Chapter 39

202 12 2
                                    

Danica's POV

Andito kami ngayon sa hospital. Bigla na lang kasing nawalan ng malay si Alden. Sabi ng doctor, dahil daw sa sobrang pagsakit ng ulo niya kaya siya nawalan ng malay.

Wala dito si Maine pero 'yung barkada niya kumpleto kasama ang nililigawan nila. Nandito din sila Mom and Dad. Kanina pa gising si Alden, pero hindi niya kami kinakausap.

"Mom, Dad, Ate, kayong mga barkada ko, sa atin lang po itong sasabihin ko ah? Wag niyo po munang ipagsasabi lalong lalo na kay Maine."

Ano na naman kaya 'tong sasabihin ni Alden? Mukhang seryoso eh. Napaisip na lang ako...

"Don't try to think that, Ate. Kaya ko nga sasabihin di ba?"

Napairap na lang ako sa sinabi niya.

"Sabihin mo na kasi! Naiintriga ako eh."

"Oo na."

Huminga siya ng malalim.

"Nakakaalala na po ako."

Alden's POV

"Nakakaalala na po ako." Sabi ko sa kanila. Tiningnan ko ang reaksiyon nila. Halatang nagulat sila sa sinabi ko.

"Mom? Di ba kayo masaya?" Tanong ko pero hindi sila sumagot.

"Ate?"

"Wait lang. Nagpaprocess pa." Sabi niya.

Huminga uli ako ng malalim at nilakasan ko ang boses ko.

"Ang OA niyo naman!" Bigla silang tumawa. Baliw lang? Pero at least gumana ang plano ko.

"Nakakaalala ka na nga talaga." Sabay na sabi ni Mom and Dad.

"Bakit ayaw mong ipasabi sa iba?" Tanong ni Ate Danica.

"Kasi ako nang bahala." Sabi ko na lang.

Biglang tumayo sila Mom.

"Aayusin lang namin 'yung bills para makalabas ka na." Tumango lang kami ni Ate kasama ang barkada.

"Guys, patulong naman, oh." Sabi ko sa kanila.

Kumunot 'yung noo ni Ate ganun din ang barkada. Nagtataka na siguro sila.

"Saan naman??"

"Magpapatulong sana ako para kay Maine."

Nagulat sila sa sinabi ko at biglang kumunot ang noo.

"Ikaw, ha? Kung ano-ano ang pinaggagagawa mo kay Maine!" Sigaw sa akin ni Ate at nagpamewang pa sa harap ko.

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon