*Dianna's POV*Simula ng umuwi si Ken ay hindi ko na nakita ang tita n'ya pati na rin yung babaeng kasama nito,hindi na rin ito nagpaparamdam.
'Nakakapagtaka naman. '
Pero kung iisipin ay mas mabuti na rin siguro yun para iwas sa gulo.Pero napa-isip ako,meron kayang posibleng mangyari ngayong hindi ko sinunod ang sinabi ng tita n'ya na layuan s'ya?
Umilig ako sa naisip ko at pilit na tinatanggal ang ideyang iyon.
Wala naman sigurong mangyayaring hindi maganda,di ba?
"Ate!Ate!" Tawag sa akin ni Shai
Napalingon ako kay kanya na ngayon ay humihingal at nakatukod ang dalawang kamay sa kanyang tuhod.
"Oh. Anong nangyari sa'yo Shai?May sinalihan ka bang marathon?"Nangingiting tanong ko sa kanya.
Napatingala naman agad s'ya sa sinabi ko at napangiti sa'kin. Di ako sigurado pero parang may kakaiba sa ngiti ni Shai.
"Haha.Ano ka ba ate,hindi po." Tapos ay tumayo s'ya ng maayos at hinawakan ang kamay ko.
"Ate, punta naman tayo ng mall,oh."Sabi n'ya habang naka puppy eyes pa.
Natawa ako sa ginawa n'ya.
"Ano ate?Payag ka na?"
"Oo,sige na.Pero ano ba ang gagawin natin dun?"
Wala akong ka ide-ideya kung ano ang pinaplano ngayon ni Shai.Hindi ko rin alam kung bakit ay bigla-bigla n'ya nalang akong niyaya na pumunta ng mall.
"Basta,ate. Secret mo na."Sabay kindat n'ya pa.
Napa-iling nalang ako bago pumunta sa kwarto ko upang magbihis.
---MALL---
"S-Shai? Anong ginagawa natin dito?"Takang tanong ko.
Nakita ko ang pagsingkit ng mga mata n'ya?
"Hindi ko ba nasabi sa'yo ang dahilan ate?"Painosenteng tanong n'ya.
"Shaira--anong palabas 'to?"Kunwari medyo seryoso ako habang sinasabi yan sa kanya para medyo maniwala s'ya.
"Ahahaha--"Napatawa s'ya ng alanganin.
"Relax lang po Ate Dianne.Um--ano kasi,m-may pupuntahan tayo."
Napakunot ang noo ko sa sinabi n'ya.
'Pupuntahan?Saan naman kami pupunta?'
Naintindihan n'ya siguro na nagtataka ako kaya nagsalita s'ya.
"Ate,kasi po--ano--inimbitahan ako ng kaibigan ko at ayoko naman pong pumunta mag-isa kaya po magpapasama sana ako sa inyo."Paliwanag n'ya sa akin habang nilalaro ang mga daliri n'ya.
"Ikaw talaga Shai.Akala ko naman kong ano na ang dahilan kaya tayo nandito sa Salon at nagpapaganda. "
Napatawa s'ya sa sinabi ko.
"Naku! Dapat lang talaga na MAS magpaganda pa tayo ate."Napahagikhik s'ya bago nagpatuloy sa pagsasalita.
'At tsaka wag n'yo pong alalahanin yung pagpunta natin dun dahil talagang invited kayo. "Confident n'yang sagot sa'kin.
'Huh? Ako invited?
Napahinto s'ya saglit nang makita ang nagtatakang reaksyon ko at tsaka nagsalita ulit.

BINABASA MO ANG
The Secret Heiress
Teen FictionDahil sa kagustuhan n'yang maranasan ang isang simpleng pamummuhay kaya itinago n'ya ang kanyang tunay na katauhan. Sa panangin ng mga bagong tao na kanyang nakakasalamuha ay isa nalang s'yang normal at ordinaryong babae. Pero paano kaya 'pag nalam...