Chapter 27

151 12 0
                                    

Maine's POV

Nandito kami ngayon sa airport ni Mommy and Daddy. Hinihintay naming lumabas si Kuya Ray at Ate Gwen.

Ilang minuto pa kaming naghintay at lumabas na sila.

"Ate Gwen! Kuya Ray!!! Dito!!" Sigaw ko at lumapit na sila papunta sa amin.

"Kuya namiss kita sobra!" Sabi ko at yinakap ko siya.

"Namiss din kita Meng." Sabi ni Kuya.

"Ako? Hindi mo namiss?" Tanong naman ni Ate sa akin.

"Syempre namiss din kita, Ate." Sabi ko sa kanya at yinakap ko din siya.

"Sobrang namiss din kita."

"Osiya, tama na 'yan. Umuwi na tayo at may pinahanda ako."

Tumango kami at pumunta na ng sasakyan.

Nang, makauwi na kami pumunta kami agad sa kusina at kumain.

"Musta na kayo sa States? Buti naisipan niyong magbakasyon dito." Sabi ni Daddy.

"Okay lang naman po kami. Planado na po talaga ang pagdalaw po namin dito." Sagot ni Ate Gwen.

Mabilis kaming natapos na kumain. Pumunta kami ng kwarto at dun kami nagkwentuhan.

"Musta ka na Meng?" Tanong ni Ate Gwen.

"Okay lang po ako, Ate."

"Nasan pala 'yung best friend mo na si Alden? Hindi ko yata siya nakita ah. Busy ba?" Tanong naman ni Kuya Ray.

Dug. Dug. Dug. Dug.

Eto na naman tayo. Si Alden na naman ang topic. Bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing naririnig ko ang pangalan niya o kaya kapag siya na ang pinag-uusapan.

"Huy, Meng! Natulala ka diyan. May problema ba?"

Nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Kuya Ray.

"Kasi ano....."

"Kasi?" Sabay na tanong ni Kuya Ray at Ate Gwen.

"Kasi po nag-away po kami."

"What?! Anong nangyari?! Bakit kayo nag-away?!" Tanong ni Ate Gwen na hindi mapakali sa inuupuan niya.

Nagkwento ako at parehas na gulat na gulat si Kuya Ray at Ate Gwen.

"Ate, Kuya, may isheshare sana ako sa inyo pero secret lang ah?" Sabi ko sa kanila.

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon