Chapter 4

329 14 4
                                    

Alden's POV

"Yes Mo----- Menggay??!!"

Napabangon ako sa sofa ng makita ko si Maine na may hawak na tray.

"Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah. Nasan si Mom? At tsaka ano yang Dala mo?"

Umupo siya sa tabi ko at ibinaba niya 'yung nasa tray.

"Hinihintay kita kasi gusto kitang kausapin. Si Tita naman tulog na, nagbeauty rest. At eto??? Cake. Ibinake ko 'to para sayo kaya kumain ka na."

Inabot niya sa akin 'yung cake. Habang kumakain ako, tinanong ko si Maine.

"Ano pala 'yung pag-uusapan natin?" Tanong ko.

"Ayy, bakit pala bigla kang umalis kanina?"

Nasamid ako bigla sa tanong niya.

"Ah, eh, kasi ano, kasi baka makaistorbo ako sa inyo. Nakakahiya naman."

"Ikaw talaga Tisoy ah. Humanap ka na kasi ng magmamahal sayo at yung mamahalin mo."

'Eh ikaw nga 'yung gusto kong makasama eh.' Bulong ko sa isip ko.

"Ang bait bait mo talaga, Tisoy." Sabi niya sabay pinch sa cheeks ko.

"Aray!! Menggay, masakit!! At tsaka kumakain pa ako."

Tsaka niya lang napansin na hawak-hawak ko yung plate na may cake.

"Ayy, sorry."

Naubos ko na rin 'yung cake. Tapos si Maine, kwento ng kwento about kay Jake.

"Sobrang sweet niya talaga. Tapos napakaunderstanding boyfriend niya. He's the best."

Kung Alam mo lang Maine. Hahanap ako ng evidence para masabi ko na niloloko ka lang ng Jake na 'yun.

"Menggay?"

"Hmmm, bakit?"  Sabay lingon niya sakin.

"Magiging honest ako sayo. Ayoko si Jake para sayo. Iba yung nararamdaman ko sa kanya. At tsaka nilolo------------"

"TAMA NA!!!!"

Nagulat ako. Bigla siyang sumigaw.

"Tama na, Tisoy. Pag-aawayan na naman ba natin to? Lagi ka na lang ganyan! Ano bang gusto mong mangyari? Ayaw mo ba akong sumaya?"

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon