Chapter 27

1.3K 44 4
                                        

*Dianna's POV*

Masayang natapos ang salo-salo namin.Halos di nga ako makatingin kay Ken.Umuwi na sila Nana Marta.Sila Shai naman ay sinabing matutulog na.Ako?Inaayos ko muna yung mga dadalhin ko bukas.Ipinasok ko na sa bag ang huling pares ng sapatos ko at tapos na.

Napagpasyahan kong lumabas muna kahit sobrang gabi na kasi gusto kong sulitin ang huling gabi ko rito.Naglakad ako sa tabing dagat at may nakita akong isang bulto ng tao,dahan dahan ko itong nilapitan at mukhang naramdaman n'ya ang presens'ya ko kaya napalingon s'ya sa gawi ko.

'Si Ken.'

"Anong ginagawa mo dito?"
Tanong ko kaagad sa kanya.

"Diba ako dapat ang nagtatanong n'yan.Anong ginagawa mo dito?Wag mong sabihing sinusundan mo ako?" Then I saw him smirk.

'Aba---'

"Anong sinusundan--di ko naman alam na nandito ka rin pala." Napacross-arms ako.

"Akala ko kasi---"

"Anong akala mo?" Pag-iinterrupt ko sa sasabihin n'ya.

"Akala ko kasi natutulog ka na.Maaga pa naman tayong aalis bukas."

Naupo ako sa buhanginan tsaka ko s'ya sinagot.

"Alam ko.Gusto ko lang kasing sulitin ang huling gabi ko dito."

Sumunod din s'yang naupo sa tabi ko.

"Pwede pa rin naman tayong bumalik dito."

"Oo,pero walang pang kasiguradohan kung kailan mangyayari yun kaya habang nandito pa ako ay sinusulit ko na."

Napatingin ako sa kalangitan pagkatapos kung sabihin yun.

"K-ken."

"Hmm?"

"May tanong ako sayo?"

Nahihiya man pero kailangan kong itanong sa kanya para makompirma kong hindi lang s'ya nagbibiro.

"T-totoo b-ba y---" Napabuntong hinga ako ng malalim bago nagsalitang muli.

"Totoo ba yung sinabi mo kanina?"

Ayan.Nasabi ko na rin sa wakas.

"Alin dun?" Cool lang na pagkakasabi n'ya.

"Y-yung ano.Basta yung sinabi mo k-kanina.Totoo ba yun?"

"Alin dun.Yung pwede tayong bumalik dito?" Inosenteng tanong n'ya.

Nangiti ako ng mapakla sa sinabi n'ya.
Ang hirap naman nito.

"Ang tinutukoy ka ay yung s-sinabi mo d-dun sa kwarto?"

Ano ba to,nauutal ako.Kahit madilim akong namumula na ako ngayon.
Hindi s'ya sumagot kaagad sa tanong ko.Naramdaman kong tumingin s'ya sa gawi ko kaya ako naman ay diretso lang ang tingin at hindi lumilingon.

"Do I sound like I'm kidding?"Yung tono ng boses n'ya ay parang seryoso na naninigurado.

"D-di ko alam.Ganun kasi karamihan sa mga lalaking kilala ko.Sasabihing mahal ka raw nila pero sa maikling panahon lang pala.O di kaya'y akala lang nila na 'love' na yun pero ang totoo 'attraction' lang pala,habang yung iba naman ay nangti-trip lang."

Diba totoo?Yung iba grabe pa kung makapagsalita na gusto o mahal talaga nila yung babae pero pag nakakita lang ng 'mas' nag-iiba na.

"But I'm not them."

This time ay napatingin ako sa kanya.

'Oo nga naman.'

Pero natural lang na maisip ko yun.Lalaki rin kasi s'ya at alam kong hindi ko pa s'ya lubusang kilala.

'Should I take the risks?'

"Hindi naman kita pinipilit na sagotin yung sinabi ko Dianne kasi hindi naman tanong yun.I said that 'coz that is what I feel and I don't want to regret when the time comes.Mahalaga ang ora
s at may naniniwala ako na kung kaya mong gawin ngayon,gawin mo na.Life is too short to pretend."

Para akong natamaan sa huling sinabi n'ya.'Life is too short to pretend?'
Naguilty tuloy ako bigla.

