*Dianna's POV*
Naka-alis na si Ken papuntang ibang bansa para dun sa shoot nila.Nakakamiss na nga s'ya kahit sandali palang s'yang wala.Kaya heto ako at inaabala nalang ang sarili ko sa pagta-trabaho dito sa shop.
"Ang yaman oh."
"Ang gara ng sasakyan oh!"
"Sinabi mo pa!Tsaka tignan mo yung kasama n'ya parang model."
Napatingin ako dun sa mga customers na rinig na rinig ang pinag-uusapan.Nakita kong meron silang tinitignan at nagulat naman ako ng pumasok ang mga ito sa loob ng shop.
'Anong ginagawa nila dito?'Natanong ko sa sarili ko.
Pagkapasok nila ay halatang meron silang hinahanap.Nung napadako ang tingin nila sa akin ay bigla nalang sumilay ang kanilang matamis na ngiti.
'Anong meron?'
Napakunot ang noo ko.
"Nandito ka lang pala."
Sabi ng tita ni Ken na si Tita Lindsey.
Naramdaman ko naman ang mga titig ng tao sa paligid.
"Hi po.Kakain po ba kayo dito,Tita?"Magalang na sabi ko sa kanya.
Nakita ko naman ang pag-irap ni Denise sa'kin.
'Anong problema n'ya?'
Nabalik ang atensyon ko nang magsalita ang tita ni Ken.
"No.Nandito kami kasi gusto kitang maka-usap."
Napa-isip ako sa sinabi n'ya.'Tungkol saan naman kaya ang pag-uusapan namin?'Tsaka napansin ko rin na medyo iba ang dating ng tita ni Ken ngayon kesa nung huli ko s'yang nakita.
"Ganun po ba--"Napadako ang tingin ko kay Shai na nasa counter at tinanguan n'ya lang ako.
"Sige po."Pumunta kami sa may bandang sulok ng shop na tanaw ang labas.Nang naka-upo na kami ay agad s'yang nagsalita.
"Hindi na ako magpapaligoy pa."Sabay tingin ng mataman sa akin.
"Hindi kita gusto para sa pamangkin ko."Diretso n'yang sabi sa'kin.Ako naman ay para akong na estatuwa sa kinauupuan ko.Hindi ko inaasahan na yun ang sasabihin n'ya at hindi ko rin inaasahan na magmumula yan sa tita ni Ken.
"P-po?"
Nauutal na sabi ko.Gusto ko lang kasing kompirmahin kong tama ba yung narinig ko.Baka kasi nagkamali lang ako ng dinig.
"I said,I don't like you for my nephew hija. Tagalog at English na yun,I hope na naintindihan mo naman."
BINABASA MO ANG
The Secret Heiress
Teen FictionDahil sa kagustuhan n'yang maranasan ang isang simpleng pamummuhay kaya itinago n'ya ang kanyang tunay na katauhan. Sa panangin ng mga bagong tao na kanyang nakakasalamuha ay isa nalang s'yang normal at ordinaryong babae. Pero paano kaya 'pag nalam...