*Dianne's POV*
Kinabukas ay bumalik na si Mom sa States. Nandito na nga rin pala si Shai sa apartment ko. Pag-uwi ko kasi kagabi ay nakita ko s'ya sa harap mismo ng apartment.
Sabado ngayon kaya napagpasyahan naming dito nalang muna sa apartment. Sinabihan kasi ako ni Shai kagabi na magsasara raw muna ang Shop sa loob ng dalawang linggo pero hindi sinabi ni Manager kung ano ang dahilan.
Okay lang naman sa akin pero nakakabagot pala lalo na kung nasanay ka na na pumapasok halos araw-araw sa trabaho.
"Shai,kumusta nga pala yung paglilipat mo? Alam na ba ng mga magulang mo?"
Kakikita lang kasi namin ni Mom kaya na isip kong itanong kay Shai ang tungkol sa parents n'ya.
"Opo,ate. Nagpapasalamat nga po pala sila sa inyo. Salamat daw po."
"Wala yun,sabihin mo sa kanila na walang anuman."
"Sure po."
Napangiti ako sa inasal n'ya.
~Tok--Tok--Tok--Tok~
Napahinto naman kaming dalawa at napatingin sa isa't-isa nung narinig namin ang katok mula sa pinto.
"May bisita po ba kayo ngayon?"
Biglang natanong ni Shai sa'kin.Napa-isip namam ako bigla. Wala naman akong inaasahang bisita at imposible namang si Mom yan kasi kaka-alis n'ya lang. Sino namam kaya yan?
"Ako nalang po ang magbubukas ng pinto."
Napa-ok lang ako sa sinabi n'ya.
Nakita kong naglalakad na si Shai papunta sa pinto para buksan 'to at kitang kita ko kung paano nagmukhang estatuwa si Shai nung makita n'ya kung sino man ang tao sa labas ng pinto.
Hindi ko nakikita kasi nahaharangan ni Shai ang pinto kaya tumayo nalang ako para makita kung sino talaga ang bisita namin.
"Hi, Ken."
Bati ko agad nung nakita kong si Ken pala, though naka cap at shades s'ya alam kong s'ya yun.
"Pasok ka."
Pag-iimbita ko sa kanya.Lumapit naman ako kay Shai para tapikin s'ya at natauhan naman s'ya bigla sa ginawa ko. Pumasok na si Ken sa loob at si Shai ay parang na starstruck pa rin sa nakikita n'ya. Tatanongin ko na sana si Ken nung may isa pa kaming katok na narinig mula sa pinto, this time ay ako naman ang nagbukas nito.
"Jameson?"
S'ya kasi agad ang nakita ko nung buksan ko ang pinto.
'Ano kaya ang magiging reaksyon ni Shai pag nakita n'ya si Jameson?'
Lihim naman akong napangiti sa naisip ko.
"Hi Ate, I'm with Kuya Ken." Sabay ngiti n'ya sa akin
"Kaya pala. Sige,pasok ka."
Hila-hila ko ang kamay n'ya nung pumasok kami. Hinanap agad ng mga mata ko si Shai at timing naman na nakaharap lang s'ya kay Ken pagpasok namin which means nakatalikod s'ya sa amin ni Jameson.
"Ken, hindi mo naman agad sinabi na kasama mo pala si Jameson."
Tinitingna ko talaga kung ano ang magiging reaksyon n'ya. Nakita ko na parang na tense si Shai kahit na nakatalikod s'ya. Kinindatan ko naman si Ken para iparating sa kanya kung ano ang pinaplano ko. Napangiti lang s'ya sa inasal ko. Binitiwan ko na ang kamay ni Jameson at pumunta sa harap ni Shai. Di ko ma-explain ang facial expression n'ya ngayon.
"Shai, sorry kung hindi ko agad nasabi sa'yo. Alam kong kilala mo na sila pero ipapakilala ko pa rin kayo sa isa't-isa. Ito nga pala si Ken,I mean si Kent David Wright."
Sabi ko kay Shai sabay baling kay Ken.
"Ken,s'ya naman si Shaira Suarez, yung kinu-kwento ko sayo."
Napatingin naman si Ken sa'kin habang nakangiti bago inilahad ang kamay n'ya kay Shai na s'ya ring inabot din naman ni Shai. Nakatulala pa rin s'ya hanggang ngayon. Ganito ba talaga ang epekto n'ya?
Hinawakan ko naman si Shai sa magkabilang balikat n'ya.
"Jameson,meet Shai. Shai, meet Jameson."
Sabay ikot ko sa kanya para makaharap n'ya si Jameson.
"J--Jameson?"
Nauutal na tugon n'ya kay Jameson."Hi, nice meeting you."
Nilahad naman ni Jameson ang kamay n'ya kay Shai. Si Shai naman ay parang na estatuwa na iwan.Ang cute.
"N-nice m-meeting you."
Pautal-utal pa rin na sagot n'ya.Pinaupo ko na sila Ken, ganun din si Shai na medyo okay na.
"Di ba kayo busy ngayon,Ken?"
Sa pagkaka-alam ko kasi kabi-kabila ang trabaho ni Ken."Nah. It's our day off today so we've decided to pay you a visit instead."
"Ah, kaya pala. Pero paano 'pag may nakaalam na nandito kayo?"
Bigla naman akong na-alarma sa sinabi ko. Tumayo ako agad at sumilip sa pinto kung may tao ba, napahinga naman ako ng maluwag nung nakita kong wala naman pala."Relax,ate. Siniguro namin na walang nakasunod sa amin bago kami dumiretso dito."
Pagsisigurado ni Jameson."Mabuti naman, baka kasi magkaroon ng issue at magkaproblema pa kayo."
Sa totoo lang, alam kong hindi madali ang maging artista o maging isang sikat kasi nawawalan na kayo ng privacy. Nawawalan na kayo ng oras na gawin ang mga bagay na gusto mo kasi isang maling galaw mo lang may issue na agad na nabubuo.
"Yun oh! Oy,concern si ate. Kanino kaya?" Nakita ko namang napangisi si Ken sa narinig n'ya.
Nailang tuloy ako sa di ko malamang kadahilanan.
"Ewan ko sa inyo."
Tumayo ako at naglakad papunta sa kusina para ipagtimpla sila.
"Ate, namumula ka."
Pahabol pa ni Shai at kasunod nun ay narinig ko nalang silang tumatawa. Pinagka-isahan pa talaga nila ako.Bumalik ako na dala-dala na ang juice at cupcakes na nabili ko kahapon. Naabotan ko pa nga si Shai at si Jameson na nagtatawan habang si Ken naman ay nakatingin lang sa kanila.
"Mukhang close na kayo agad ah?"
Baling ko kay Jameson at kay Shai sabay lapag nung dala ko. Napahinto naman agad sila at nakita kong napa-iwas ng tingin si Shai at s'ya naman ngayon ang namumula."Ahem, ok ka lang Shai?"
Tanong ko kunwari sa kanya pero ang totoo ay tinutukso ko lang s'ya."O-ok lang naman ate."
Sagot n'ya ng nakaiwas pa rin ang tingin.
"Mukhang hindi ka okay e, namumula pa kasi oh."
Sabay turo ko sa mukha n'ya."Jameson pakihawakan nga ang noo ni Shai kung hindi ba mainit."
Painosenteng sabi ko.Napaturo si Jameson sa sarili n'ya.
"Ako?"
Di makapaniwalang tanong n'ya.Tumango-tango lang ako, habang si Ken naman ay nagpipigil ng tawa. Nanatili lang sila sa apartment hanggang sa dumilim na. Masaya ako at dumalaw sila dito at masaya rin ako kasi naging malapit na rin si Shai sa kanila.
Pero nitong mga nakaraang araw ay may napansin akong kakaiba sa sarili ko. Ewan ko ba, pero parang mas gusto ko ng nakikita si Ken palagi. Sumasaya ako sa t'wing nand'yan s'ya.
Ano ba tong nangyayari sa'kin?
____________________________________
A/N
Thank you po kasi marami-rami na rin ang sumu-suporta sa "The Secret Heiress".Maaming Salamat po.=)~LAM.=)
😘😘😘
![](https://img.wattpad.com/cover/68472582-288-k575833.jpg)
BINABASA MO ANG
The Secret Heiress
Roman pour AdolescentsDahil sa kagustuhan n'yang maranasan ang isang simpleng pamummuhay kaya itinago n'ya ang kanyang tunay na katauhan. Sa panangin ng mga bagong tao na kanyang nakakasalamuha ay isa nalang s'yang normal at ordinaryong babae. Pero paano kaya 'pag nalam...