Chapter 3:Normal Life

2.4K 75 11
                                    

*Dianna's POV*

Nakausap ko na si Mom at hopefully naman pumayag s'ya. Well, hindi nga lang kaagad but at least in the end pumayag pa rin s'ya.

Ang sabi nga n'ya ay normal lang naman daw na nasa hotel ang isang tao kaya bakit daw ayaw ko? Ang sabi ko naman ay gusto ko na yung normal lang talaga, kasi ang social ng hotel na pinagdalhan nila sa akin kaya feeling ko talaga hanggang dito ay pinagsisilbihan pa rin ako at para pa rin akong prinsesa.

Kaya nga heto ako ngayon at naghahanap ng matitirahan. More on apartment ang hinahanap ko.

Di nagtagal ay nakahanap na ako ng right place na matitirahan. Maganda yung lugar at malinis. Medyo malaki nga yung space para sa akin pero kinuha ko na rin kasi maganda talaga. Sinabi ko nga dun sa landlady ba ang tawag dun? Basta yung tagapamalakad, sinabi ko na lilipat na agad ako pero dahil wala pang gamit yung apartment kaya naisipan kong bumili nalang muna.

Kaya nandito ako ngayon sa mall.

Tama.
Nandito ako ngayon sa mall at tumitungin ng mga gamit na pwede kung gamitin. Dala ko naman ang card ko kaya walang problema. Anyway, balak ko nga sanang wag nalang dalhin to pero ang sabi ni Mom ay napakalaking tulong daw nito sa akin kaya wag ko daw itong iwan. Kaya dinala ko nalang talaga.

~~
Marami-rami na rin akong nabili at medyo nagutom ako kaya naisipan kong maghanap muna ng makakainan.

Habang naglalakad ako ay napansin ko ang mga posters na kanina ko pa nadadaanan. Napatingin ako sa isang screen at nakitang yung lalaki sa posters at yung lalaking pinapalabas sa screen ay iisa.

Medyo nacurious ako sa nakita ko kaya hindi muna ako umalis.

Ini-interview pala s'ya.

"So, Kent. How's life in Showbiz especially ngayon na sobrang sikat mo na?" Tanong nung host sa kanya.

Ngumiti muna s'ya bago sumagot at narinig ko agad ang hiyawan ng mga tao mula dun sa studio nila.

''It's good and I'm still doing fine. But then, there were times that I couldn't just do whatever I wanna do because of the people around. But I guess, this is just how showbiz works. My fellow showbiz personalities are in the same shoes too."

Sagot naman nung lalaki na ini-interview.

"That's the consequence of being famous, right?" Tanong nung host tapos biglang silang tumawa.

"Yeah, right." -Kent

"So, Kent. With all those achievements after all these years, meron bang babae na nagpapatibok ngayon ng puso mo?" -Host

At hiyawan na naman ang narinig ko. Napangiti lang ulit yung tinatawag n'yang Kent bago nagsalita.

"I haven't found her yet."

At pagkatapos nun ay di ko na alam ang sumunod na sinabi n'ya dahil may mga babaeng humarang dun sa screen at nagtiti-tili habang kinikilig pa. Anong problema nila ?

Umalis nalang ako at ipinagpatuloy na ang paghahanap ng makakainan. Nalimutan ko tuloy saglit na gutom na pala ako.

Haha. Weird.

'Sino kaya yun?Basta ang alam ko lang ay Kent ang pangalan n'ya at sikat s'ya.'

Naku! Bakit ba ako nacu-curious sa lalaking yun e di ko naman yun kilala. Siguro dahil lang 'to sa gutom ko.

"Ayun!" Nasabi ko nalang bigla ng may makita akong isang fast food chain. Dali-dali akong pumunta dun at nag-order. Nang tapos na akong kumain ay naisipan ko namang pumunta sa grocery section para may stock naman ako dun sa apartment kahit papaano. Bumili ako ng cereal, prutas ,junk foods, cup noodles, drinks at marami pang iba.

Nang matapos na ako sa pagkuha ng mga kakailanganin ko ay nakita ko naman na ang haba ng pila, kaya wala akong nagawa kundi makipila na rin kahit ang haba-haba.

'So, isa 'to sa ginagawa ng mga normal na tao. Pumipila kahit sobrang haba.'

Sa amin kasi kahit hindi ako ang namimili alam kong hindi na sila dumadaan sa ganito. My parents own a lot of malls and supermarkets kaya alam ko.

Sa hinaba-haba ng pila sa wakas ay ako na rin.Napatingin ako sa relo ko at nakitang 7:03 na pala ng gabi. Nang matapos na ay lumabas na ako ng mall at naghanap ng masasakyan. Dahil sa marami-rami rin akong pinamili kaya naisipan kong mag-taxi nalang.

'Note: Ang normal na tao ay nagta-taxi.'

Sa States, kung may pupuntahan man ako ay pinapahatid sundo ako ng parents ko kahit marunong naman akong mag drive. Minsan nga kahit na gusto kong maranasan ang sumakay ng cab ay di ko magawa kasi for my security daw sabi nila. Ngayon sa wakas ay naranasan ko na rin.

Dahil sa gabi na at hindi ko pa naaayos yung apartment ko kaya napagdesisyonan kong sa hotel na muna hanggang ngayong gabi at bukas nalang lumipat.

Unti-unti nararanasan ko na rin ang buhay ng isang normal na tao. Alam kung nagsisimula pa lang ako at marami pa akong kakaharaping mga pagsubok pero naniniwala akong makakaya ko rin itong lampasan.

___________________________________
A/N:
Thank you po sa mga nagbabasa ng story na 'to.=)
Feel free to comment po para na rin malaman ko ang mga opinyon n'yo.Thank you.=)

~LAM

The Secret HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon