Chapter 12

228 9 0
                                    

Third Person's POV

Nagulat sila ng biglang magsalita si Jake.

"Nagsisimula na siya."

"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Maine.

"Nagsisimula na ang revenge niya sa IYO." Seryosong sabi ni Jake at tumingin kay Maine.

Kinilabutan si Maine sa sinabi ni Jake.

"Pero bakit may letter na ibinigay sayo na kaparehas ng sa amin ni Maine?" Tanong naman ni Alden.

"Letter?" Nagtatakang tanong ni Jake.

Iniabot sa kanya ng kapatid niya ang letter, at agad namang binasa yun ni Jake.

"Sabi na nga ba, siya ang nag-utos sa mga lalaking yun. Una pa lang, Alam ko na siya ang nag-utos sa grupong yun."

"Bakit ka naman niya pinabugbog? Ano bang ginawa mo?"

"Sabi nga sa sulat, nagtraydor ako sa kanya."

"Bakit mo naman kasi ginawa yun?" Tanong ni Maine.

"Para hindi ka mapahamak. Alam na ni Alden lahat ng nangyayari."

Tumingin si Maine kay Alden pero si Alden ay ngumiti lang.

Habang nagkekwentuhan sila, nagulat na naman sila nung maynag-open ng door at ang nakita nila ay ang ate ni Alden.

"Ate Danica?!!" Sabay na sabi ni Alden at Maine.

"Nandito ka na pala, baby ko." Sabi ni Jayce at kiniss ni Jayce si Danica sa cheeks.

"Baby ko??!!" Sabay naman na sabi nila Jake, Maine, at Alden.

Natawa naman sila Danica at Jayce.

"Ayy. Nakalimutan kong sabihin sa'yo Tisoy, Boyfriend ko si Jayce nakalimutan ko lang ipakilala sa inyo kasi hindi pa kami ready pero alam na nila Mom and Dad." Pag-eexplain ni Danica.

"Kapatid mo si Alden, baby ko?" Tanong ni Jayce kay Danica na nagtataka.

"Oo, baby ko."

Bigla namang nag- ahemm si Jake.

"Eh, ako Kuya, di mo ako ipapakilala?" Tanong ni Jake sa Kuya Jayce niya.

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon