Chapter 13 (Part 2)

222 12 2
                                    

Alden's POV

Paulit-ulit sa isip ko yung mga sinabi sakin ni Maine. Sobrang nasaktan ako sa mga sinabi niya.

Ganun na pala siya katagal na naiinis sakin. Hindi ko man lang alam.

Hindi ko na lang siya, tinextan nung araw na yun. Baka mas lalo siyang magalit sakin.

Hayss. Di ko na alam gagawin ko.

Nag-aalala lang naman ako sa kanya. Masama ba 'yun, readers? Diba hindi?

Arrrrggggghhh.

Nagtalukbong na lang uli ako ng kumot. Hindi muna ako papasok. Wala akong gana.

*ring**ring*

*Jane calling*

"Hello?"

[Hello, sir. May naghahanap po sa inyo.]

"Sino?"

[Sir, si Maine po.]

"Sabihin mo hindi mo alam kung nasaan ako."

[But, sir....]

"Just tell her."

[Okay, sir.]

*toot**toot*

Ayoko munang magpakita sa kanya. OA na kung OA. Eh kayo kaya ang sabihan ng ganun?

Aaaarrrrrgggghhhhhhhhh.

"Tisoy?"

Bumangon ako.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Ate.

"Ate, okay lang ako."

"Alam kong may problema kayo ni Meng."

Teka, paano niya nalaman?

"P-paano mo nalaman?"

"Sabi na nga ba. Tama hula ko. Napansin ko lang naman."

"Sige lang, Ate. Push mo yang panghuhula mo."

Bigla naman niya akong binatukan.

"Aray!"

"Seryoso ako dito, Tisoy. Bakit ba kayo nag-away?"

"Ayokong pag-usapan, Ate."

Pinat niya yung balikat ko.

"Nandito lang kami kapag may problema ka."

Tumango na lang ako at umalis na siya.

Nagtalukbong na lang uli ako. Anong oras na ba?

4:30 pm!!!!

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon