*Dianna's POV*
Napangiti ako ng tipid kay Harry.Si Ken naman ay nakahawak pa rin sa bewang ko.
"Who are you?"
Di na nakatiis na tanong ni Harry."His boyfriend.Any problem with that?"
Napanganga kaming dalawa ni Harry sa sinabi ni Ken.
Ako?Girlfriend n'ya?Kailan pa?
Para kaming natigilan,walang ni isa sa amin ang nagsalita.
"Are you kidding me?"
Naguguluhan pa rin na tanong ni Harry.'Oo nga.Are you kidding us?'
Gusto ko sanang e dugtong kaso hindi ko nalang itinuloy baka gumulo lang lalo.
"Nah.Why should I?"
Seryosong sabi n'ya.Napatingin naman si Harry sa akin na tila ba naninigurado kung totoo ba yung narinig n'ya.
Gusto kong sabihing hindi pero parang may pumipigil sa akin,naramdaman ko din ang paghigpit ng hawak ni Ken sa bewang ko.Kaya sa halip na sagotin si Harry ng 'hindi' ay ngumiti nalang ako ng bahagya.Kasunod nun ay ang malutong n'yang pagmumura."Sh*t"
Sa ngiti kong yun ay para na rin kasing sinasabi kong 'oo kami' kahit hindi naman talaga.
Nakita ko ang pagngiti ni Ken habang si Harry naman ay di mapakali at bulong ng bulong.'Naniwala talaga siguro si Harry.'
Di ko rin kasi masabing 'hindi'.
Ewan ko ba sa sarili ko.Ayoko kasing mapahiya si Ken eh o talagang gusto ko rin ang tawaging girlfriend n'ya.Pero ang tanong na naglalaro ngayon sa isip ko ay,'Boyfriend ko na ba talaga si Ken ng ganun ganun nalang?O isa lang 'tong laro na kailangan kong sakyan?'
Bahagya naman akong nasaktan sa naisip ko.
Hindi ako ang tipo ng babae na mabilis lang makuha,pero bakit nung sinabi ni Ken na kami na ay bakit parang gusto kong maniwala na totoo talaga?
Hindi ko nasasabi pero sa totoo lang ay wala pa akong nagiging boyfriend.Nakikipag-usap lang ako sa mga anak ng mga businessman sa t'wing dinadala ako nila Mom at Dad sa mga special gatherings.Nag-uusap,nagtatawan,nakikipagkaibigan,yun lang.
"See you,Dianna."
Nabalik ako sa aking ulirat ng narinig ko ang sinabi ni Harry.
Mas kalmado na ang itsura n'ya ngayon.Ngumiti ulit ako ng isang tipid na ngiti bago nagpa-alam sa kanya.Nung umalis na si Harry ay binitawan na ni Ken ang bewang ko at dire-diretsong naglakad sa kotse n'ya.
'Anong nangyari dun?'
Sinundan ko nalang s'ya at pumasok sa kotse.Napansin ko na habang nagda-drive ay di mapakali si Ken.
"May problema ba?"
Tanong ko sa kanya."Nah."
Yan lang ang isinagot n'ya.
Hindi ko nalang s'ya kinulit kasi baka wala nga naman talagang problema.Tumahimik na naman ulit sa pagitan namin pero bigla akong nagsalita nang napansin kong hindi ito ang daan papuntang apartment ko.
"Saan tayo pupunta Ken?"
Hindi sa nagpapanic ako,talagang nacu-curious lang."You'll know when we get there."
Maya-maya pa'y inihinto n'ya na rin ang sasakyan.Pinagbuksan n'ya ako ng pinto at pagkababa na pagkababa ko ay namangha ako sa mga lights na nasa paligid.
Sabay kami ni Ken na naglagad papasok.Sa tingin ko ay para kaming naglalakad sa isang flower garden na punong puno ng iba't-ibang maliliit na ilaw.Maya-maya ay bumaba kami sa isang hagdan at dun ko nakita ang kabuohang ganda ng paligid.
Nasa isang restaurant pala kami na nasa may dagat,ang lamig ng paligid at ang romantic tignan.Isama pa ang sweet music na pinapatugtog."Do you like it?"
Di ako halos makapagsalita ng tanongin n'ya ako.Napalibot muli ang paningin ko sa kabuohan ng lugar tsaka ako nagsalita.
"I love it."
Sabi ko na bakas pa rin ang pgkamangha.Natuwa naman s'ya dahil nagustuhan ko raw.Pina-upo n'ya ako at dun na kami nagsimulang kumain.Narinig ko rin ang pagtugtog ng bagong kanta.
~It's her hair and her eyes today
That just simply take me away~Ang ganda naman ng kanta lalo pa na may nagp-play na violin.
~And the feeling that I'm falling further in love
Makes me shiver but in a good way
All the times I have sat and stared
As she thoughtfully thumbs through her hair~Nakita ko ang pagtigil ni Ken sa pagkain at tumingin sa akin.Napatigil din naman ako at tumingin rin sa kanya.
~And she purses her lips,bats her eyes as she plays,
With me sitting there slack-jawed and nothing to say~"Sorrry for what I acted earlier."
Panimula n'ya.
Ako naman ay nakikinig lang sa mga sasabihin n'ya."But I'm serious on what I'd said."
~'Coz I love her with all that I am
And my voice shakes along with my hands~Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
'Di ba panaginip 'to?
Tumayo s'ya at hinawakan ang kamay ko.Tapos dahan dahan n'yang iniluhod ang isang tuhod n'ya.Napatakip naman ako sa bibig ko gamit ang isang kamay ko.
~'Coz she's all that I see and she's all that I need
And I'm out of my leangue once again~"I alredy told that guy that I'm your boyfriend--"
Nakita ko na napa smirk s'ya pero napalitan din naman agad ito ng genuine smile."Dianne,will you be my girlfriend?"
Biglang may pumatak na luha mula sa mga mata ko at unti-unti akong tumango.
"Y-yes."
Sagot ko.~And I'm out of my league once again----~
Naramdaman ko nalang ang pagyakap ni Ken sa'kin at napayakap din ako sa kanya kasabay ng pagngiti ko.
"Thank you--thank you."
Paulit-ulit na bulong n'ya sa may tenga ko."Thank you din sayo,Ken.Ang saya saya ko at dumating ka sa buhay ko."
Kung hindi ako pumunta dito sa Pilipinas,mararanasan ko kaya ang sayang nararamdaman ko ngayon?Makikilala ko kaya si Ken?Mabuti nalang talaga at napadpad ako sa magandang lugar na 'to.
Ngayon ay masasabi kong may label na kami.Today,June 10-- we are officially a couple.<3
____________________________________
A/N:
Yehey!!!Sa wakas sila na rin.Ano kaya ang pwedeng itawag sa love team nila?
~Salamat sa lahat na patuloy pa rin sa pagbabasa at patuloy na naghihintay sa pag-u-update ko.=)
Love lots to all of you.
At abangan ang susunod pang mangyayari sa buhay nila Ken at Dianna.=)Song-Out of my leangue
Love,
~belle
~LAM.=)
![](https://img.wattpad.com/cover/68472582-288-k575833.jpg)
BINABASA MO ANG
The Secret Heiress
Teen FictionDahil sa kagustuhan n'yang maranasan ang isang simpleng pamummuhay kaya itinago n'ya ang kanyang tunay na katauhan. Sa panangin ng mga bagong tao na kanyang nakakasalamuha ay isa nalang s'yang normal at ordinaryong babae. Pero paano kaya 'pag nalam...