*Shaira's POV*
Sobrang masaya ako ngayon at talagang di ko makakalimutan ang araw na ito.
Kakaalis nga lang pala nila Kuya Ken. Ngayon ay alam ko na kung bakit ang dami talagang nagkakagusto at humahanga sa kanya, isa na ako sa kanila noon.
Sobrang gwapo at malakas kasi ang dating n'ya at mabait pa. Pero kanina habang nandito sila ay may paninsin ako sa kanila ni Ate Dianne, parang may sparks sila. Bagay na bagay sila para sa isa't-isa.
Lumapit ako kay Ate Dianne at nagtanong kung papano sila nagkakilala ni Kuya Ken, pero parang lutang ang isip ni Ate ngayon.
"Bakit kaya?"
Hindi ko nalang muna s'ya kinulit at naghanda nalang ako ng haponan namin.
Habang naghahanda ay di ko maiwasang mapangiti dahil sa mga nangyari kanina. Isipin n'yo, dati pinapangarap ko lang makita sila pero ngayon ay naging mga kaibigan ko pa. Si Jameson naman na inakala kong hanggang sa tv ko nalang makikita pero kanina ay kakwentohan at katawanan ko na. Kung panaginip man ang lahat ng 'to pwede bang wag n'yo muna akong gisingin.
______
*Dianna's POV*
Naabotan ko si Shai sa kusina na nakangiti.
'Wag mong sabihing nagiging weird na rin si Shai katulad ko?'
Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa mapansin n'ya ako. Napatingin s'ya sa akin at agad na naglakad ng mabilis patungo sa'kin. Himinto ako at sakto namang huminto rin s'ya sa tapat ko. Napaka-aliwalas ng mukha n'ya. Ang saya saya n'yang tignan.
"Thank you Ate."
Nabigla ako hindi dahil sa sinabi n'ya kun'di dahil sa pagyakap n'ya.
"Para saan?"
"Para sa lahat po at para na rin sa pagtutupad ng isa sa mga pangarap ko."
Naguluhan ako sa sinabi n'yang tinupad ko raw ang isa sa mga pangarap n'ya.
"Salamat po sa pagdala n'yo sa'kin sa buhay ni Kuya Ken at Jameson."
Doon na ako nalinawan sa sinabi n'ya. Ang tinutukoy n'ya palang pangarap ay ang makilala sila.
"You're welcome Shai."
Napayakap na rin ako sa kanya.
Kumalas na kami sa aming yakapan at kumain, pagkatapos naming maglinis ay pumasok na rin kami sa aming mga kwarto. Tiningnan ko kaagad ang cellphone ko at nakita ang message na mula kay Ken.
~Thanks for today Dianne:)~
Nagreply naman agad ako sa kanya.
-To:Ken-
Wala yun Ken, ako nga dapat ang magpasalamat dahil bumisita kayo. Alam mo? Sobrang saya ni Shai na nakita kayo. Salamat.^_^
Message Sent√
Hinintay ko ang magiging reply ni Ken pero wala akong natanggap.
Ilalagay ko na sana sa mesa ang cellphone ko at matutulog nalang pero bigla nalang may tumawag.
~Kent Calling~
Sinagot ko naman ito kaagad.
"Hello?"
Pero wala akong narinig na sagot .
"Ken?"
Tapos bigla ko nalang narinig na nagsalita s'ya.
"Si Shaina lang ba?"
Napa 'huh?' ako sa dahil di ko nakuha at parang naintindihan naman n'ya.
"Ikaw, hindi ka ba sumaya?"
~Dug--Dug~
Ano yun? Napahawak ako bigla sa puso ko.
Weird.
"Dianne?"
Bumalik ako sa katinuan nung marinig ko ang boses n'ya.
"Ah,oo. S--s'yempre naman. Masaya rin ako."
"Good to hear that."
At narinig ko na ang pagbuntong hininga n'ya.
"Kumusta na Ken? Yung issue nga pala? Pasensya ka na kung di tayo medyo nagkausap kanina. Natutuwa kasi akong pakinggan sila Shai at Jameson. "
"Ako rin naman."
Napahinto s'ya sandali bago nagsalita.
"Mas nagiging busy na ako ngayon sa mga projects na kailangan kong gawin, pero ok na yung sa issue, kaya wag mo ng problemahin yun."
Wow! Naayos na nila agad?
Ang galing naman.
"Ikaw Dianne?"
"Ayos naman. At t'saka free muna kami ni Shai mula sa trabaho ng 2 weeks. Magsasara raw kasi muna ang Shop, hindi naman sinabi ng manager namin kung bakit."
"I see." Maikli n'yang sagot.
Biglang tumahimik sa pagitan namin, kaya nagtanong ako sa kanya.
"Nasaan nga pala ang pamilya mo, Ken?"
Hindi kasi namin yan napag-uusapan kaya wala akong alam tungkol sa kanya.
"They're not here. How about yours?"
'Ba't ba yun pa ang tinanong ko? Bumalik tuloy sa'kin.'
"H-ha?A--Ano. Nagta-trabaho sa ibang bansa."
Hooo.
Sana makalusot.
"Okay."
Yan lang ang sagot na narinig ko mula sa kanya.
"Ayos ka lang ba, Ken? Para kasing bigla kang tumamlay."
"Ok lang ako Dianne. Wala kayong trabaho ng 2 weeks, diba?"
Tanong n'ya sa'kin bigla at tsaka this time ay hindi na s'ya mukhang matamlay.
"Oo, bakit mo natanong?"
"I have a plan."
"Plan? Ano naman yun?"
Oo, ano nga kayang plan ang sinasabi n'ya.
"You'll gonna figure it out soon, but this time it's a secret."
Umandar na naman ang playful side ni Ken. Arggghh!!
"Ano nga yun, Ken?"
Di na talaga ako makapaghintay sa kong ano yung sinasabi n'yang plan. Sana hindi n'ya nalang sinabi e kung hindi n'ya rin naman pala tataposin.
"Malalaman mo rin Dianne. Good Night nalang muna sa ngayon."
Kahit na gusto ko talagang malaman yung plan na sinasabi n'ya ay wala akong magagawa kun'di hintayin kung kailan n'ya sasabihin. Napabuntong hininga nalang ako.
"Okay, fine. Good Night din Ken."
Akmang puputulin ko na sana yung tawag nung may pahabol pa s'yang sinabi.
"Dream of me."
~Dug--Dug--Dug--Dug~
Ano na naman yun?
Bigla bigla nalang nagre-react.
'Weird'
____________________________________
~LAM.=)
BINABASA MO ANG
The Secret Heiress
Teen FictionDahil sa kagustuhan n'yang maranasan ang isang simpleng pamummuhay kaya itinago n'ya ang kanyang tunay na katauhan. Sa panangin ng mga bagong tao na kanyang nakakasalamuha ay isa nalang s'yang normal at ordinaryong babae. Pero paano kaya 'pag nalam...