Kung di ako nagpretend marahil hindi mo makikilala ang Dianne na nasa harapan mo ngayon Ken.Ayoko mang magpanggap pero kailangan.

"Hayaan mo lang sana akong ipakita kung ano ang nararamdaman ko sa'yo Dianne."

Nginitiin ko s'ya bilang pagsang-ayon.

Mahal ko si Ken walang duda dun,pero hindi ko pa pwedeng sabihin sa kanya habang may suot suot pa akong maskara.Gusto kong sa oras na sabihin ko sa kanya yun ay ako na talaga si Dianna Stanford na walang tinatago sa kanya.Pero habang di pa nangyayari yun ay ipapadama ko rin muna sa kanya na mahal ko rin s'ya.

"Magiging busy ka na naman ba pagbalik natin?"
Out of the blue na tanong ko sa kanya.

"Yeah.I have a new project.It's a movie and there are parts to be shoot abroad,but don't worry I will still fetch you while the shoot in abroad isn't set."Paninigurado n'ya.

Napaisip tuloy ako bigla kung yan bang shoot na gagawin n'ya para sa movie ay tungkol sa isang love story.Kung 'oo' man,sino naman kaya ang kalove team n'ya?May kissing scene kaya sila?

Napangiwi tuloy ako sa naisip ko.

'Ano ka ba Dianna.Hindi mo dapat iniisip yan.'

Paano nga kung meron silang kissing scene?
Aaahhh!!!!!Di ko na kaya to.

" Um--Ken may tanong ako."Nakayuko at nilalaro ko ang mga daliri ko.

"What's that?"

"Yung movie ba na sinasabi mo ay l-love story?" Mukhang na-amaze s'ya sa tanong ko.

"Oo."Maikling sagot n'ya.

" M-may k-kissing scene ba yan?"Pautal-utal at di makatinging tanong ko sa kanya.

Narinig ko naman ang pagpipigil n'ya ng tawa hanggang sa tawa na talaga s'ya ng tawa.Argh!!Parang gusto ko tuloy s'ya batukan sa ginagawa n'ya.Nahirapan na nga ako sa pagtatanong ko nun sa kanya pero s'ya ayan tinatawanan lang ako.

"Bakit.Ayaw mo ba Dianne?"Tanong n'ya nung medyo kumalma na s'ya sa kakatawa.

"H-hindi noh.Tinatanong ko lang." Sabay irap ko sa kanya.

Narinig ko ulit ang mahinang pagtawa n'ya.

"Hindi ka nagseselos?"

Wow!Ako?Magseselos?
Duh!

"H-hindi noh."

Akala mo ha.

"Hindi ka naman dapat magselos Dianne kasi itong movie na gagawin namin ay para sa 'Mother's special'.It is about a son who grow up states with his dad,not knowing his mother.Then,the story goes on.Walang kissing scene with some other girls,that's why you don't have to get jealous."

Bakit nag-eexplain s'ya?Wala lang naman talaga sa akin kung love story yung movie n'ya.Tsaka--

"Hindi nga ako nagseselos.Ba't ba ang kulit mo?"

Pinipilit pa kasing nagseselos ako e sa hindi nga.Ang kulit---

'Hindi nga ba?'
Parang may biglang bumulong sa utak ko.

"Okay."
Pero parang taliwas ang sinasabi n'ya sa reaksyon ng mukha n'ya.

"Anong nginingiti mo jan?" Sita ko sa pilyong ngiti na nasa labi n'ya.

"Wala naman.C'mon?"
Tumayo na s'ya at nagpagpag sa sarili n'ya bago naglahad ng kamay sa'kin.

"Saan?"

"Let's go inside.Gabi na at maaga pa tayong aalis bukas.You need to rest."

Oo nga pala.
Di ko na naisip yun dahil sa sarap ng kwentohan namin.Inabot ko na ang kamay n'ya at pumasok na kami sa loob ng bahay.

Bukas ay aalis na kami at haharapin na naman namin ang tunay na buhay.

____________________________________
A/N
Sorry at ngayon lang naka-update at thank you sa patuloy na pagbabasa.Hope na nagustuhan n'yo.=)
😘😘😘

~LAM.=)

The Secret HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon