Umagang-umaga pa lang ay ready na ako. Excited kasi ako para sa unang araw ko sa trabaho.
Pag-uwi ko nga kahapon ay para akong sira na nagtatatalon sa saya. Nasabihan ko nga si Ken na natanggap ako e at sinabi n'ya namang natutuwa s'ya para sa'kin.
Nakareceive rin ako ng email mula kay Mom kahapon, nangangamusta s'ya at tinatanong ulit ako kung hindi pa rin ba daw ako magpapasundo? Sinabi ko naman na hindi pa at wag s'yang masyadong mag-alala sa'kin pero gaya nga ng sabi ko hindi ko na muna pina-alam sa kanya ang tungkol dun sa trabaho ko.
Papunta na ako ngayon sa coffee shop. Pagkarating na pagkarating ko palang ay sinalubong ulit ako ni Shai.
"Good Morning ate. Ang aga mo po ah."-Sabi n'ya na may hawak pa na walis.
"Good Morning din Shai. Sobra kasi akong na excite e. Anyway, bakit ikaw lang mag-isa ang nandito?" Nagtatakang tanong ko.
"Si Manager kasi ay may importanteng lakad ngayon tapos yung isa pa nating kasama ay nagkasakit daw kaya tayo munang dalawa ang bahala dito." Pag-eexplain n'ya habang bumalik na sa pagwawalis.
"Ah. Ganun ba? Sige tulungan nalang muna kita." Sabi ko sabay kuha nung mop. Tinali ko na muna yung buhok ko bago nagsimula. Habang seryoso na ako sa pagma-mop ay bigla nalang nagsalita si Shai.
"Ate, may tanong ako."-Shai
" Hmm?" Sagot ko habang nakatuon pa rin ang atensyon sa ginagawa.
"Bakit po ganyan kayo mag-mop, padampi dampi lang sa sahig?"-Shai
Napatigil naman agad ako at napatingin sa kanya.
"Ah. haha. Ano kase-- ganito kami sa amin padampi dampi lang. Hahahaha." Pagpapalusot ko.
Napatitig muna s'ya sa akin bago nagsalita.
"Ganun po ba?"Sabay tango-tango
" Naku, nakalimutan ko palang ibigay yung uniform mo ate. Wait lang po kukunin ko." At bigla nalang s'yang nawala.
Napabuntong hininga naman agad ako.
'Muntik na ako ganina ah, mabuti nalang talaga at mabilis akong nakapag-isip ng dahilan. Hindi naman kasi talaga ako ang gumagawa nito sa bahay pero nanunuod ako at tsaka iba rin yung gamit nila dun."
At isang malalim na buntong hininga na naman ang pinakawalan ko.
"Ate, ito na oh. Charan." Sabay abot n'ya sa akin nung uniform ko.
"Thank you,Shai."
Inabot ko naman ito mula sa kanya.
Nang tapos na kaming maglinis ay nagbihis na agad ako at sinuot ang uniform ko, ang cute lang. Lumabas na agad ako at ipinakita kay Shai ang itsura ko.
"Wow! Ang ganda mo ate Dianne." Sabi n'ya na may amusement pa sa mga mata.
"Thanks, Shai.Ikaw din naman."
Hindi ako nagsisinungaling. Maganda rin talaga si Shaina kaso baka hindi n'ya palang talaga ito nakikita. Simple lang s'ya pero maganda hindi lang ang mukha pati ugali pa.
"Ehhh-- binobola mo naman ako ate e." Sabi n'ya na may kasamang pa iling-iling pa.
'Ang cute.'
"Totoo yun. Halika na Shai, may customer na yata oh." Sabi ko sa kanya.
May nakita kasi akong couples na papasok dito sa coffee shop. Napatingin naman s'ya dun sa pinto at sakto ngang pumasok yung dalawa.
" Oo nga.Tayo na ate."-Shai
Lumapit naman kami agad at binati sila.
"What's your order Ma'am?"
BINABASA MO ANG
The Secret Heiress
Roman pour AdolescentsDahil sa kagustuhan n'yang maranasan ang isang simpleng pamummuhay kaya itinago n'ya ang kanyang tunay na katauhan. Sa panangin ng mga bagong tao na kanyang nakakasalamuha ay isa nalang s'yang normal at ordinaryong babae. Pero paano kaya 'pag nalam...
