*Dianna's POV*
Monday na ngayon, kaya ibig sabihin back to work na naman ako.So heto at nagmamadali na ako papuntang Coffee Shop.
"Good Morning,Shai." Masiglang bati ko sa kanya.
" Good Morning din ate. Parang sobrang saya mo po ata,anong meron?"-Sabi s'ya sabay ayos ng mga upuan.
"Wala 'to. Masaya lang ako kasi nakita na naman kita."
"Si ate talaga. At pinalusot mo pa ako ah?" Natatawang sabi n'ya.
"Hindi kaya! Alam mo Shai. Nakita ko na rin yung Jameson na sinasabi mo." Parang wala lang na sabi ko pero nagulat ako ng may bigla nalang akong narinig na nahulog, yun pala'y nabitawan na ni Shai yung upuan. Mabuti nalang at hindi tumama sa paa n'ya.
"Ba't natulala ka na jan, Shai?"
As in, natulala talaga s'ya at para s'yang robot na lumapit sa'kin.
"Talaga? Nakita mo s'ya Ate Dianne?" Medyo tulala pa ring tanong n'ya sa'kin.
"Oo,nakita ko s'ya sa tv kahapon."
Nasabi kasi sa akin ni Ken kahapon habang nagku-kwentohan kami na yung lalaki palang kasama n'ya kahapon ay yung Jameson pala na sinasabi ni Shai. Parang bigla naman s'yang natauhan dun sa sinabi ko at nagpout pa sa harapan ko.
"Akala ko pa naman kung nakita mo na talaga s'ya sa personal."-Shai
Medyo tumamlay s'ya sandali pero agad din namang yung nawala at napalitan ng pilit na ngiti.
"Haha. Bayaan na nga natin yun. Oh, anong masasabi mo ate, gwapo noh?"-Shai
"Um.Oo, cute s'ya."Sagot ko naman.
"Gwapo po. Teka, change topic tayo. May gagawin ka po ba pagkatapos natin dito?"Tanong n'ya sa akin bigla.
Napa-isip naman tuloy ako.
" Wala naman,Shai.Bakit?"
"Nalaman ko po kasi na maraming sale ngayon sa mall, kaya kung hindi ka busy baka po pwede tayong pumunta, minsan lang naman ate e." Nagpapacute pa s'ya habang sinasabi yan.
Napatawa naman tuloy ako.
"Hindi mo na kailangang magpacute sa'kin Shai. Sige ba, punta tayo mamaya."
"Talaga? Sabi mo yan ate. Wala ng bawian yan."-Shai
Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Pagkatapos ng usapan naming yun ay nagpatuloy na kami sa pagta-trabaho.
At gaya ng ibang araw ay madami na talaga ang customers na nagpupunta rito. Natutuwa nga si Manager kaya as reward namin ay maaga n'ya kaming pinauwi ngayon.
"Tara na?" Tanong ko agad kay Shai nung matapos na kami sa pagliligpit.
"Sige po. Kunin ko lang yung bag ko."
At umalis na s'ya para kunin yung bag n'ya.
------Mall-------
Nakarating na rin kami sa mall. Una naming pinuntahan yung sa clothes section.
"Ito Shai,sure akong bagay 'to lahat sa'yo. Isukat mo na." Sabay abot ko sa kanya nung mga dress na kinuha ko.
Medyo nag-aalangan pa s'yang abotin nung una pero kinuha n'ya rin naman. Nagpunta s'ya sa fitting room at ipinakita n'ya sa akin isa-isa ang mga dress na isinukat n'ya. At tama nga ako. Lahat ng isinukat n'ya ay bagay na bagay sa kanya pero nagtaka ako kasi pagkatapos n'yang maisukat lahat ay ibinalik n'ya rin ang mga dress dun sa pinagkunan ko.
BINABASA MO ANG
The Secret Heiress
Novela JuvenilDahil sa kagustuhan n'yang maranasan ang isang simpleng pamummuhay kaya itinago n'ya ang kanyang tunay na katauhan. Sa panangin ng mga bagong tao na kanyang nakakasalamuha ay isa nalang s'yang normal at ordinaryong babae. Pero paano kaya 'pag nalam...
