*Dianna's POV*
"Harry,I'm really okay and I can go there all by myself,okay?"
Kanina pa kami nagtatalo na ok lang na di n'ya ako samahan pero nagpupumilit talaga s'ya.
Nagkita kasi kami kanina habang naghihintay ako ng masasakyan, mabuti nalang at wala si Shai."But I want to go with you."
Minsan may pagkachildish at pagkamakulit din tong si Harry eh.COO ba talaga 'to?
"NO."
Capital letter yan para madama n'yang ayoko talaga s'yang sumama."Why is that you don't want me to go with you?D-don't tell me you're meeting s-someone again?Tell me,is it your boyfriend?"
Napatampal ako ng noo sa sinabi n'ya.Iba din tong si Harry e,ayaw lang pasamahin may boyfriend na kaagad?
"What are you talking about Collins?" Taas kilay kong tanong sa kanya.
"Just kidding Dianna." Sabi n'ya na ngayo'y pangiti-ngiti na.
Sabihin n'yo.Anong nahithit ni Harry bago kami nagkita?
"Alright,if you don't want me to come and accompany you then it's alright.But soon I will find out why is that you don't want me to be around."
May pa find out, find out ng nalalaman ngayon si Harry.
"Go on Collins."
Tinalikoran ko na s'ya at itinaas ko ang kamay ko at ikinaway.Male-late pa ako nito eh.
Si Harry talaga.~
Dumating ako ng shop na marami ng tao.Patakbo naman akong pumasok at nginitian lang ako ni Shai saka s'ya tumango.Hay.Late ako.
Dahil to kay Harry e.Ang kulit kulit kasi at ayaw akong tantanan,kung nandito lang yun kahit COO pa s'ya ay malamang nabatokan ko na.Napabuntong nalang ako ng hininga.
_________
*Kent's POV*
Panay ang tingin ko sa phone kung may text or tawag ba mula kay Dianne pero wala akong nakita.
"May problema ba?"
Napasulyap ako ng makitang nasa garden na rin pala si Mom."Nah."
Maikling sagot ko sabay tingin na naman sa phone ko."I can feel that something's bothering you.What is it?" Malambing na sabi ni Mom saka s'ya umupo sa tabi ko.
"Parang kailan lang at ang bata-bata mo pa pero tignan mo ngayon ay baby ko binata na."
Napareact agad ako sa sinabi ni Mom.
"Ma."
"Totoo naman.Now tell me,Kent David, ano yang pinoproblema mo?"
Should I tell my mom?
I let out a deep sigh before I speak again.
"There's this girl who caught my hrart." Diretsong sabi ko.
Narinig ko ang pag gasp ni Mom.
Siguro nagulat s'ya sa pagiging straight forward o dahil dun sa sinabi ko."Sino naman ang maswerteng babae na ito.Kasama mo ba sa trabaho?"
I just shoke my head.
"Kung hindi mo kasamahan sa trabaho,sino?" Bakas ang curiousity sa tinig ni Mom.
Dahan dahang napataas ang sulok ng labi ko.
"I met her at the mall.Her name is Dianne."
Nakita kong biglang napaisip si Mom.
"Nacu-curious tuloy ako d'yan sa Dianne na sinasabi mo,anak.Gusto ko tuloy ma meet s'ya one of these days."
Gusto ko rin namang makilala ni Dianne si Mom pero hindi na muna sa ngayon kasi baka nagtatampo pa s'ya sa'kin.Uunahin ko na muna s'yang kausapin tapos pagmaayos na ay hahanap ako ng oras para mameet nila ang isa't-isa.
"Soon,ma."
Naintindihan naman ni Mom.Tumayo na s'ya at sinabing mauuna na daw s'yang pumasok sa loob kasi gabi na at sumunod na rin daw ako.Tumango ako at hinalikan ko muna s'ya sa pisngi bago s'ya tuluyang pumasok sa loob.
Pupuntahan ko si Dianne bukas para malaman ko kung ok lang ba s'ya.Sa tingin ko kasi ay hindi.
_______
*Dianna's POV*
Wala na naman akong Ken na nakita kahapon.E ano ngayon?Siguro nagsawa na s'ya sa ginagawa n'ya.
Matamlay kung kinuha ang bag ko at lumabas ng apartment pero laging gulat ko nung paglabas na paglabas ko ay ang sasakyan agad ni Ken ang nakikita ko.Parang bigla akong nabuhayan lalo na nung lumabas s'ya ng nakahoodie pero syempre di ko pinahalata sa kanya.
"Diaane." Malumay na tawag n'ya sa'kin.
Kunwari parang wala lang ako.
"Dianne,sorry."
Nakalapit na s'ya ngayon sa'kin at mataman na nakatingin sa mga mata ko."A-anong sinasabi mo,Ken?"
Kahit na alam ko kung para san yun ay tinanong ko pa rin sa kanya."I wasn't able to fetch you,to text or even call you.I'm really really sorry,Dianne."
Napangiti nalang ako sa sinabi n'ya.Kung tutuusin kasi ay simpleng bagay lang naman yun.No big deal naman pero dahil si Ken yun kaya medyo nalungkot ako nung di n'ya ginawa,kung si Harry yun?Naku!Ok lang para na rin di ako mapasubo dito.
"Sige,ok na Ken."
Hindi naman ako immature para palakihin ang mga maliiit na bagay na gaya nito kaya mas mabuting taposin na at tsaka malapit na rin s'yang umalis para sa shooting nila."Talaga?Ok na tayo Dianne?" Mababakas ang saya sa tono ng pananalita n'ya.
Simpleng oo lang ang sinabi ko at ayos na kami.Dahil sa saya n'ya ay bigla n'ya akong nayakap,namula naman tuloy ako.Nung bumitaw na s'ya ay niyaya n'ya akong ihahatid n'ya na daw ako pero saktong papasok na sana ako sa sasakyan ni Ken nang bigla nalang may kotse na tumigil sa tapat mismo namin at nakita ko ang paglabas n'ya.
'Patay ka talaga sa'kin Collins!'
____________________________________
~LAM.=)
BINABASA MO ANG
The Secret Heiress
Ficção AdolescenteDahil sa kagustuhan n'yang maranasan ang isang simpleng pamummuhay kaya itinago n'ya ang kanyang tunay na katauhan. Sa panangin ng mga bagong tao na kanyang nakakasalamuha ay isa nalang s'yang normal at ordinaryong babae. Pero paano kaya 'pag nalam...