Chapter 16

200 11 0
                                    

Alden's POV

Nagising ako pero wala na sa tabi ko si Maine. Baka umuwi na siya. May trabaho pa siya eh.

Bumangon na ako pero may nakita akong note sa drawer ko.

'Good Morning, Tisoy. Maaga akong umalis kasi alam mo na. Pagaling ka ha? Ingat ka. :)'

Yun yung nakasulat sa note.

Bumaba na ako. Buti na lang hindi na masakit katawan ko.

Nakita ko sila Mom na kumakain na.

"Good Morning, Mom." Bati ko sa kanya habang kumakain.

"Okay ka na ba?"

"Yes, Mom. Teka nasan po sila Ate at Dad?" Tanong ko kasi kami lang ni Mom ang Meron dito pati yung nga kasambahay.

"Maaga silang umalis kasi sila muna ang mag-aasikaso sa work mo."

Napaubo naman ako sa sinabi ni Mom.

"Kaya ko naman imanage yung company, Mom!" Reklamo ko.

"Son, mamaya na natin pag-usapan ito kapag dumating na ang Dad at Ate mo."

Napasabunot ako sa buhok ko.

Aaaaarrrrrrgggghhhhh!!

Nakakainis na. Tumayo na ako at umalis muna ng bahay. Di na ako nagpaalam at baka pagbawalan pa ako. Sila yaya na ang bahala.

Buti pala may nag-uwi ng sasakyan ko. Sino kaya? Baka naman si Maine? Baka nga siya.

Sumakay na ako at pupunta akong mall ngayon.

**Mall**

Bakit ba kasi ang daming tao dito sa mall? Nakakabanas. Alangan Alden. Mall nga diba? May mall bang walang tao?

Ano ba yan pati sarili ko kinakausap ko na. Epekto ba 'to ng pagkakabugbog sakin? Imposible.

Naglalakad- lakad lang ako. Wala naman akong mabili kasi di ko rin naman gusto.

'OhmyGod!! Ang gwapo niya 'te.'

'Kyaaahhhh! Akin ka na lang Kuya.'

'Kyaahhh!!! Akin siya!!! Walang sayo.'

At kung ano-ano pang bulungan.

Tss. Pati ba naman dito? Makaalis na nga lang.

Habang nagdadrive ako, may nakita akong nagbabarbeque. Naalala ko si Maine, mahilig siya sa isaw.

"Manang, 10 isaw po."

Nagulat naman yung nagtitinda tapos biglang tumawa.

"Ang takaw mo naman, iho." Sabi niya habang tumatawa pa.

Napakamot naman ako sa ulo ko, "Ayy manang para po iyan sa best friend ko."

"Ang swerte naman ng best friend mo." Sabi ni Manang at nag-ihaw na.

*ring**ring*

*Menggay calling*

"Hello?"

[Tisoy, pasundo naman ako. Busy si Manong eh.]

"Ah. Wait lang. Hintayin mo ako."

[Okay.]

"Ingat ka ah."

[Ingat ka rin.]

"I love you." Pabulong kong sabi. At hinang-up ko agad. Sana hindi niya narinig. Ano ba kasing pumasok sa utak ko at nasabi ko yun?

Aaarrrggghhhh!!!

"Iho, okay ka lang ba?" Tanong ni Manang.

"Okay lang po ako Manang. Yung pinapaihaw ko po?"

"Ayy, eto na." Tapos inabot niya sakin yung supot at umalis na ako.

Pagkadating ko sa restaurant, nakita ko si Maine na naghihintay.

"Menggay!!!" Sigaw ko sa kanya.

Tumingin siya sakin tapos nakakunot yung noo niya.

Patay.

"M-menggay, let me----"

"Bakit ang tagal mo?!!" Sigaw niya sakin. Highblood na siya.

"May binili lang ako."

"At ano naman 'yun?!!" Sigaw pa rin niya.

Ang sakit na ng tenga ko kakasigaw niya pero sige lang pagtitiisan ko na. Mahal ko eh.

Tinaas ko yung supot na may isaw. Bigla namang nagliwanag yung mukha niya.

"^__________^ para sakin ba 'yan?" Tanong niya habang kumikislap ang mga mata niya.

"Oo naman. Sino ba ang may paborito nito satin? Diba ikaw lang naman?"

"Salamat, Tisoy!!!" At agad agad naman niya akong niyakap. Takte, kinikilig ako. Nababading ako ng dahil sa best friend ko. Ang lakas talaga ng tama ko sa kanya.

Niyakap ko na rin siya tapos kumawala ako agad.

"Tara na."

Umalis na kami at nagsimula na siyang lantakan 'yung isaw.

Natatawa ako sa kanya. Favorite na favorite niya talaga ang isaw.

"Kain ka rin." Sabi niya at isinubo sakin yung isaw.

Nandito na kami sa harap ng bahay nila at bumaba na siya.

"See you tomorrow." Sabi niya at pumasok na sa bahay nila.

Nandito na rin ako sa bahay. Pinark ko muna 'yung sasakyan ko.

Pumasok na ako at nakita ko sila Ate, Dad, at Mom.

"Son, have a seat. May pag- uusapan tayo." Seryoso na sabi ni Dad.

Ano na naman ba 'to?

About kaya ' to sa company?

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
(A/N: Late UD. Sorry po.)

Pls. Read. Vote. Comment

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon