Chapter 12:Phone Call

1.7K 58 0
                                        

*Dianna's POV*

"Hey."

Nawala agad ang antok ko nang marinig ko ang boses n'ya.

"Naistorbo ba kita?"

"H-hindi naman. Bakit nga pala napatawag ka Ken, gabi na ah. Bakit hindi ka pa natutulog?"

11:35 na kasi ng gabi kaya nagtataka ako kung ba't gising pa s'ya.

"I can't sleep. So I decided na tawagan ka."

Marami siguro s'yang iniisip kaya di s'ya makatulog. Siguro iniisip n'ya yung tungkol dun sa issue n'ya with that girl.Matanong nga.

"Ken,may tanong ako."

"Sure.Ano yun?"

"May gir--"
Hindi ko natuloy ang tanong na yun. May girlfriend ka na ba, sana ang tanong ko pero para naman akong manliligaw sa kanya sa tono ng tanong ko kaya babagohin ko nalang.

"I mean, wag ka sanang magalit ah. Nakita ko kasi yung tungkol sayo at dun sa babae sa tv. Totoo ba yun?"
Medyo nag-aalangan pa akong tanongin yun baka kasi magalit s'ya pero hindi ko naman malalaman kung hindi ko susubukan at para na rin malamam ko kung ano ba talaga ang totoo. At isa pa hindi naman sa nagseselos ako o ano, curious lang talaga.

"Bakit mo na tanong?"
Biglang nagbago yung tono ng boses n'ya pero hindi yung tonong nagagalit para ngang sumigla pa yung boses n'ya nung tanongin n'ya ako.

"W-wala. Sadyang gusto ko lang malaman kung totoo yung sinasabi dun sa tv."

Totoo naman. Hindi sa defensive ako. Sabi ko nga kanina, curious lang talaga.

"Ano bang sabi sa tv?" Parang nanunukso pa s'ya sa tono ng boses n'ya.

"A-ano--yung babae--Ah, basta yun na yun. Magkasama kayo nung babae kaso nga lang hindi nakita sa picture yung mukha n'ya. Totoo nga?"

"Anong totoo?"

'Ahh! Ken naman.'

Nagsisimula na akong mainis. Sino bang hindi, obvious kasi na nanunukso s'ya.

"Ewan ko sayo."
Hindi ko nga napigilan yung bibig ko, e sa nagsisimula na nga talaga akong mainis.

"Binibiro lang naman kita, Dianne."

Binibiro raw. Hindi nga ako nagsalita.

"Hey, Dianne? Binibiro lang naman kita. Dianne?"

Hindi pa rin ako nagsasalita.

"Okay--okay. Sorry na. Oo may kasama nga akong babae nung araw na yun at ako nga yung nasa picture, sinundo ko kasi s'ya nung araw na yun at sabay kaming kumain."

Tignan mo 'to. Tinanong ko ba sa kanya kung ano ang ginawa nila?
So what, kung nagdate sila.

"Di ko alam na may mga paparazzi pala na nakakita sa amin nung araw na yun, mabuti nalang at hindi talaga s'ya nakuhanan ng harapan, kasi ayokong madamay s'ya. Pero paniguradong mainit na s'ya sa mata ng media kaya nag-iisip din ako ng paraan para mapatay na talaga ang issue na 'to."

Siguro importante yung babae na yun sa kanya.

"Dianne, are you still there?"

"Oo."
Sumagot na ako kasi nakakakonsenya naman na may problema na nga yung tao dinadagdagan ko pa.

"Mabuti naman. Akala ko kasi nakatulog ka na."

"Hindi pa naman. Ayaw mo pala na madamay yung babae?"
Tanong ko nalang kasi wala na akong maisip.

"Yeah. Sabi mo nakita mo ang picture diba?"

"Oo. Bakit?"

"Hindi ba pamilyar sayo yung kasama ko?"

Huh? Pamilyar? Hindi ko naman kasi tinitigan yung picture nung babae kaya di ko alam at isa pa, kailangan ko pa ba talagang kilalanin kung sino man yung babae n'ya.

"Hindi."

"Sigurado ka talagang 'hindi'?"

"Naku, ikaw Kent ha. Konting konti nalang talaga. Sa hindi ko nga kilala kong sino yun."
Bumalik tuloy ulit yung inis ko.

"Ibig bang sabihin nun, hindi mo kilala ang sarili mo?"

'Ano daw?'

Parang nabingi ako sa sinabi ni Ken.

"What!?" Naguguluhang tanong ko.

"Yes. Ibig bang sabihin nun hindi mo kilala na ikaw yung nasa picture? It was taken nung sunday. The day that you figured out that I'm Kent. Remember na kumain tayo nun sa isang restaurant 'coz you said you're hungry? I even told you that was my treat. Naalala mo?"

Oh my...

Literal na napanganga ako sa sinabi n'ya.

It means na yung babaeng nai-issue ngayon na kasama ni Ken ay 'ako'? Yung babaeng pinag-iinitan ko, sa di malamang kadahilanan ay 'ako'? Yung babaeng pinoprotektahan ni Ken mula sa media at mga paparazzi ay 'ako'.

Wait. Panaginip lang ba 'to? Kasi kung 'oo', gisingin n'yo na ako. Nakakahiya ang inasal ko, para akong nagseselos na --
Arghhh!!!

H.I.N.D.I. A.K.O N.A.G.S.E.S.E.L.O.S.

Basta nakakahiya.

"Hello? Dianne are you still there? Hello?"
Parang ayoko na tuloy sagotin si Ken sa kabilang linya kasi nakakahiya na.

"Dianne?"

"Hello, Ken."

"Finally. Ngayon alam mo ng ikaw yun?"

Napatango naman ako bilang sagot kahit alam kong di n'ya nakikita.

"Dianne, we will fix this okay? Magulo sa showbiz kaya ayokong madamay ka at lalong ayoko na pinagsasalitaan ka nila ng kung ano-ano. Naiintindahan mo naman ako diba?" Malumanay na sabi n'ya.

"Oo, naiintindihan kita Ken. Sorry for causing you trouble."

"No, don't say that. Ako ang dapat na nagso-sorry sayo Dianne. I'm Sorry."

Di nagtagal ay ayos na naman sa amin yung issue basta ang sabi n'ya sa akin ay aayosin n'ya daw ito kaya wag daw akong masyadong mag-alala.

Tumagal pa ang pag-uusap namin hanggang sa nakwento ko sa kanya ang about kay Shai.

"Ibig sabihin d'yan na s'ya titira sa apartment mo?"

"Oo. Mas maganda nga yun para makatipid s'ya at para na rin may kasama s'ya." Pag e-explain ko.

"Oo mas mabuti nga yun."

"Wait. Kent, diba friend mo yung Jameson?" Naisip ko kasi bigla na idol ni Shai yun.

"Oo, bakit?"

"Isama mo nga s'ya minsan Ken, kasi alam mo? Idol s'ya ni Shai kaya naisip ko na baka pagnakita n'ya yung Jameson baka kahit papano ay sumaya naman s'ya."
Suhesyon ko.

"Sure Dianne. Pagnaayos ko na yung issue, hahanap ako ng panahon para masama ko s'ya."

"Thank you,Ken." Napahikab naman ako pagkatapos kong sabihin yun.

"Sige na Dianne, matulog ka na. Alam kong inaantok ka na, matutulog na rin ako. Thanks for your time."

"Okay Ken. Inaantok na rin talaga ako. Good Night sayo." Pumipikit na talaga yung mga mata ko.

"Good Night."
At narinig ko nalang na naputol na ang tawag at kasunod nun ay di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

__________________________________

A/N
Thanks for reading.=)
At salamat din sa lahat ng bomoboto at nagco-comment.Thank you po.😘😘😘

~LAM.=)

The Secret HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon