Chapter 28:He's here

1.3K 43 0
                                    

*Dianna's POV*

Sa wakas!Matapos ang ilang oras na biyahe ay naka-uwi na rin kami.Hinatid kami nila Ken at nung nasigurado na nilang okay na kami ay umalis na rin sila.Inayos na agad namin ang mga dala namin nung nasa loob na kami ng apartment.Medyo namiss ko rin ang lugar na 'to kahit sandali lang akong nawala.

"Ate,tumawag si Manager bukas na raw tayo magsimula."Pagbabalita ni Shai sa'kin.

" Okay.Mabuti na rin para makapagpahinga tayo ngayon."

"Oo nga po."

Pumasok ako sa kwarto ko at binuksan ang laptop.In-open ko ang email ko at nakita ang mga messages na mula sa mga kakilala ko,mga pangungumusta lang naman.Nagreply naman ako sa kanila.Tapos biglang may nag popped up na message.

~~~
I'm here.Let's meet up Dianna.

~~~

Yan ang nakasulat.
Nagdadalawang isip pa ako kung pupuntahan ko ba s'ya.

'Anong ginagawa n'ya dito?At bakit alam n'ya na nandito ako.'

Nagtype nalang ako ng 'okay' bago ko sinara ang laptop.Mas okay na siguro kung pupuntahan ko nalang s'ya para malaman ko mismo kung bakit s'ya nandito.
Nagbihis na ako at nagpaalam kay Shai na may pupuntahan na muna ako.

Umalis ako at pinuntahan ang lugar na sinabi n'ya.Isa itong maganda at mamahaling restaurant.Nakahilera ang mga crew pagdating ko at sa dulo ay nakita ko ang nakangiting mukha n'ya.He is wearing a tuxedo and it really fits in him.He looks so dazzling.Medyo mas naging mature s'ya tignan kaysa sa huli naming pagkikita.
Napangiti ako nang lumapit s'ya.

"Hi."
Ako ang unang bumati sa aming dalawa.

"Finally--Dianna."
Humalik s'ya sa pisngi ko at niyakap n'ya ako saglit.Nung bumitaw na s'ya ay niyaya n'ya akong maupo at pumayag naman agad ako at sumama sa kanya.

"Still gorgeous as ever.How are you?"
Tanong n'ya agad sa'kin nung makaupo na kami.

"I'm doing great Harry.Thank you."

Yes.Meet Harry Steve Collins,my friend in US.His family is the owner of Collins Corp.He is the current COO of their company while his dad is the CEO.I meet him 'coz my parents and his parents are business partners.

He courted be before but I told him that we're better off as friends.Naintindihan naman siguro n'ya kaya pumayag nalang s'ya.Ngayon ay magkaibigan na ulit kami.

"How about you?"
Tanong ko sa kanya.

"Just like before."
Kumindat pa s'ya pagkasabi n'ya.

Napatawa nalang ako ng bahagya.

"Anyway,why are you here?"
Curious kasi talaga ako kung ano ang ginagawa n'ya dito at kung bakit alam n'yang nandito ako.

"'Coz you're here."
Bigla akong napaseryoso sa sinabi n'ya kaya bigla s'yang napatawa.

"Wo-woah.What's with that look?"

"Why are you here,Harry Steve Collins?"

"Okay,fine.I'd been in Japan and I found out that you were in the Philippines,so I decided to visit you here."

Napa-sigh ako sa sinabi n'ya.

"When are you leaving for US?"
Tanong ko sa kanya.

"You don't want me here?" Parang na shock s'ya sa tanong ko.

Ano bang masama sa sinabi ko at ganyan nalang s'ya makareact.Tinatanong ko lang naman kung kailan s'ya aalis tapos sasabihin n'yang di ko gustong nandito s'ya?Napaface-palm nalang ako sa isip ko.

"You have your job and I know that you are a busy person.So,I'm asking you Mr.COO about when are you flying back to US."
Sana naman magets n'ya ang gusto kong iparating.


"I see.Maybe,few weeks will do."

What?
Ang tagal naman n'ya dito sa Pilipinas.Hindi pa naman n'ya alam na dito ay hindi ako ang Dianna Stanford na anak at tagapagmana ni Margareth at Richard Stanford.Mapapahamak ako ang normal life ko nito e.

"Ah--few weeks?What will you do here then?"

Baka kasi may business meetings s'ya dito o ano,para lang hindi kami palaging magkasama kasi baka makilala pa ako 'pag palagi ko s'yang kasama.


"Nothing.I will just accompany you while I'm here so that,I won't be bored."

O-okay?

Napangiti ako ng mapakla.
Sasamahan n'ya raw kasi ako.

"Ah--haha.You don't have to bother Harry.You can enjoy and spend your time doing fun activities without me." Suggestion ko sa kanya.


"Dianna.I'm here to visit you remember?"

Oo nga naman.
Ano ng gagawin ko nito?Tapos paano pa pagnakita sila ni Ken?

"I know." Napatango pa ako.

"Where do you want us to go after this?"

Napaisip ako at parang mas gusto ko nalang umuwi ng apartment at magkulong buong araw.May trabaho pa naman bukas.W-wait--Oo nga pala,hindi rin n'ya alam ang trabaho ko dito at yung sa apartment ako nakatira.Sumasakit ang ulo ko sa naiisip ko.

"I want to go home Harry.Let's just meet next time,alright?"

"Sure no problem,Dianna.Where do you live?I'll gonna take you there."

Agad akong napa-iling sa suhestyon n'ya.

"I can handle myself Harry.Thank you."

Tumayo ako at nagpasalamat na sa kanya.

"I'll go ahead."

Magpupumilit pa sana s'yang ihatid ako pero itinaas ko ang kanang kamay ko na nagsasabihing ayoko ko kaya hindi na n'ya pinilit pa.

Bilang isang Dianna Stanford,may kakayahan akong respetohin nila ang desisyong bibitawan ko.If I say 'yes' then it will be a 'yes',but if I say 'no' then it will be a 'no'.

That's the privilege of being a Stanford.

Pero di ko talaga maipagkakaila ang katotohanan na,

Harry Steve Collins is here.

He's here.

____________________________________

Enjoy.^_^

~LAM.=)

The Secret HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon