Chapter 41

216 12 6
                                    

Alden's POV

Di ako makaget-over sa nangyari kagabi. 'Nung binalita namin sa parents namin na nililigawan ko na si Maine, tuwang tuwa sila. Botong boto talaga sa akin.

Sa gwapo ko ba namang 'to?

Nandito kami ngayon sa dining area at kumakain kami ng breakfast.

"Ang saya-saya ni Tisoy, oh." Pang-aasar sa akin ni Ate.

"Wag ka nga Ate. Panira ka ng araw eh." Sumbat ko.

"Alam kong okay lang na masira ang araw mo." Sabi ni Ate at sinubo 'yung kinakain niya.

"Bakit naman?" Takang tanong ko.

"Kasi hindi mo pa nakikita ang bumubuo ng araw mo."

Namula ako sa sinabi ni Ate tapos tumawa naman silang lahat.

"Aalis na nga po ako. Pupuntahan ko pa 'yung baby ko." Tumawa naman sila. Lumabas na ako ng bahay at pumunta ako kina Maine. Ihahatid ko siya sa work niya bago ako dumeretso sa pictorial namin.

Dumeretso ako sa living room nila. Nakita ko si Kuya Ray na pababa na ng hagdan.

"Kuya, nasan si Maine?" Tanong ko kay Kuya Ray na pumipikit pikit pa. Inaantok pa ata eh. Haha.

"Si Maine? Nandun pa sa kwarto niya natutulog. Puntahan mo na lang. Hindi niya yata naiset ang alarm clock niya." Sabi niya at dumeretso sa kusina.

Umakyat na ako papuntang kwarto ni Maine. Kumatok ako pero walang sumasagot.

Malamang Alden. Tulog pa nga diba?

Binuksan ko na lang 'yung pinto at pumasok na. Nakita ko siya na mahimbing na natutulog. Lumapit ako sa kanya at umupo sa gilid ng kama niya.

Hinaplos haplos ko 'yung buhok niya.

"Maine, gising na. Malelate ka na oh." Habang hinahaplos ko pa rin ang buhok niya.

"Hmmm. Mamaya na. Inaantok pa ako eh." Tapos nagtalukbong siya ng kumot.

Hayss. Kailangan kong gawin 'yung ginagawa ko tuwing ayaw niyang gumising.

"Maine! 8:30 na! Sobrang late ka na!" Sabi ko sa kanya at bigla siyang bumangon.

"What?! Late na ako?! Hala! Ano ba 'ya-----"

Niyakap ko siya ng mahigpit para tumigil siya sa pagpapanic niya.

"Shhh. Don't panic. I'm just joking." Bulong ko sa kanya.

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon