*Dianna's POV*
Ilang araw na ang lumipas simula nung tumawag si Ken pero hanggang ngayon ay di pa rin s'ya nagpaparamdam. Tini-text ko nga s'ya pero wala namang reply. Sinubukan ko na ring tawagan s'ya pero palaging operator ang nagsasalita.
'Ano na kaya ang nangyari sa kanya?'
"Ahem--"
'Nagtatampo kaya yun kasi sinabi kong inaantok na ako?'
"Um.Ahemmm----"
'Bakit ba kasi hindi s'ya nagpaparamdam.'
"Ate!!!"
"Ay! Kabayong bakla!"
Nagulat ako nang may biglang sumigaw."Bakit mo naman ginawa yun Shai?"
Gulat na tanong ko sa kanya habang pinupokpok ko pa yung dibdib ko."Kanina ko pa kasi kayo tinatawag kaso parang wala ka po sa sarili n'yo kaya nilakasan ko po ang pagtawag sa inyo."
'Huh? Tinawag n'ya ako? Bakit wala akong narinig. Ganun na ba kalalim ang iniisip ko?'
"Ano nga palang kailangan mo Shai?"
Tanong ko sa kanya."Lalabas po kasi ako ate kaya itatanong ko lang po sana kung may ipapabili ka?"
Akala ko naman kung ano na.
"Wala naman Shai."
"Sure ka ate? Lalabas na po ako."
Tumango ako at tumalikod na nga s'ya at lumabas na ng apartment. Pumunta ako sa kwarto ko at ganun nalang ang excitement ko nang marinig kong tumunog bigla ang cellphone ko.
"Hello?"
Dire-diretsong tanong ko ng di man lang tinitignan ang caller sa pag-aakalang si Ken na ang tumatawag. Pero wala akong narinig na response kaya tiningnan ko na ang screen, nakita kong hindi pangalan ni Ken ang nakalagay kun'di isang unknown number."Hello?"
Wala talagang nagsasalita,tapos bigla nalang naputol.
'Sino kaya yun?'
Hindi naman pwedeng si Mom o si Dad yun. Hindi rin naman si Ken. Sino?
Napa-isip ako bigla pero ilang saglit lang ay si Ken na naman ang pumapasok sa isip ko.
"Aarrrggghhh!!!!!"
Nagpagulong-gulong ako sa kama habang nakatakip ang unan sa mukha ko. Huminto ako at umupo sa kama pero pagtigin ko sa pinto ay s'ya na naman ang nakikita ko."Aaahhhhh!!!!!!"
At gumulong-gulong na naman ulit ako sa kama ko.Para na akong baliw sa ginagawa ko, tapos yung buhok ko ay sobra ng gulo. Ano ba kasing nangyayari sa'kin? Bakit palagi ko nalang s'yang naiisip? E s'ya kaya, naiisip n'ya rin ba ako?Siguro hindi, kasi hindi nga nagpaparamdam e. Bahala s'ya.
"Aarrgghhh!!!!!Nakaka-inis ka!"
Sabay bato ng unan sa kung saan.Tapos dahan dahan kong inangat ang mukha ko. Tiningnan ko ang kinaroroonan ng unan at talagang nasorpresa ako nang~~
~walang Ken o ibang tao na sumalo sa unan na tinapun ko.
Dahil dun ay mas lalo akong nainis kaya itinapon ko pa ang ibang unan na nasa kama.
Bakit ganun? Sa mga nababasa ko naman, sa t'wing nagtatampo na yung bida kasi wala yung partner nila, inihahagis nila yung unan tapos mabibigla nalang sila kasi nandun na yung lalaki at hawak hawak yung unan na ibinato ng babae. Pero bakit sa'kin hindi naman gumana?
'Nasa libro ka ba?'
Bulong ng isang bahagi ng utak ko."Aaaaahhhhhhh!!!!!!!!"
Nasabunutan ko nalang yung buhok ko.'Iba na talaga 'to'
Nasabi ko bigla sa sarili ko.____________________________________
*Shaira's POV*
Pagkatapos kong bilhin yung kailangan ko ay bumalik na rin ako kaagad sa apartment, wala rin naman kasing magandang gawin ngayon at t'saka isa pa ang init-init din naman kaya mas mabuti pang dun nalang ako sa loob ng apartment.
Pagpasok ko ay naabotan kong ang tahi-tahimik ng paligid, kaya naisip ko na baka natutulog si Ate Dianne, pero may bigla nalang akong narinig na sumigaw at nalaman kong mula yun sa kwarto ni Ate kaya nagmadali akong puntahan s'ya. Nagkalat ang mga unan sa paligid tapos ang gulo ng buhok n'ya at nakahawak pa s'ya rito. Nilapitan ko s'ya at ti-nap ko yung balikat n'ya.
"Ano pong nangyari? Ok ka lang ate?"
Yan agad ang tinanong ko sa kanya nung tumingin s'ya sa'kin."Oo. Okay lang ako Shai. Ang bilis mo namang nakabalik?"
Sabi n'ya tapos tumayo s'ya sa kama at pinulot ang mga unan na nagkalat."May binili lang po kasi ako."
Tumayo na rin ako at tinulungan s'ya sa pagpulot nung mga unan."Sure ka po talaga na ok ka lang? Para kasing may iba."
Napapansin ko kasi nung mga nakaraang araw na parang ang layo ng iniisip ni Ate Dianne. Tapos yung kanina nga rin na tinatawag ko s'ya, kung hindi pa ako sumingaw ay di n'ya pa ako mapapansin.
"Sa totoo lang Shai, di ko rin alam."
Huh? Medyo naguluhan ako dun.
"Ano pong ibig n'yong sabihin,ate?"
"May kakilala kasi ako, tapos nitong mga nakaraang araw ay di na s'ya nagpaparamdam sa'kin. Tinext at tinawagan ko s'ya pero wala pa rin, tapos iwan ko kung bakit palagi ko s'yang naiisip."
Sino kaya yun?
"Baka naman po nami-miss n'yo lang yung taong tinutukoy n'yo. Hindi lang po siguro kayo sanay na hindi s'ya nagpaparamdam." Sagot ko.
_________
*Dianna's POV*
'Ako?Namimiss si Ken?'
Argh!!!
____________________________________
A/N
Bukas po ulit ng umaga ang susunod na update ko. Thanks for reading 'The Secret Heiress'.😘😘😘~LAM.=)
![](https://img.wattpad.com/cover/68472582-288-k575833.jpg)
BINABASA MO ANG
The Secret Heiress
Teen FictionDahil sa kagustuhan n'yang maranasan ang isang simpleng pamummuhay kaya itinago n'ya ang kanyang tunay na katauhan. Sa panangin ng mga bagong tao na kanyang nakakasalamuha ay isa nalang s'yang normal at ordinaryong babae. Pero paano kaya 'pag nalam...