*Shaira's POV*
Paggising ko kina-umagahan ay dali-dali akong pumunta sa kwarto ni Ate Dianne para e check kung gising na ba s'ya.Di naman ako nagkamali kasi pagpasok na pagpasok ko palang ay nakita ko s'yang nakaupo sa kama habang nakatanaw sa bintana,at masasabi kong masaya s'ya dahil sa kakaibang kislap ng kanyang mga mata.
"Good Morning,ate!"
Hyper na bati ko sabay takbo at yakap ng mahigpit sa kanya."A-aack..S-shai--n-nasasakal ako."
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nung narinig ko yun,kaya bumitaw agad ako at ngumiti ng bahagya.
"Sorry po." Sabay peace sign.
Napatawa naman si Ate.Ewan kung sa peace sign na ginawa ko o sa mukha ko?Sinabayan ko nalang s'ya.
"Mabuti naman po at gising na kayo.Grabe,sobra kaming nag-alala sayo,ate."
"Thank you.Sorry na rin kasi napag-alala ko kayo."
"Wala naman pong may gusto nun.At tsaka hindi naman natin alam na ganun pala ang mangyayari,pasalamat nalang po tayo dahil ligtas ka na."
Totoo naman talaga.Hindi naman namin alam na mangyayari yun.Ang aksidente talaga,walang babala.
"Sige po.Pahinga na kayo para gumaling kayo kaagad.Ilang araw nalang at aalis na tayo kaya magpagaling ka na ng todo ate para pag-ok ka na talaga ay masulit natin ang natitirang araw.Sige po."
Tsaka ako umalis sa harap n'ya.
____________________________________
*Dianna's POV*
Dahil sa nangyari kaya nalaman kong madami rin pala ang nag-aalala sa akin.
Kanina pagkatapos akong puntahan ni Shai ay sumunod naman sila Nana Marta,yun nga lang hindi kasama si Sofia.Siguro,hindi n'ya talaga ako gusto.
Nalungkot naman ako sa naisip ko.
~Tok-tok-tok~
Napatingin ako sa pinto nang dahan dahan itong bumukas pagkatapos kong marinig ang katok.
"Pwede ba akong pumasok?"
Diretso n'yang tanong sa'kin mula sa bungad ng pinto."Ok lang naman.Sige,pasok ka Sofia."
Pumasok s'ya at naglakad papunta rito sa pwesto ko.
"Hindi ka yata nakasama kina Nana Marta." Malumanay na sabi ko sa kanya.
"Sinadya ko talagang pumunta na mag-isa para maka-usap ka."
Huh?Bakit naman kaya.
"Ah.Ganun ba?"
Yun nalang ang sinagot ko.Umupo s'ya sa upuang nasa tapat ko at nagsimula ng magsalita.
"Sa totoo lang,ayoko sayo."
Inaasahan ko ng hindi n'ya ako gusto nung una palang,pero masakit din palang marinig ng diretso mula sa isang tao yun.
Nanatili lang akong tahimik."Narinig mo ba?Ayoko.sayo."
Inulit n'ya pa.
Hindi ako sana'y na pinagsasalitaan ng ganyan.Hindi ka naman talaga magugustuhan ng lahat, pero sa mundo kasi na ginagalawan ko bilang isang DIANNA STANFORD ,pinapakita nila na especial at importante ako,na gusto nila ako.S'yempre, gugustohin nila ang isang unica hija na s'yang taga pagmana ng mga Stanford.Pero ngayon ako ay hindi si Dianna, kundi si Dianne.
Kundi si Dianno."Hindi kita gusto--"
Naging parang isang bulong nalang ito dahil sa hina ng pagkakasabi n'ya."Pero nung nakita kitang nalulunod sa dagat at nung nakita ko kung paano natakot si Kuya Ken ng mga oras na yun,nasabi ko nalang sa sarili ko na ganun ka kaimportante sa kanya at talagang ayaw ka n'yang mawala."
BINABASA MO ANG
The Secret Heiress
Teen FictionDahil sa kagustuhan n'yang maranasan ang isang simpleng pamummuhay kaya itinago n'ya ang kanyang tunay na katauhan. Sa panangin ng mga bagong tao na kanyang nakakasalamuha ay isa nalang s'yang normal at ordinaryong babae. Pero paano kaya 'pag nalam...