Chapter 29:Victoria

1.4K 48 4
                                        

Kinabukasan ay balik trabaho na naman kami ni Shai.Habang si Harry naman ay umagang-umaga palang ay missed call n'ya na agad ang nabungaran ko at dahil hindi ko yun nasagot kaya nagtext s'ya sa'kin na sasamahan n'ya raw ako.Hindi nga ako nagreply dahil sa trabaho ang punta ko ngayon.

"Kumusta po,Manager." Bati namin nung makita namin si Manager.

"Ayos naman mga hija.Sige,nandito na kayo kaya aalis na muna ako at may pupuntahan lang."

"Sige po.Kami na ang bahala dito." Sagot ni Shai.

Kumaway kami sa kanya bago s'ya tuluyang lumabas ng shop.

Dating gawi na naman kami ni Shai.Linis ng shop.Bati sa mga costumers.Serve ng order nila.Ligpit ng kalat at yung iba pang gawain.

Biglang nagvibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ko habang gumagawa ako ng latté,muntikan na ngang matapon dahil sa gulat ko.

"Hello?"
Inipit ko sa pagitan ng balikat at tenga ko ang cellphone habang tinatapos ang pagtitimpla ng latté.

"Dianna."

'Ay!Kabayong bakla!'

This time ay natapon na talaga yung tinitimpla ko dahil sa boses na narinig ko.

"H-harry?Why?"
Mahinang sambit ko kasi baka marinig ni Shai.

"Where are you?"

Ito na nga ba ang sinasabi ko.
Ano ng ipapalusot ko sa kanya ngayon?

"Um--I'm in the--coffee shop right now.I will be meeting my friend."
Napapaypay nalang ako sa sarili ko habang sinasabi yun.

"Alright.Call you later."
Nagsisimula ng maging complicated ang set-up na to para sa'kin.

"Okay."
Binaba n'ya na ang tawag at tsaka lang ako nakahinga ng maluwag.

"Okay ka lang ba ate?"
Napalingon ako kay Shai at napa-ok sa kanya.

Nagpatuloy na ako sa pagtatrabaho hanggang sa di ko na namalayang oras na pala.Nagsara na kami at gaya ng nakagawian ay sinundo kami ni Ken.

Kinabukasan ay ganun pa rin ang set-up pero ang nakakadismaya ay wala akong Ken na naabotan paglabas ko ng shop.Biglang naglaho ang excitement ko na umuwi dahil sa walang Ken na nagpakita sa'kin.

'Akala ko ba susundiin n'ya kami hanggang sa di pa s'ya pumupunta ng ibang bansa para sa shooting nila.Hindi pa naman siguro s'ya nakalis dahil ang sabi n'ya ay sa mga susunod na araw pa yun.'

Kung ganun,nasaan ka ngayon Ken?

______

*Kent's POV*

"Sh*t"

Bakit hindi man lang ako nasabihan agad na darating s'ya ngayon.

~Manager calling~

I immediately tap the answer button.

"Ken,where are you?"

Yan agad ang narinig ko mula sa kabilang linya,wala man lang kahit hi o hello.I don't f*cking care anyway.

"On my way,there."

Yes,I'm on my way to my Manager's office.Papunta na sana ako kanina sa shop para hintayin ang paglabas nila Dianne nang bigla akong makareceive ng message na nandito na raw s'ya.Hindi ko inaasahan na talagang pupunta s'ya dito kaya nagmadali akong puntahan s'ya.

"O sige.Sasabihin ko nalang sa kanya na papunta ka na.Hihintayin ka namin dito Ken."At ibinaba n'ya na ang tawag.

Napakamaintindihin n'ya talaga, kaya hindi na ako nahihirapang mag-explain sa kanya lalo na kung may mga issues akong kinakaharap.

~~
Pinatay ko ang makina ng kotse at bumaba na.Tinungo ko ang office at pagpasok na pagkasok ko ay isang babaeng naka-upo sa sofa na kilala hindi lamang sa mundo ng business kun'di pati na rin sa industriya na kinabibilangan ko,no other than--Victoria Wright,my mom.

"Kent David."
Bati n'ya sa'kin tsaka tumayo.Nilapitan ko naman s'ya at hinalikan sa pisngi.

"Hi,Mom."

Niyakap n'ya ako kaya gumanti din ako.

"What brings you here,Ma?"
Napabitaw naman s'ya sa pagkakayakap n'ya sakin at hinarap ako.

'O-oh.Wrong move.'

"Bawal na ba akong pumunta dito Kent David?"

Ayan na naman.Minsan naimi-miss interpret n'ya ang mga sinasabi ko at magtatampo s'ya sa'kin.Ganun din naman kay Dad pero sa t'wing nangyayari yun ay grabe ang explanation n'ya kay Mom at grabe din yung effort n'ya.

"I'm just wondering,Ma.Minsan nalang tayo kung magkita kasi sobrang busy n'yo."

Nasabi ko na naman na talagang busy sila at aminado naman akong ganun din ako pero kahit na ganun ay di ko itatangging mahal ko sila.

"Tinitignan ko lang ang kalagayan mo.After all,I'm still your Mom."

Yeah.

Ngumiti ako sa sinabi n'ya.

"Now that I'm here,could you stay at our mansion then?"

Napa-isip ako sa sinabi ni Mom.Matagal tagal na rin nung huli akong pumunta dun,wala naman kasing tao maliban sa mga guards at katulong ang nandun at simula nung nag-artista ako ay dun na ako umuuwi sa condo.

"Okay ma."

Mainam na rin siguro 'to para naman makasama ko s'ya kahit papano.I miss my Mom.

"O s'ya sige,tayo na't lumalalim na rin ang gabi.Anyway,thank you Andrew." Nalingon naman ako sa direksyong tinitingnan ni Mom at ngayon ko lang nakitang nandito lang din pala si Manager Drew sa loob.

"Yow,Manager."
Bati ko sa kanya.
Umalis na rin kami agad pagkatapos kong magpaalam at magpasalamat kay Manager.

I didn't expect that I will see my Mom today.Susunduin ko na sana si Dianne nun nung--

Oh sh*t!
Si Dianne.


Hindi ko pala nasabihan si Dianne.Paano nalang pag nagtampo s'ya sa'kin.Ano ng gagawin ko?

F*cking sh*t.
____________________________________

A/N:
'Today makes me realized how important life is.'

Hi.=)
Here's another update just for you.Enjoy.=)

-Comments are highly appreciated.:)

~LAM.=)

The Secret HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon