*Dianna's POV*
"Ako? Tinuruan kasi ako kaya marunong ako." Sagot ko sa tanong n'ya habang natatawa tawa pa.
Tinanong n'ya kasi ako kung bakit daw ako marunong magtagalog.
Anyway, nandito na nga pala kami sa ice cream parlor at nilibre ko talaga s'ya. Ayaw n'ya nga talaga nung una pero pinilit ko s'ya kaya wala na s'yang nagawa.
"Ano nga palang name mo?" Curious na tanong ko sabay subo ng strawberry ice cream na kinakain ko.
"Ako? " Sabay turo sa sarili n'ya.
Oh. Bakit parang nagulat s'ya sa tanong ko.
"Yup. Ikaw." Sabi ko ulit sabay subo na naman ng ice cream.
"Just call me whatever you want."
"Huh? Pwede ba yun?"
Di makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Tingnan mo nga to, kahit ano daw ang itawag na gusto ko? E paano nalang kung tawagin ko s'yang Barney o di kaya'y Sister? Edi panigurang mapipikon s'ya.
"Ano nga yung name mo?" Pangungulit ko pa rin.
"Ken. You can call me Ken."
"Ah-- Ken pala." Patango-tango kong sabi.
"Ako naman si Diann-"
Napahinto ako sandali habang nag-iisip kung sasabihin ko ba sa kanya ang tunay kong pangalan, baka kasi maudlot yung pinaplano kong 'normal life' kung malaman n'ya yung totoo kung pagkatao.
"Dianne. Just call me Dianne." Napapabuntong hininga pa ako pagkatapos kong sabihin yun.
Bigla naman akong nabuhayan ng loob sa naisip ko.
"So, Ken. Friends?" Sabay lahad ng kamay ko sa kanya.
Napatingin pa s'ya sa akin bago inabot ang kamay ko.
" Friends."
Bigla naman akong napatayo sa tuwa.
"Talaga?" Di pa rin makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Dahil sa friend na kita at ikaw palang talaga ang una(dito sa Pilipinas) kaya-- sagot kita. Halika na." Sabay hila na naman sa kanya.
Hindi ko pa man s'ya lubusang kilala pero magaan na ang loob ko sa kanya. Ewan ko kung bakit pero parang na se-sense ko na mabuti talaga s'yang tao.
"Ken, san mo gustong pumunta?" Tanong ko nung nakalabas na kami ng ice cream parlor.
"Ikaw. Saan mo ba gustong pumunta?" Balik tanong n'ya.
Saan ko nga ba gustong pumunta?
" Ah! Yun nga. Gusto ko dun sa lugar na maraming games at rides." -Excited at napapalakpak pa na sabi ko.
'Bakit dun pa?'-Ken
"May sinasabi ka,Ken?" Tanong ko sa kanya para kasing may sinasabi s'ya e.
"Me? No.Nothing. Let's go?" Pag-aaya n'ya.
"Sure. Let's go."
Dahil sa hindi ko naman alam kung saang part nitong mall yung exact place ng pupuntahan namin kaya s'ya yung nagli-lead sa'kin. Habang naglalakad kami ay napapansin ko pa rin yung mga babaeng tingin ng tingin sa amin. Ay mali pala. Tingin ng tingin sa kanya.
Lumapit ako kay Ken tapos ay kinalabit ko s'ya.
"Oy, Ken. May tanong ako sayo." Medyo pabulong na sabi ko.
" Ano yun?"
"Bakit ganun nalang kung makatingin yung mga babae sayo, huh?" With matching paniningkit ng mata.
BINABASA MO ANG
The Secret Heiress
Novela JuvenilDahil sa kagustuhan n'yang maranasan ang isang simpleng pamummuhay kaya itinago n'ya ang kanyang tunay na katauhan. Sa panangin ng mga bagong tao na kanyang nakakasalamuha ay isa nalang s'yang normal at ordinaryong babae. Pero paano kaya 'pag nalam...
