(A/N: Isisingit ko lang po 'yung love story ni Danica at Jayce. Hope you'll like it.)
--------
Danica's POV
First Anniversary namin ngayon ni Jayce pero hindi man lang siya bumati sakin. Halos mga kaibigan ko lang 'yung bumati sakin pero siya hindi talaga :'(
Nandito lang ako sa kwarto at tumayo papuntang cr para maligo. Natapos na akong maligo at agad kong tiningnan 'yung phone kung may text niya pero wala pa rin.
Lumabas na ako ng kwarto pero nakabihis na ako. Wala namang tao ngayon dito sa bahay. Nagday-off kasi 'yung kasambahay namin pero may nakita akong note na nakadikit sa screen ng TV. Aba! Sa TV pa talaga ang gusto ah. Kinuha ko iyon at binasa.
'Park.'
'Yan lang ang nakasulat. Pumunta na ako ng park at pinanood ko 'yung mga bata na maglaro. Ang saya- saya naman nila samantalang ako lungkot na lungkot dahil hindi binati ng boyfriend niya sa anniversary nila.
Umupo lang ako dito sa bench habang naghihintay at tumitingin-tingin lang sa paligid ko. Biglang may huminto na van sa harap ko at lumabas 'yung isang lalaki na nakatakip 'yung ulo niya pero mata lang ang nakikita.
Lumapit 'yung guy sa akin.
"Sumama ka sa akin." Cold na sabi niya. Natatakot na ako ngayon pero dapat hindi ako magpatinag.
Tinaasan ko siya ng kilay, "Ano ako tanga? Bakit ako sasama sa iyo eh kidnapper ka naman. Duh~" sabi ko sa kanya at nagpamewang sa harap niya.
"Ano ba kasing prob-----" bigla na lang siya may kinuha na panyo at itinakip sa ilong at bibig ko dahilan ng pagkahilo ko. Kaya nakatulog ako.
--------
"Excited na ako mga, 'tol!"
"Papayag kaya siya?"
"Oo 'yan. Tiwala lang."
Nagising ako sa ingay ng mga kidnapper na 'to. Teka, wala akong makita. Tsaka ko lang nalaman na nakablindfold pala ako.
"Saan niyo ba ako dadalhin?! Ha! Tanggalin niyo nga 'yung blindfold!" Sigaw ko.
"Gusto man naming tanggalin pero lagot kami kay Boss eh. Hintay ka na lang malapit na rin tayo." Teka, familiar sa'kin 'yung boses nila.
Hindi na ako umimik. Nakakabadtrip! Ano ba kasing kailangan nila sakin?
Huminto na ang sasakyan at inalalayan nila ako palabas.
"Saan niyo ba kasi ako dadalhin?! Ano ba?!" Sigaw ko sa kanila. Nagpupumiglas ako pero ang lakas nila. Huminto kami at bigla nila akong binitawan tapos naramdaman kong wala na sila. Tinanggal ko na ang blindfold. Tumingin tingin ako sa paligid at nalaman kong nasa EK (Enchanted Kingdom) pala ako.
Halos lahat nakatingin sa akin. Nahihiya na ako dito, huhuhuhuhu.
Nakatingin lang sila sakin tapos bigla silang SUMAYAW nung nag start 'yung kanta. May isang lalaki na lumapit at binigyan ako ng isang red rose. Nahati sa dalawa 'yung mga sumasayaw at lumakad na ako. Kada boys na nadadaanan ko, inaabutan ako ng red rose. 11 roses na ang hawak ko ngayon. Dinala nila ako dito sa pinakacenter pero sumasayaw pa rin sila.
Biglang huminto ang music. May narinig akong nagstrum at kinanta ang Walang Iba by Ezra Band (play the music)
Nakita ko si Jayce na kumakanta papalapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko habang kumakanta.
Natapos na ang kanta at pinagdikit niya ang noo namin.
"I love you so much, Danica. Sana nagustuhan mo 'yung surprise ko."
Niyakap ko siya ng mahigpit at napaiyak na lang ako dahil sa tuwa.
"Nakakainis ka! Ikaw ba 'yung nagplano ng kidnap thingy na 'yun?"
Naramdaman ko namang tumango siya at niyakap ako ng mahigpit.
"Simula sa sulat na nandun sa TV niyo hanggang sa pagkanta ko, planado."
Humiwalay siya sa yakap. Bigla siyang lumuhod tapos kinuha niya 'yung rose na nasa bulsa niya.
"Sorry kung naging sobrang busy ako sa work ko at di na kita nasasamahan sa mga gusto mong puntahan. I'm so sorry, Danica. Ginagawa ko lang 'yun para sa future natin. Happy anniversary baby, I love you so much. Ngayon gusto ko ako lang lagi ang nasa tabi ko, tuwing pagmulat ko ng mata ko hanggang sa huling hininga ko, ikaw lang Danica. Kaya hindi ko na hahayaang mawala ang pagkakataon ko na 'to."
May kinuha siya sa petals ng rose at inilabas ang singsing.
"Danica, will you marry me?"
"Yes. Yes Jayce, I will marry you." Tumayo siya at isinuot ang singsing sa daliri ko at niyakap ako ng mahigpit.
"I love you so much, Jayce."
"I love you more, Danica."
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
(A/N: Sorry po talaga sa late na UD. Sana po suportahan niyo po ito hanggang last. Thank you na rin po sa pagbabasa at pagvovote pati na rin sa comments niyo.)Pls. Read. Vote. Comment
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With My Bestfriend
FanficMaine and Alden are bestfriends. But one day, Alden realized that he loves Maine. What will happen if Maine accidentally hears Alden talking about her, and WORST, Alden said that he loves Maine? Uhhmmm. Something's fishy.