(Edited Chapter)
--------
Jake's POV
Sh*t. Napuruhan ako sa suntok niya ah.
"Babe, are you okay?"
Isa pa tong babaeng 'to eh. Ako pa kasi nautusan na maging boyfriend ng Maine na 'yun eh. Gusto kasi daw niyang mabroken si Maine. Ako pa 'tong ginamit.
"Lumayo ka nga. Break na tayo. Tapos ko na rin yung pinapagawa mo. Nasaktan na siya. Masaya ka na?!!"
"Bakit ka ba nagkakaganyan?"
"Mali na 'to. Ganyan ka na ba kainsecure kay Maine? Napapahamak ako sa gusto mo eh."
Iniwan ko na siya dun. Pupunta na lang akong hospital. Pupuntahan ko si Maine. Paano ko nalaman? Sikretong malupet.
Kailangan ko siyang puntahan. Kailangan kong mag-explain.
--------
Nandito na ako ngayon sa hospital. Tinanong ko yung nurse kung saan yung room ni Maine.
Pagkapunta ko, palabas na yung kasama nung Best Friend ni Maine. Sensya na, di ko alam pangalan nun eh. Ayy, naalala ko na. Alden pala pangalan niya. Ang lakas niyang sumuntok ah.
"Pwede ko bang makausap si Maine?" Tanong ko dun sa lalaki.
"Basta walang away."
Tumango ako. Ayoko naman talaga ng away eh.
Binuksan niya ang pinto, sumunod ako sa kanya.
"Pre, may gustong kumausap sa inyo."
"Sino daw?"
Sumingit ako sa usapan nila.
"Ako." Cool kong sabi at pumasok ako.
"Anong ginagawa mo dito?!!!!" Sigaw ni Alden sakin.
"Pre, kalma. May sasabihin lang daw siya."
"Tisoy. Hayaan mo siya. May sasabihin daw eh."
Mabait talaga si Maine. Nakakaguilty tuloy. Kung hindi lang sana ako nablackmail nung babaeng yun eh.
(Silip lang po muna yung kay Jake.)
Maine's POV
"Tisoy, pagbigyan na natin."
"Okay. Para sayo."
Napangiti ako sa sinabi niya. Ang sweet talaga ng best friend ko. Kaya mahal na mahal ko yan eh. Oopss. Mahal bilang best friend.
"Di ko talaga gusto na lokohin ka. Nablackmail kasi ako ni Rina." Pagpapaliwanag ni Jake.

BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With My Bestfriend
FanfictionMaine and Alden are bestfriends. But one day, Alden realized that he loves Maine. What will happen if Maine accidentally hears Alden talking about her, and WORST, Alden said that he loves Maine? Uhhmmm. Something's fishy.