*Dianna's POV*
Kina-umagahan ay nagising ako na hawak hawak pa yung cellphone ko, nakalimutan ko ng ilagay sa mesa sa sobrang antok. Tiningnan ko yung phone ko at nakitang 6:20 palang ng umaga.
Mabuti nalang nagising pa rin ako ng maaga kahit na ang tagal kong natulog.
Bumangon na ako at pumunta sa kusina para sana magluto pero naabutan ko si Shai na naglalagay na ng dalawang plato sa mesa. Napansin n'ya siguro na nandito na ako kaya napahinto s'ya saglit.
"Good Morning, ate.Tapos na po akong magluto,tsaka nagwalis na rin po ako. Sana hindi kayo magalit na naki-alam ako sa apartment mo."
"Good Morning din Shai. Ok lang sa akin yun, walang problema. Salamat nga pala, pero hindi mo naman kailangang gawin 'to Shai pwede namang ako nalang ang gumawa nito."
Kaya ko nga s'ya pinatira dito para hindi s'ya mahirapan.
"Ok lang sa'kin to ate, hindi rin po kasi ako sanay na walang ginagawa tsaka pasasalamat ko na rin po ito sa pagpapatira n'yo sa'kin ng libre. Tatanawin ko po ito bilang isang utang na loob."
"No, wag Shai. Ginawa ko to kasi gusto ko lang talagang tulungan ka. Kaya wag ka ng maraming iniisip, okay?"
Sabay upo ko sa upuan na nasa tabi ko."S-sige po, thank you ate. Bakit po pala parang puyat ka?"
'Huh?Obvious ba.'
Napakapa tuloy ako sa mata ko."Ayiiee. Mayka telebabad ka siguro kagabi ate noh? Boyfriend mo?"
Napatayo naman agad ako sa kina-uupuan ko.
"Boyfriend? Ako?"
Naturo ko tuloy yung sarili ko sa pagkabigla."Bakit po ganyan ang reaksyon n'yo? Meron nga po ba talaga?" Grabe din pala manukso tong si Shai, pareho sila ni Ken.
'Aish. Bakit ba napasok na naman sa usapan si Ken?'
"Wala to. Kailan mo pala kukunin yung mga gamit mo Shai?" Naisip ko kasi na wala pa pala yung mga gamit n'ya dito.
"Bukas na lang siguro ate. Pagkatapos po natin mamaya sa shop ay dun nalang muna ako sa tinutuluyan ko para po makapagpaalam ako at para na rin po makuha ko yung mga gamit ko."
"Okay. Ikaw ang bahala. Anyway,maliligo na muna ako bago kumain, may damit akong inilagay dun sa kama para sayo kunin mo nalang ah, para diretso na tayo sa shop."
Nag-oo naman s'ya kaya umalis na ako at dumiretso sa kwarto.Nung tapos na ako ay bumalik na ulit ako sa kusina at nakita kong hindi pa rin pala nagagalaw yung dalawang plato kaya naghain nalang ako.
Tinawag ko na si Shai at maya maya lang ay nasa harap ko na s'ya. Sabay kaming kumain at habang kumakain ay nagku-kwentohan lang kami sa mga bagay bagay. Pagkatapos ay sabay na rin kaming pumasok sa shop at pagdating namin ay balik na naman sa trabaho.
Talagang nag-improve ang shop. Marami na kasing pumupunta dito kaya minsan ay nakakapagod na talaga pagkatapos ng trabaho.
Naunang umuwi si Shai ngayong araw kasi kailangan n'ya pang ayusin yung paglipat n'ya kaya ako ngayon ang naatasan na magsara ng shop. Habang nagsasara na ako ay tsaka ko naman nakita ang isang lalaking nakahoodie na papunta dito sa shop at huminto sa mismong tapat ko.
"Sorry but the shop is already close, sir."
Inunahan ko na s'ya kasi hindi naman s'ya nagsasalita at hindi rin naman s'ya mukhang masamang tao kaya hindi rin ako natatakot nung lumapit s'ya.
"No. Hindi po yun ate. Sabi kasi ni kuya na sabihin ko sayong ihahatid ka na n'ya."
'Huh? Sinong kuya ang sinasabi n'ya?'

BINABASA MO ANG
The Secret Heiress
Ficção AdolescenteDahil sa kagustuhan n'yang maranasan ang isang simpleng pamummuhay kaya itinago n'ya ang kanyang tunay na katauhan. Sa panangin ng mga bagong tao na kanyang nakakasalamuha ay isa nalang s'yang normal at ordinaryong babae. Pero paano kaya 'pag nalam...