Chapter 22

207 14 6
                                    

(A/N: Silipin muna natin yung Point of View ni Alden/Tisoy.)

Alden's POV

Nandito na ako ngayon sa Los Angeles dito sa States.

Naninibago pa ako dito kasi hindi ako sanay. Buti na lang yung secretary ko dito Filipino din.

Nandito ako ngayon sa office ko at nagsasign ng mga documents. Ngayon lang daw mapipirmahan 'to kasi wala daw si Ate dito para magsign.

Hayss. Nakakainis talaga si Ate. Aalis na nga lang kasi mag-iiwan pa ng tambak na trabaho.

*ring**ring*

"Hello?"

[Bro, san ka?]

"Office."

[Pagkauwi mo dito bro. Bonding tayo. Umalis ka kaagad ka kasi ng maaga.]

"Ge, bro. Tapusin ko lang tong pagsasign ng documents."

[Ge.wait ka namin.]

*toot**toot*

Siya pala yung pinsan ko. Si Nate. Sa bahay niya ako tumira. Kasama din namin ang barkada niya dun sa bahay. Kami-kami lang kaya libreng libre kami sa ginagawa namin. Haha.

Nang matapos ko ang pagpirma umalis na ako at umuwi na. Dumaan muna ako sa supermarket at bumili ng pagkain namin.

Habang namimili may nakita akong isang babae at lalaki na nagbabangayan sa pagbili ng pagkain na mga Pilipino din pala.

"Zayne, wag ka ngang kuha ng kuha. Tingnan mo nga kasi muna." Sabi nung babae. Napakamot naman sa ulo yung Zayne.

*Flashback*

"Tisoy, wag ka ngang kuha ng kuha. Tingnan mo nga muna kasi kung kailan ang expiration date. Kapag prutas o gulay naman, tingnan mo kung may sira o bulok."

"Sorry na. Di ko alam eh." Tapos napakamot ako sa ulo ko.

*End of Flashback*

Hayss.

Naalala ko na naman siya. Kalimutan mo na siya Alden, nandito ka para magmove-on at magtarabaho. Ang gulo na ng utak ko.

Binayaran ko na lahat ng pinamili ko at umuwi na.

Pagdating ko sa bahay, nakita ko si Nate na nakaupo sa sofa habang nanonood.

"O, nandiyan ka na pala. Tagal mo ah." Salubong niya sakin.

"Ano yan?" Dagdag niya pa.

"Bumili lang naman ako ng pagkain satin kasi wala nang laman ang refrigerator." Sabi ko sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin.

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon