*Dianna's POV*
Kitang kita ko ang paglabas ni Harry at may angas pa talaga ang paglalakad n'ya.Napatingin naman si Ken sa'kin nung di ako tuluyang pumasok sa sasakyan.
"May problema ba,Dianne?"
Tanong n'ya sa akin pero di ko nasagot dahil narinig ko ang pagtawag ni Harry sa totoo kung pangalan."Dianna."
Napataas ang kilay ko sa sinabi n'ya.Lumapit s'ya sa'kin ng nakangiti."I found you again."
Napangiti ako ng mapakla.
'I'm dead.'"Do you know him?"
Tanong ni Ken na nasa tabi ko na pala."Who is he?"
Tanong naman ni Harry.Para akong mauubusan ng hangin sa eksenang nangyayari ngayon.Paano ko ba to lulusutan?
Napatingin ako sa kanila na mataman na nakatingin sa isa't-isa.Magsasalita na sana ako nang bigla nalang kaming may narinig na tumunog na cellphone.Cellphone pala ni Harry.Kinuha n'ya ito at tinignan ang caller at bigla nalang s'yang nagpaalam sa'kin at ngayo'y natatanaw ko ang sasakyan n'yang papalayo.Nakahinga naman ako ng maluwag.Napasulyap ako kay Ken at mataman pala s'yang nakatingin sa'kin.Para bang nagtatanong ang mga titig n'ya pero hindi ko nalang muna yun sinagot at sa halip ay pumasok na ako sa loob ng kotse.
Natahimik lang kami habang nagbabiyahe papuntang shop pero dahil napaka-awkard ng katahimikan kaya nagsalita ako."Y-yung lalaki nga pala kanina--s'ya si Harry." Panimula ko.
Napasulyap ako kay Ken at nakita kong seryoso lang s'yang nakatingin sa daan at hindi sumasagot.
"Kaibigan ko s'ya.Hindi mo ba s'ya namumukhaan?"
Paninigurado ko."Kailangan ba?"
Parang may mali kay Ken.Bakit bigla nalang nag-iba yung mood n'ya?
"Ah.H-hindi naman."
Hindi nalang ulit ako nagsalita hanggang sa nahatid n'ya na ako.
Nagpa-alam ako sa kanya pero tahimik lang talaga s'ya.Ayon,pasok nalang ako sa shop.Pilit kong iniintindi kung ano ba ang dahilan ng pagiging tahimik n'ya.'Baka may kinalaman 'to kay Collins.'
Hmm???
___________*Kent's POV*
Sh*t!
Who is that guy?Kung makalakad kanina ang g*go akala mo kung sinong gwapo.
Nahampas ko ang manebela sa sobrang inis.~Kriinnnggggg!!!!!~
Napahinto ako ng biglang may narinig akong tawag.
Medyo lumambot yung expression ng mukha ko nang makita ko ang pangalan ng caller.
"Hello,Ma."
Magalang na sagot ko sa kanya."Anak,busy ka ba?Samahan mo naman ako."
Napaisip ako saglit kasi di ko alam kung saan pupunta si Mom,baka kasi maraming tao.But I just can't easily say 'no' to my Mom.
"Saan po ba?"
Mabilis namang sumagot si Mom.
"Sa Airport."
Anong gagawin namin sa airport?
"We will fetch your Tita Lindsey."
Parang wala lang na sabi ni Mom.I don't want to be rude but I really don't like Tita Lindsey.Iba yung aura n'ya lalo na kapag wala si Dad,ewan ko kung napapansin ba ni Mom yun.
Si Tita Lindsey ay ampon nila Lolo,ibig sabihin kapatid s'ya ni Dad sa papel pero hindi sa dugo.Ang napansin ko sa kanya lalo na nung bata pa ako ay mabait s'ya lalo na kapag nand'yan sila Dad.
One time,umalis sila at ako lang ang natira,papunta ako nun sa kitchen pero napatigil ako nang marinig ko si Tita Lindsey na may pinapagalitang katulong ng dahil lang sa flavor ng juice na pinapatimpla n'ya.At dun ako nalaman na ganun pala s'ya.Ngayon ay umuwi na naman s'ya dito,I wonder kung ano na naman ang mangyayari.
I let out a silent sigh before I speak.
"Okay,ma."
"Thanks,anak.I will just wait for you here."
Ang hirap talagang tanggihan si Mom, kahit si Dad ay napapasunod basta si Mom na ang humiling.Ganon n'ya talaga siguro kamahal si Mom.
"Alright."
Sagot ko bago ibinaba ang tawag.Mabuti nalang at kahit papano ay nabawasan na ang inis ko.
Pero di ko pa rin makalimotan yung angas nung g*ago.Bakit kaya di ko agad yun nakita?At tsaka,bakit Dianna ang tawag n'ya kay Dianne?
Nung tinanong nga ako ni Dianne kanina ay hindi lang ako nagsalita pero sa tingin ko mukhang nakita ko na sa kung saan yung lalaking yun pero hindi ko matandaan kung saan.
Pero bakit ba naiinis ako sa lalaking yun lalo na nung tignan n'ya si Dianne.
"Aish!"
Nagulo ko nalang ang buhok ko sa frustation.Sino ba ang lalaking yun sa buhay n'ya?
____________________________________A/N:
Haha..Nagseselos na si Ken.Ayiee.../^∆^\
Anyway,sana nagustuhan n'yo.Kung may masasabi kayo about sa story just comment or pm it to me.T'saka 'thank you' sa inyong lahat dahil sa inyo ay patuloy pa rin ang story na to.Thank you.😘😘😘
~LAM.=)

BINABASA MO ANG
The Secret Heiress
Novela JuvenilDahil sa kagustuhan n'yang maranasan ang isang simpleng pamummuhay kaya itinago n'ya ang kanyang tunay na katauhan. Sa panangin ng mga bagong tao na kanyang nakakasalamuha ay isa nalang s'yang normal at ordinaryong babae. Pero paano kaya 'pag nalam...