*Shaira's POV*
Napasigaw ako nang makitang unti-unting lumulubog si Ate Dianne.Nagmadali akong tumakbo at lumangoy sa kinaroroonan n'ya para sana tulungan s'ya pero pagtingin ko ay hawak hawak na s'ya ni Kuya Ken.
Bigla kaming nagkagulo lahat ng makita naming wala s'yang malay.Binigyan s'ya ni Kuya Ken ng CPR nang makarating sila sa dalampasigan.Nagsisimula na akong maiyak nang makitang nakapikit pa rin si Ate Dianne.Yung iba naman ay natataranta,pero si Kuya Ken ay seryoso lang pero bakas sa mukha n'ya ang labis na pag-aalala.
Patuloy lang si Kuya Ken sa ginagawa n'ya hanggang sa napa-ubo na si Ate Dianne.Para naman akong nabunutan ng tinik nang makita kong dahan-dahang bumubuka ang mga mata n'ya pero maya-maya lang ay pumikit rin ulit ito.Biglang bumalik ang kaba ko pero sabi ni Mang Islao ay nakatulog lang daw si Ate Dianne,mainam na dalhin na raw s'ya sa bahay para makapagpahinga.Dun na ako nakahinga ng maayos.
Nagrepresenta agad si Kuya Joseph at Jameson na sila nalang daw ang magbubuhat kay Ate Dianne pero tumanggi si Kuya Ken.S'ya nalang daw.Wala naman silang nagawa.
Dahil sa nangyari ay napagpasyahan naming lahat na umuwi nalang.Bago tuluyang umalis sa dalampasigan ay nakita naming naghubad ng damit si Kuya Ken.Kung ordinaryong araw palang sana ito ay baka nagpapicture na ako na wala s'yang suot na pang-itaas at paniguradong maiinggit ang mga babae sa'kin,sa ganda ba naman ng katawan n'ya,kitang kita pa yung 6 pack abs n'ya na talagang paglalawayan ng mga kababaehan.Pero hindi e,hindi ito ordinaryong araw.
Sinuot ni Kuya Ken kay Ate Dianne ang damit n'ya.Ingat na ingat s'ya na para bang isang babasagin si Ate Dianne na isang maling galaw lang ay mababasag s'ya.Hanggang ngayon ay nandun pa rin yung pag-aalala sa mga mata n'ya.May napatunayan ako sa pangyayaring 'to,at napangiti nalang ako.
Buhat buhat na ngayon ni Kuya si Ate Dianne.Nang marating namin ang bahay ay dumiretso kaagad kami sa kwarto ni Ate.Lumabas naman muna kami nung binihisan s'ya ni Nana Marta.
Pumunta ako ng kusina para kumuha ng tubig na gagamitin para pampahid sa kanya.
Nang gumabi na ay umuwi na rin sila sa kabilang bahay.Ang sabi ni Nana Marta ay hintayin nalang daw naming magising si Ate Dianne.
Kahit na pagod na pagod ako ay gusto ko sanang samahan sila Kuya Ken na bantayan si Ate,pero parang gusto na rin magpahinga ng katawan ko,kaya sabi ni Kuya Ken na magpahinga nalang daw kami at s'ya na ang magbabantay.Nagdalawang isip pa kami ni Jameson nung una kasi alam din naman naming pagod din si Kuya Ken pero pumayag na rin kami sa huli.
"Sige Kuya.Good Night."
Tapos lumabas na kami at isinara ang pinto.
____________________________________
*Dianna's POV*
Naramdaman kong may nakahawak sa kamay ko kaya dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko.
'Buhay pa ba ako o panaginip lang 'to?'
Yan ang pumasok sa isip ko nang makita ko ang isang lalaki na nakatulog habang naka-upo pa sa upuan na katabi lang na kama ko.Ang gwapo n'yang tignan lalo na't nasisinagan s'ya ng liwang ng buwan.
'Anong oras na ba?'
Hinawakan ko ang kamay n'ya gamit ang kabila kong kamay.Naramdaman n'ya yata ang paghawak ko sa kanya kaya nagising s'ya.
Mukhang pagod na pagod si Ken."Hi."
Bati ko sa kanya na may kasama pang ngiti."Hi.Kumusta ka na?May kailangan ka ba?May masakit na sayo?Gusto mo bang kumain?"
Sunod sunod na tanong n'ya sa akin kaya natawa tuloy ako.Ang cute tignan ni Ken habang natataranta na di ko maipaliwag.
"What?"
Sabay tingin sa mga mata ko ng diretso.Napatigil naman ako sa pagtawa at sumagot sa kanya.
"Wala.Natutuwa lang ako kasi nand'yan ka.Anyway,sino nga pala ang nagligtas sa'kin?"
Curious kong tanong.Ngayon palang ay nagpapasalamat na ako sa kung sino man ang nagligtas sa akin,kasi kung wala s'ya ay baka tigok na ako ngayon.
Nag-iwas lang ng tingin si Ken.
May ideya na ako kung sino.
"Thank you."
Napatingin ulit s'ya sa'kin nang sinabi ko yun."Thank you sa pagbabantay mo sa'kin.Thank you sa pagliligtas.At tsaka,thank you sa concern."
Napabuntong hininga s'ya sa sinabi ko.
"Kahit sino naman siguro ay yun ang gagawin kapag nakakita ka nilang nasa ganung kalagayan."
Pangangatwiran ni Ken."Pero kahit na,, si " Kent David Wright" pa rin ang nagligtas sa'kin."Proud na sabi ko.
"Nag-alala ako ng sobra sayo.Alam mo ba yun?"
Nawala ang mga ngiti sa labi ko nung marinig ko ang sinabi n'ya.
"Mag-iingat ka palagi Dianne.Hindi kasi sa lahat ng panahon ay may tutulong sayo."
Seryosong yung mukha n'ya habang nagsasalita.Pero ano yang emosyon na nakikita ko sa mga mata n'ya?Pag-aalala?"Paano kung mag-isa ka lang dun kanina?Paano kung wala kami?"
Malumanay ngunit malutong ang tanong na yun ni Ken.'Paano nga ba?'
Tapos,biglang nagflashback sa utak ko yung mga nangyari kanina at napaiyak nalang ako.
Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Ken.Feeling ko safe na safe ako lalo na kung ganito ako kalapit sa kanya.Gusto ko tuloy huminto muna ang oras kahit saglit lang.
'Ganito nalang muna kami,please.'
____________________________________
~LAM.=)
BINABASA MO ANG
The Secret Heiress
Teen FictionDahil sa kagustuhan n'yang maranasan ang isang simpleng pamummuhay kaya itinago n'ya ang kanyang tunay na katauhan. Sa panangin ng mga bagong tao na kanyang nakakasalamuha ay isa nalang s'yang normal at ordinaryong babae. Pero paano kaya 'pag nalam...