Chapter 49

172 12 1
                                    

Alden's POV

Sana pumayag siya.

Apat na taon na makalipas ng maging kami.

Hulaan niyo kung nasaan ako? Di ko muna sasabihin, mamaya na lang. May importante akong inaayos ngayon at saglit na lang ay matatapos na ako. Matawagan nga muna si Maine.

*calling Maine*

[Hello?]

"I miss you."

[Miss kaagad? Parang di tayo magkasama kahapon ah.]

"Kahit na. Miss na kita eh. Saan ka?"

[Dito sa restaurant.]

"Naistorbo ba kita?"

[Hindi naman. Katatapos ko lang sa work. Sunduin mo ako?]

"Okay. Just wait for me. Papunta na ako. I love you."

[Love you too....]

*toot**toot*

Bago ako umalis, may ibibilin muna ako sa mga kasama ko dito.

"I'll just text you, guys."

Tumango lang sila at umalis na ako.

--------

"Bakit ang tagal mo?" Tanong niya sabay pout.

I kissed her pero smack lang. Bigla naman siyang namula.

"May inayos lang ako. So, let's go? Where do you want to go?" Tanong ko sa kanya ng makapasok kami sa sasakyan.

"Let's go to the mall."

Sakto. Sabi ko sa isipan ko.

"May sinasabi ka ba?" Tanong niya.

"Wala."

Napalakas ata 'yung pagkakasabi ko.

Nakarating kami sa mall. First pumunta kami sa isang restaurant para mag-early dinner. Pagkatapos nag-ikot-ikot lang kami. Naglaro. Naglakad-lakad. Nagpicture. Hanggang sa nag-aya na siyang umuwi.

"Tisoy, let's go na. Maggagabi na oh."

Tiningnan ko ang wristwatch ko, malapit nang magseven.

"Menggay, may dadaanan pa ako eh, okay lang ba?"

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon