Chapter 23

166 11 0
                                    

Maine's POV

Kinakabahan ako sa ginawang plano ni Jake. Pero gagawin ko 'to para tigilan na ako ng babaeng 'yun.

Hoooo. Kaya mo 'to, Maine. May mga pulis na nakabantay.

Palakad-lakad lang ako dito sa kwarto ko, ilang minutes na lang, gagawin na namin yung plano.

Kalma lang, Maine.

"Ready ka na ba?"

"Aykabayo! Ate, bakit ka ba nanggugulat?" Sabi ko kay Ate Danica habang hawak hawak ko yung dibdib ko. Nakakagulat naman kasi.

"Kumalma ka nga lang diyan. Relax. Ready ka na ba?" Tanong niya habang papaupo sa higaan ko.

Humarap ako sa kanya.

"Ate, ready na ready. Kakayanin ko 'to." Sabi ko with confident.

"Sure ka? Nasa baba na 'yung mga pulis."

"Tara na." Sabi ko at bumaba na kami. Buti pala nasa business trip yung parents ko pati yung parents ni Ate.

Umupo na kami sa sofa at kinausap ako ng isang pulis.

"Ganito ang gawin mo. Wag kang magpahalata sa kanila na alam mo yung mangyayari. May mga nakapwesto na mga pulis malapit sa pupuntahan mo pero nakatago sila."

Tumango lang ako.

"Okay na? We can start the plan. Maiwan ka muna dito. Magtetext na lang kami kung pwede ka nang lumabas."

Tumango uli ako at lumabas na sila.

Di pa rin nawawala 'yung kaba ko. Sana nandito si Alden para pawalain 'yung kaba ko.

Ay, teka. Paano siya napunta sa usapan? Kalimutan mo nga siya.

Pero naalala ko 'yung sinabi ni Ate Danica.

'Wag mo laging pairalin dinidikta ng isip mo. Hindi utak ang palaging tama at laging pinapairal, pairalin mo din ang sinasabi ng puso mo.'

Hindi ko pa rin maintindihan 'yang sinabi niya sakin. Para saan ba kasi 'yan?

Hayss. Dagdag stress.

Biglang may nagvibrate sa phone ko at tiningnan ko ' yun.

Nagtext na sila.

Nagready na ako at lumabas na. Pinaandar ko na 'yung sasakyan ko papunta dun sa place na pinag-usapan namin. Tumingin ako sa side mirror at nakita kong may sumusunod sa akin.

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon