*Dianna's POV*
"Finally!"
Sabi ko sabay upo sa sofa.
Nakakapagod din pala. Paano ba naman kasi, ako lang mag-isa ang nag-ayos at naglinis ng buong apartment ko. Another thing na naman na ginagawa ng mga normal na tao.
Dahil sa pagod di ko tuloy namalayan na nakaidlip na pala ako. Nagising nalang ako nang marinig kong tumunog ang cellphone ko.
Dali-dali ko naman itong kinuha mula sa bag ko.
~Mom calling~
Nang makita ko kong sino ang caller ay sinagot ko agad ang tawag.
"Hello,Mom?"
Pero wala akong narinig na response mula sa kabilang linya.
"Hello?"
At narinig kong may humihikbi sa kabilang linya.
"Hey,Mom? What happened?"nag-aalalang tanong ko.
" A--anak" At narinig ko na nga na umiiyak si Mom.
"Mom, are you alright?" Bakas pa rin sa tono ng boses ko ang pag-aalala.
"Y--yes, anak.M-mom's ok." Sabi ni Mom bago nagbuntong hininga.
"So? H-how are you d'yan anak? Nahihirapan ka na ba? Ipapasundo na ba kita o kami nalang ng Dad mo ang pupunta d'yan?" Sunod sunod na tanong ni Mom.
Napangiti naman ako sa narinig ko.
"Thanks for the concern but I'm okay, Mom. You don't have to worry too much. Sige ka, baka magka-wrinkles ka n'yan at ipagpalit ka ni Dad sa iba?" Pagbibiro ko.
"Subukan n'ya lang at talagang makakatikim s'ya!"
Natawa nalang kami ni Mom sa sinabi n'ya.
"Anyway, are you sure na ok ka lang d'yan, anak? Kasi kung nahihirapan ka na alam mo namang pwede kang umuwi agad dito sa atin. At tsaka nami-miss ko na rin ang Unica Hija ko."-Mom
"Alam ko po yun. At tsaka miss ko na rin po kayo ni Dad pero sa totoo lang po, masaya ako ngayon kasi unti-unti ko ng natutupad yung mga bagay na gusto kong gawin."
"Mabuti naman kung ganun. O sige na at baka marami ka pang gagawin. Maya-maya lang din ay meron din kaming lalakarin ng Dad mo. Take care always, anak. We love you, okay?" -Mom
" Thanks, Mom. I love you too. You and Dad." Medyo naluluha na tuloy ako.
"Okay, bye anak." -Mom
At naputol na nga ang tawag.
Yan ang isa sa mga katangiang gusto ko sa Mom ko. She may look serious when she's in the business world but she's so sweet and thoughtful when it comes to her family. Na miss ko tuloy sila.
Aalis na nga muna ako para madistract ako.
Ang sabi kasi sa akin ng kaibigan ko back when I was in States.
'If you feel guilty,lonely or something,just look for distractions.'
At yun ang gagawin ko.
Tumayo na ako at nagbihis. Suklay suklay tapos konting powder. Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng apartment, sinigurado ko munang naka-lock na ito bago ako tuluyang umalis.
'Saan naman kaya ako pupunta nito?'Tanong ko sa sarili ko.
"Ah! Alam ko na."
Agad-agad akong nagtawag ng taxi at sumakay dito. Napaisip pa ako bago ko kinausap si Kuya driver.
"Can you bring me to the place where there's a lot of rides or games po?" Excited pero medyo nahihiyang tanong ko sa driver.
"Yes,Ma'am.B-but wir do u want, in malls or awtsayd da malls?"-Nakangiting sabi ni Kuya Driver.
"Saan po ba ang mas malapit?"
"Ay! Marunog naman po pala kayong magtagalog Mam. Pasensya po hindi ako na-inform nagamit ko po tuloy ang aking pinakatago-tagong Ingles."
Napatawa naman ako lalo na nung nagkamot pa si kuya ng kanyang batok na parang nahihiya.
"Sorry po. Anyway, sa mall nalang po."Sabi ko habang nakangiti sa kanya.
Naisip ko na sa mall nalang magpunta para pag may naisipan akong bilhin diretso na.
"Oks po, Mam."-Kuya Driver.
Di nagtagal ay nakarating na kami sa mall. Binayaran ko na muna si Kuya pagkatapos ay bumaba na.
Dali-dali akong pumasok sa mall at hinanap ang lugar na gusto kong puntahan. Dahil sa pagmamadali at dahil sa lilinga-linga ako kaya di ko napansin ang mga taong nasasalubong ko.Hanggang sa -- nauntog ako sa kung ano.
O sino?
" Aw..." Sabi ko sabay hawak sa noo.
"Tumingala naman ako para makita kung sino ang nabangga ko at nabigla ako nang makita ko ang lalaking nasa aking harapan.
Hindi ko nakikita ang buong mukha n'ya dahil naka-shades s'ya at natatabunan ng itim na scarf na nasa kanyang leeg ang sa bandang bibig n'ya. Pero kahit ganun ay di maipagkakailang gwapo ang lalaking 'to. At tsaka malakas din ang dating n'ya. Napapalingon pa nga yung mga babaeng napapadaan dito.
" Sorry." Bigla ko nalang nabulalas.
Feeling ko kasi kasalanan ko talaga yung nangyari kaya ako na ang humingi ng tawad.
"No problem." Sagot naman n'ya.
Di ko inaasahan na yun ang sasabihin n'ya. Karamihan kasi sa mga ganitong mga eksena ay napapagalitan yung taong nakabangga. May times pa nga na nasasabihan sila ng mga masasakit na bagay pero dito sa nabangga ko 'no problem' lang ang sinabi.
" You sure?" Tanong ko. Medyo naguluhan yata s'ya sa sinabi ko kaya bumawi nalang ako.
Napatawa ako ng alanganin.
"What I mean is that I will treat you an ice cream." Sabi ko with matching ngiti pa yan para hindi medyo nakakahiya.
"Oh,no. You don't ha--"
Hindi na n'ya natapos ang sasabihin n'ya dahil pinutol ko na s'ya.
"Bawal ang tumanggi sa grasya."
At pagkasabi ko nun ay tuluyan ko na s'yang hinila.
___________________________________
A/N
Hi,po.Nandito na naman ako para magpasalamat sa walang sawang pagsuporta n'yo sa story na 'to.=)
Thank you po sa pagbabasa,sa pagcomment at sa pagboto n'yo.Thank you po sa inyong lahat.=)
~LAM.=)
BINABASA MO ANG
The Secret Heiress
Novela JuvenilDahil sa kagustuhan n'yang maranasan ang isang simpleng pamummuhay kaya itinago n'ya ang kanyang tunay na katauhan. Sa panangin ng mga bagong tao na kanyang nakakasalamuha ay isa nalang s'yang normal at ordinaryong babae. Pero paano kaya 'pag nalam...
