Chapter 7:Job

2.1K 65 0
                                    

*Kent's POV*

"Oh Ken, bakit mukhang iba ang aura mo ngayon?"
Yan agad ang bungad sa akin na tanong ni Manager.

Nagkibit balikat lang ako.

" Charisma yan manager."

Napatawa naman tuloy s'ya sa sinabi ko.

"Nakapag day-off ka lang kahapon ganyan na agad ang aura mo. Ano bang ginawa mo kahapon ha?"-Manager.

" Namasyal lang, manager."sagot ko sa kanya.

"Okay,okay. Hindi na kita pipiliting umamin kung ano ang dahilan ng aura mo ngayon. Anyway, yung mommy mo tumawag nga pala sa akin kagabi, di ka raw n'ya macontact kaya ako ang tinawagan. Uuwi daw s'ya dito next month."-Manager.

Uuwi? Bakit naman kaya?

" Sige,manager. Thanks."

Yun nalang ang sinabi ko bago umalis sa office n'ya.

_________________________________

*Dianne's POV*

Back to 'normal life' na naman ako. Kaya nga ang plano ko ngayong araw ay maghanap ng kahit part-time job lang.

Hindi ko na sinabi kay Mom kasi sure ako na hindi s'ya papayag. Baka paggising ko isang araw nandun na pala ako sa States kasi pinasundo ako ni Mom. Mahirap na, at tsaka hindi naman pera ang habol ko kaya ako magta-trabaho, kasama yun sa 'normal life' na gusto kong maranasan.

Kinuha ko na ang mga bagay na kakailanganin ko. Tatayo na ulit sana ako nang biglang magring yung phone ko.

~Kent calling~

Huh? Kent? Sinong Kent?
Ah..baka si Ken to. Sinagot ko naman ang call kasi baka si Ken nga talaga to.

"Hello?"

"Hey,Dianne. Si Ken to." -Ken

At tama nga talaga ang hula ko.

"Oh Ken, napatawag ka?"

"I'm just checking kung tama yung number mo."-Ken

" Ah.Ganun ba? Ngayon, na check mo na?" Curious kong tanong sa kanya.

Napatawa s'ya. "Yeah. Anyway, are you busy?"-Ken

"Hindi naman pero kung matanggap ako mamaya baka 'oo' na ." Sagot ko sa kanya.

"Matanggap? Anong ibig mong sabihin dun?"-Ken

"Ano kase,maghahanap ako ng trabaho, part-time job ganun." Pag-eexplain ko naman sa kanya.

"Trabaho? You know, I can help you Dianne."-Ken

" Thanks Ken pero ok lang 'wag ka ng mag-alala at tsaka ayaw din kitang abalahin."

"Alright. Basta kung kailangan mo tulong just call me, okay?"-Ken

" Yes,sir!" Sabay saludo pa kahit hindi n'ya naman nakikita.

"Haha.Si-- (Sir Ken,get ready na daw po.)---"

May bigla nalang akong narinig na ibang boses mula sa kabilang linya.

"Ken, sino yun?" Curious na tanong ko.

"S-sorry Dianne pero kailangan ko ng ibaba ang phone." Nag-aalangang sabi n'ya.

"Oh. Okay. Bye Ken." Sagot ko nalang.

"Bye."

At tuluyan na ngang naputol ang tawag n'ya. Sino kaya yung nagsalita kanina?Bakit parang nagmamadali si Ken?

The Secret HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon