Chapter 29

162 15 1
                                    

Nate's POV

Nandito ako ngayon sa hospital at ako ang nagbabantay kay Alden. Wala sila Carl at Andy. Hinihintay ko kasing dumating sila Ate Danica. Sabi niya ngayon daw ang dating nila.

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang pamilya ni Alden at kasama si Maine.

"What happened to my son?!!" Sigaw ni Tita Mika habang umiiyak at lumapit siya sa higaan ni Alden. Lumapit din si Maine sa higaan.

Nagbuntong hininga muna ako bago ako magsalita.

"Tita. Kahapon po kasi pagkatapos ng photoshoot namin sabi niya pupunta daw po siya sa office niya. Nagpalusot ako na may bibilhin ako pero ang totoo, susundan ko lang siya. Bigla po kasi akong kinabahan 'nung sinabi, niyang pupunta muna siya sa office niya. Habang sinusundan ko siya, nakita ko 'yung sasakyan niya na sasalpok na sa truck. Di ko po alam kung anong nangyari sa kanya at 'di siya nakaiwas. Hanggang sa makita ko na lang na bumangga na ang sasakyan niya sa truck." Sabi ko sa kanila.

"P- pero paano nangyari 'yun?" Tanong ni Maine na naiiyak na rin.

"Sabi ng mga pulis na nag- imbestiga nawalan daw ng preno ang sasakyan niya."

Yumuko na lang ako. Bakit ba kasi nangyari 'to sa pinsan ko?

Aaaarrrrrggggghhhhh.........

"Aalis po muna ako. Pupuntahan ko lang po 'yung barkada ko sa bahay." Sabi ko at tumayo na.

"Mag-iingat ka." Sabi ni Tito Reiko.

Tumango lang ako at umalis na.

Hayss.

Maine's POV

Nang malaman ko na nacomatose si Alden pinilit ko sila Mommy na sasama ako kina Tita Mika para mapuntahan si Alden.

Nandito ako ngayon. Ako ang nagbabantay sa kanya.

"Tisoy, alam mo miss na kita. S- sorry pala sa ginawa ko sa'yo ah. Nabigla lang naman ako sa narinig ko sa pag-uusap niyo ni Ate Danica. Hindi ko alam ang gagawin sa oras na 'yun kaya nagalit ako sa'yo."

Hindi ko na napigilan. Napaiyak na ako.

"Alam mo bang naiinis ako sa sarili ko dahil inaway kita. Hindi ka sana pupunta dito sa States kung hindi kita inaway. Hindi ka sana macocomatose kung hindi ka pumunta dito."

Napahagulgol na lang ako.

"Wala kang kasalanan."

Tumingin ako sa pintuan at nakita ko si Nate at Ate Danica. 'Yung nagsalita ay si Nate.

"Ate, kung hindi ko talaga siya inaway hindi sana siya pupunta dito at hindi rin siya macocomatose."

Lumapit sa akin si Ate Danica at hinagod ang likod ko.

"Aksidente ang nangyari Maine. Walang may gustong mangyari 'yun. Kaya tahan na. Ihahatid ka ni Nate sa bahay nila para makapagpahinga ka. Nandun naman sila Mom kaya wag kang matakot."

"Wala namang nakakatakot sa bahay ah." Depensa ni Nate.

"Baka matakot siya sa inyo. Kasi mukha kayong manyak!" Sabi naman ni Ate.

"Wala kaming gagawing masama sa kanya. Takot lang namin na baka biglang bumangon si Alden sa higaan niya at kami ang ipalit."

Natawa ako sa sinabi niya. Sana gumising na siya. 2 days na siyang tulog.

"Tara na, Maine para makapagpahinga ka na."

Tumango ako at pumunta na kaming parking lot ni Nate. Nang makarating kami sa bahay nila ay bumaba na ako alangan namang maiwan ako sa sasakyan diba?

Hayss. Corny.

Pumasok na kami at nakita ko sila Tita sa sala.

"Kamusta na si Alden? Gising na ba siya?" Tanong sa akin ni Tita Mika.

"Hindi pa po siya nagigising."

Biglang nalungkot si Tita Mika at napaupo uli sa sofa.

"Tara na Maine, hatid na kita sa magiging kwarto mo." Sabi ni Nate. Sinundan ko lang siya at umakyat na kami. Tinuro niya 'yung kwarto at nagthank you ako sa kanya.

Pumasok ako sa kwarto at infairness maganda 'yung kwarto. Nagshower muna ako.

Pagkatapos kong magbihis, humiga na lang ako sa kama at tumingin sa kisame.

Pumikit na lang ako.

Sana gumising ka na Alden. Kung kailan alam kong MAHAL NA KITA tsaka ka pa naaksidente.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
(A/N: Sorry po kung pangit. Thanks po ulit sa pagsuporta at pagvote. Love you all.)

Please. Read. Vote. Comment.

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon