Chapter 18:Plan

1.4K 44 1
                                    

*Kent's POV*

"Sir Kent, ok na po ang lahat."

"Thanks, Lily."

Finally. Tinapos ko na muna ang lahat ng kailangan kong gawin para magawa ko yung plano na binabalak ko. Wala akong oras na sinayang kasi dalawang linggo lang ang sinabi ni Dianne na wala silang trabaho.

"Seems so busy, Kuya?"

Napatingin ako at nakita ko si Jameson.

"Yeah. Why are you here?"

Ngayon ko nalang ulit s'ya nakita simula nung pumunta kami kina Dianne. Naging sobrang busy talaga ako.

"Wala. Tatambay lang."
Sabay upo n'ya sa single sofa.

Napa-smirk ako sa sagot n'ya.

"Wala kasi akong ginagawa at t'saka pinagbabakasyon muna ako ng Manager ko kasi sobra na raw akong---gwapo."

The guts of this guy.

Tumalikod ako sa kanya at akmang aalis at babaliwalain nalang sana ang sinabi n'ya nang bigla s'yang tumayo at magreact.

"O-o-oy. Saan ka pupunta, totoo naman Kuya Ken ah."

Pero sa halip na sagotin s'ya ay itinaas ko nalang ang kaliwang kamay ko habang yung isa naman ay nasa loob ng bulsa ko at nagpatuloy na sa pag-alis.

Sisiguradohin ko na muna na ok na ang lahat bago ko sabihin sa kanila.

____________

*Jameson's POV*

Sinubukan kong habolin si Kuya Ken pero di ko na naabotan.

'Ano bang mali sa sinabi ko? Totoo naman talaga.'

Tsk.

Bumalik nalang ako sa loob kasi wala naman akong pinagkakaabalan at t'saka totoo talaga yung sinabi ko na pinagbabakasyon muna ako ng Manager ko para naman daw mare-fresh ako.

Uupo na sana ako ulit pero may napansin ako sa kina-uupuan kanina ni Kuya Ken. Nilapitan ko naman 'to at nakitang yung cellphone n'ya pala. Kinuha ko naman yun para ilagay sana sa mesa para di maupuan pero bigla nalang itong umilaw at muntikan ko ng mahulog ang cellphone ng dahil sa nakita ko.

'Got 'ya'

______________

*Kent's POV*

"Sh*t!"
Nakabig ko agad ang manibela pabalik nang hindi ko makapa ang cellphone sa bulsa ko.

Binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng sasakyan para makabalik ako agad. Tumakbo pa ako pagkapark na pagkapark ko ng sasakyan. Pagbukas ko ng pinto ay mapaglarong ngiti agad ni Jameson ang nakita ko.

'Sh*t'

"Give me my phone."
Seryosong sabi ko sa kanya.

"Ikaw naman Kuya. Hindi mo naman sinabi kaagad."
Lumapit pa s'ya sa'kin at tinapik tapik ang balikat ko.

"Give me my phone."
Mas seryosong sabi ko.

"C-chill lang bro. Hindi ka naman mabiro e."
Tinaas n'ya pa yung dalawang kamay n'ya na nangangahulugang suko na s'ya.

"Here."
Sabay bigay n'ya ng phone.

"Nagtext nga pala si Ate Dianne d'yan."

I give him a serious look.

"Totoo talaga. Nagtext s'ya kanina kahit e check mo pa." Tinignan ko ang phone ko at meron ngang messaage mula kay Dianne.

"See?"

Napabuntong hininga nalang ako at umupo sa katapat na sofa na inuupuan ni Jameson kanina.

"Hindi ka na aalis Kuya?" Hindi ko sinagot ang tanong n'ya at sa halip ay ako naman ang nagtanong sa kanya.

"Are you free tomorrow?"

"Teka lang, titignan ko muna ang schedules ng mga dates k--"

Tiningnan ko s'ya kaya hindi n'ya natuloy ang sasabihin n'ya.

"Sabi ko nga, free na free ako bukas." Napakamot pa s'ya ng batok habang sinasabi yan.

"Pack your things."
Yun lang at umalis na ulit ako.

I am planning to have a short vacation at my private island with Jameson,Shaira and of course, Dianne. So, I'll go to her and tell her about this whole idea. Hope that she'll agree.

Sana lang mabuti ang kahihinatnan ng plano kong 'to.
At sa susunod ko nalang po-problemahin ang kung ano man ang nakita ni Jameson.

___________________________________

~LAM.=)

The Secret HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon