*Dianne's POV*
Poke.. Poke..
"Hmm.. "
Sabay sipa ko dun sa kung sino man ang umistorbo sa pagtulog ko.Poke... Poke...
"Argh! "
Sino ba ang istorbo na 'to?
Gusto kong malaman kung sino tong kanina pa sundot ng sundot sa'kin pero pagod talaga ako at gusto ko pang matulog.Nagpunta kasi kami nila Mom at Dad kagabi sa isang exclusive na party.Pagkatapos nun ay umuwi kami ng mansion ng bandang 12 ng madaling araw,tapos nung 3 am naman ay sumama ako sa kanila sa airport.Umuwi na nga pala sila.Then,galing airport ay nagpahatid na ako dito diretso sa apartment na tinitirahan ko. Nakakapagod.
Maya maya pa ay napa-idlip ulit ako ng wala ng sumusundot sa'kin. Pero di rin nagtagal ay naalimpongatan ako dahil meron akong naramdaman na dumampi sa pisngi ko.
Kahit antok na antok man ay pinilit kong buksan ng dahan dahan ang isang mata ko. Nasilaw ako saglit sa liwanag pero di nagtagal ay naka-adjust din naman.
Natanaw ko ang pigura ng isang lalaki at biglang nagising ang diwa ko. Napabalikwas ako sa kama at ang maaliwalas na mukha at ngiti ng lalaking nasa harap ko ngayon ang sumalubong sa'kin.
"Good Morning. "
Bati n'ya sabay halik sa noo ko.Para akong na estatuwa saglit habang pinagmamasdan ang mukha n'ya.
"Ba't ang tagal mo?"
Nagtatampong sabi ko sa kanya sabay hampas ng mahina sa braso n'ya.Sa halip na magalit sa ginawa ko ay isang matamis na ngiti ang nasilayan ko. At nagulat ako ng biglaan n'ya akong niyakap. At sa yakap na ito ay ramdam ko kung ano ang pinapahiwatig n'ya.
"Nakaka-inis ka!"Pagkatapos ay yumakap din ako sa kanya.
Napahigpit ang yakap n'ya at ibinaon n'ya ang mukha n'ya sa leeg ko. Di ko naman mapigilan ang mapaluha.
Ewan ko ba. Pero sa t'wing nasa harapan ko s'ya ay di ako nahihiyang ipakita kung ano ang nararamdaman ko.
"Ba't di mo sinabing umuwi ka na? "
Tanong ko sa kanya.Narinig ko ang mahinang pagtawa n'ya.
"If I told you, will you not kick me like what you did earlier? "
Napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan s'ya sa mata.
' Nangungunsens'ya ba 'to? '
"Di ko naman alam."Mahinang sambit ko pagkatapos ay napayuko.
"I know. "
Itinaas n'ya ang baba ko at hinalikan na naman ulit ako sa noo.
"I missed you. "
"Me too. "Sagot ko sa kanya.
Natahimik kami at nanatiling ganun hanggang sa nagsalita ulit s'ya.
"What's that smell? "
Napasinghot ako,pero wala naman akong naaamoy.
"Wala naman ah. "
Sabi ko sa kanya."No. There's really something. "
Di ko alam kung seryoso ba s'ya o ano,pero sa totoo lang ay wala talaga akong naaamoy. Wala naman akong niluluto kaya imposibleng mangamoy sunog or what.
"Wait. "
Nabalik ako sa ulirat sa pagsasalita ni Ken.
Napatingin s'ya sa'kin ng dahan dahan. Tumingin s'ya sa ulo ko pababa ng pababa.Ako naman ay napatakip sa katawan ko.
'Anong problema nito? '
Napatanong ako sa sarili ko."Did you---"
Pabitin n'ya habang ako naman ay curious na curious na sa kung ano ang sasabihin n'ya.
"Did you---take a bath? "
Seryosong tanong n'ya pagkatapos ay napahalaklak sa kakatawa."Argh!!!! "
Nasapok ko tuloy ng wala sa oras.
Pero tawa pa rin s'ya ng tawa.
Itinulak ko s'ya at dali-daling pumunta sa banyo.Ini-lock ko ang pinto at humarap sa salamin. Napatingin ako sa repleksyon ko at dahan dahang inamoy ang sarili ko.
"Argh!!! Kent.David!!!"
Napasigaw ako sa inis.Rinig na rinig ko pa ang boses n'ya mula rito sa loob.
"Bakit? "
Painosenteng tanong n'ya."Humanda ka!"
Lumabas ako at tinakbo ang kinaroroonan n'ya.
Dinampot ko ang unan at binato sa kanya. Dahil sa reflexes n'ya ay hindi ko s'ya natamaan.
"Ganito mo ba ako ka miss? "
Oo,inaamin ko na namiss ko s'ya. Pero inaamin ko rin na ngayon ay nagsisimula na akong mairita.
Binato ko ulit s'ya ng unan pero this time ay nasalo n'ya naman ito.
"Argh! "
Napasigaw ako at tumalikod sa kanya,pero ilang hakbang pa lang ay naramdaman ko ang pagyakap n'ya.Back hug
Hinigpitan n'ya ang yakap n'ya bago nagsalita.
"Alam ko naman na miss na miss na miss mo na ang boyfriend mo---"
Magre-react sana ako dahil dun sa word na, 'miss na miss na miss mo na ako' kaso natameme ako sa huling salita na binitiwan n'ya.
"Pero alam mo? Mas na miss ko ng todo ang babaeng mahal ko. "
And at that moment, my heart just melt.
____________________________________
A/N:
Hola!
Here's another chapter for you. <3 =)
Hope na na enjoy n'yo ang pagbabasa ng chapter na ito. Anyway, thank you sa patuloy na pagbabasa at pagsubaybay sa estorya ni Kent at Dianne. Abangan kung ano pa ang mangyayari ngayong nandito na ulit si Kent. ?-?Comments are highly appreciated.
Thank you.
~belle
~LAM. =)
BINABASA MO ANG
The Secret Heiress
Teen FictionDahil sa kagustuhan n'yang maranasan ang isang simpleng pamummuhay kaya itinago n'ya ang kanyang tunay na katauhan. Sa panangin ng mga bagong tao na kanyang nakakasalamuha ay isa nalang s'yang normal at ordinaryong babae. Pero paano kaya 'pag nalam...