatinigin ako sa wall clock at nakitang alas 4 palang ng hapon. Ayokong umalis. Kailangan kong umisip ng paraan para hindi ako makasama.
This time, I wanna break the rule even just for once. And it will happen,tonight.
Kinuha ko ang phone ko at sinubukang tawagan si Ken.Ilang ulit kong sinubukan, pero di ko s'ya ma contact.
'Isip---isip---Dianna'
Si Shai.
Sa oras na 'to. S'ya nalang ang na isip kong makakatulong sa'kin.
BINABASA MO ANG
The Secret Heiress
Novela JuvenilDahil sa kagustuhan n'yang maranasan ang isang simpleng pamummuhay kaya itinago n'ya ang kanyang tunay na katauhan. Sa panangin ng mga bagong tao na kanyang nakakasalamuha ay isa nalang s'yang normal at ordinaryong babae. Pero paano kaya 'pag nalam...